Saturday, November 3, 2018

Doc Willie Ong para sa Sardinas: Super sa Sustansya



Dr. Willie Tan Ong / Composite photos from Edge Davao and Alibaba
Isang makabuluhang impormasyon ang ibinahagi muli ng batikang Health Columnist na si Dr. Willie Tan Ong o mas nakilala natin sa pangalang Doc Willie Ong nang dahil sa programa nitong ‘Salamat Dok’ ng ABS – CBN.

Sa kanyang Facebook post nitong linggo, ipinamulat ni Ong ang sustansyang nilalaman ng SARDINAS na karaniwang inuulam lamang tuwing panahon ng ‘taghirap’ at binansagang pagkain ng mga dukha.


Subalit, pinabulaanan nito ang naturang kuro – kuro dahil ang sardinas aniya sa katunayan, ay isa sa pinakamasustansyang pagkain sa buong mundo.

NARITO ANG MGA MAHAHALAGANG PUNTONG SINALAYSAY NI DOC WILLIE ONG SA KANYANG POST PATUNGKOL SA SARDINAS:

1. May taglay na Omega 3 fatty acids – Ang sardinas ay sagana sa Omega 3 na nagpapataas ng good cholesterol at pinoprotektahan ang ating puso at ugat. Dahil dito, makaiiwas tayo sa atake sa puso at sa istrok.
Dr. Willie Tan Ong / Photo from thetoplist.com
2. May Coenzyme Q10 – Ang sardinas ay may mataas na lebel ng Coenzyme Q10, isang anti-oxidant na nagpapalakas ng katawan.

3.  May Calcium – Ang calcium mula sa sardinas ay nagpapatigas ng ating buto. Kapag sasabayan ito ng ehersisyo, mas titibay ang ating buto at makaiiwas sa osteoporosis.

4. May Vitamin D – Ang vitamin D ay tumutulong sa pag-absorb ng calcium ng ating katawan.

5. May Vitamin B12 – Napakahalaga ng Vitamin B12 para sa kalusugan ng ating mga ugat (nerves), utak, at spinal cord. Ang vitamin B12 ay nagpapalakas din ng katawan at tumutulong sa paggawa ng dugo.

6. May Phosphorus – Ang sardinas ay iilan lamang sa mga pagkain na may phosphorus, na kailangan ng ating buto at ngipin.

7. Hindi nakatataba – Dahil mababa sa calories and sardinas, puwede ito sa mga taong nag-di-diyeta. Mataas ito sa protina at Omega 3 na nagbibigay sa atin ng lakas (energy).
Photo from Los Angeles Times
8. Mababa sa masamang Mercury – Isang dapat tandaan sa pagkain ng isda ay ang pag-iwas sa mga isda na mataas sa mercury. Ang mga maliliit na isda tulad ng sardinas, dilis, hito, galunggong at bangus ay mababa sa mercury at ligtas kainin. Limitahan lang ang pagkain ng lapu-lapu, sea bass at tuna sashimi na may kataasan sa mercury

At dahil madalas na may halong Tomato Sauce ang SARDINAS, “OK IYAN!”, banggit ni Ong dahil bukod aniya sa benepisyo ng sardinas, may sustansiya din umanong makukuha mula sa kamatis kahit ito’y ginawa nang Tomato Sauce.

Dagdag pa ni Ong, “ang kamatis ay may sangkap na lycopene at beta-carotene na makatutulong sa pag-iwas sa sakit sa puso, kanser sa prostata at kanser sa bituka.”

Iginiit din nito na ugaliing pumili ng sardinas na may TOMATO SAUCE.

Kaya’t payo ni Doc Willie Ong, “huwag nang maghanap ng mamahaling pagkain pa. Mag-sardinas na lang.”

Sino nga naman ang magpapahuli sa pag-kain ng sardinas na bukod sa masarap na ay masustansiya din pala. Kaya’t ayon sa Netizen na si Concha Grace Valdez, “Before, it was our dog food but now we cook it with pechay or cabbage. The other day the hubby cooked pasta with sardines.”

Marami din sa mga followers nito ang nagpahiwatig ng kanilang pagsuporta para sa Doktor na kumakandidato pagka – Senador sa darating na 2019 Midterm Elections.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Doc Willie Ong