Monday, November 5, 2018

DoTR isiniwalat ang katotohan sa isyung binabato sa Duterte admin kaugnay ng PITX



Ang pagkukumpara, larawang ng lugar bago at matapos itayo ang PITX




Nitong Lunes lamang ay dinaluhan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang inauguration ng kauna-unahang landport sa bansa, ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Sa kabilang ng magandang balitang ito para sa mga Pilipino ay ang isyung binabato ngayon sa kasalukuyang administrasyon patungkol sa PITX. Kaya naman, agad na nagbigay ng statement ang Department of Transportation (DoTR) tungkol dito.

Ang paglilinaw

Ayon sa statement na nilabas ng DoTR ngayong araw ng Martes, inamin nito na nagsimula ang nasabing proyekto sa administrasyon ni dating Pangulong Noynoy Aquino kung saan ay nilagdaan ang kasunduan para sa naturang proyekto. Ngunit, naisulong lamang umano ito sa noong October 17, 2016, isang taon matapos ang pirmahan.


“Ang mismong pagtatayo ng PITX ay sinimulan noong 21 October 2016, at natapos nitong 17 April 2018 (civil works).” Ayon sa pahayag ng DoTR.

Sinabi rin nito na puno pa umano ng talahib ang paligid ng lugar kung saan itatayo ang proyekto at naroon pa rin ang mga informal settlers.

“Hindi lang 'yan. Nang busisiin ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang kontrata para sa proyekto, napag-alamang nakasaad dito na kailangang magbayad ang gobyerno ng PhP 100 million kada taon sa loob ng 35 taon sa MWM Terminals bilang annual grantor's fee.” Ayon pa sa DoTR

Kaya dahil dito ay tinutulan muna ito ni DoTR Secretary Arthur Tugade, sapagkat ayon sa kontrata na nilagdaan sa liderato ni Aquino ay gobyerno pa ang gagastos, samantala, pribadong kumpanya ang magtatayo ng terminal at sila rin ang kikita - haggang ito ay naiayos matapos ang mahabang negosasyon.


Narito ang kabuuang pahayag ng DoTR sa naturang isyu:

PAGLILINAW sa mga isyung ibinabato kaugnay ng PITX

Una sa lahat, batid at hindi itinatanggi ng administrasyong Duterte na hindi sa liderato nito nagsimula ang proyektong Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Ang concession agreement para sa proyekto ay nilagdaan noong 24 April 2015, sa ilalim ng nakaraang administrasyon. Gayunman, malinaw ring inilabas lang ang "Notice to Proceed" para sa proyekto noong 17 October 2016, mahigit isang taon matapos malagdaan ang kasunduan. Ibig sabihin, mula nang napirmahan ang kasunduan, mahigit isang taong nakatiwangwang ang proyekto.

Ang mismong pagtatayo ng PITX ay sinimulan noong 21 October 2016, at natapos nitong 17 April 2018 (civil works).

Dinatnan ng kasalukuyang administrasyon ang proyekto na puno pa ng talahib ang pagtatayuang lugar, at wala ni isang posteng nakatayo. Mayroon ring ilang informal settlers na naglalagi sa lugar.

Hindi lang 'yan. Nang busisiin ni DOTr Secretary Arthur Tugade ang kontrata para sa proyekto, napag-alamang nakasaad dito na kailangang magbayad ang gobyerno ng PhP 100 million kada taon sa loob ng 35 taon sa MWM Terminals bilang annual grantor's fee.

Mariin itong tinutulan ni Secretary Tugade sapagkat lugi ang gobyerno rito: gobyerno ang may-ari ng lupa, pribadong kumpanya ang magtatayo ng terminal at siyang kikita mula sa mga negosyong uupa sa pasilidad, pero gobyerno pa ang magbabayad. Ngunit 'yan ang nakapaloob sa kasunduang nilagdaan sa ilalim ng nakaraang administrasyon.

Matapos ang matitinding negosasyon, sa huli'y pumayag ang MWM Terminals na hindi na pagbayarin ang ating gobyerno nang kabuuang halagang PhP 3.5 billion na dapat sana'y papasanin ng mga taxpayer nang 35 pang taon. Bukod diyan, bilang patunay sa kanilang pagtitiwala sa pamahalaan, pumayag pa ang MWM Terminals na ibahagi sa gobyerno ang 2% share sa kita nito mula sa mga pauupahang espasyo.

Nang maplantsa na ang mga gusot, kagyat na tinutukan ng administrasyong Duterte ang pagpapatayo ng PITX. At kahapon, pinasinayaan na ang kauna-unahang landport sa bansa.

Hindi dapat nilalagyan ng kulay ang mga proyekto ng gobyerno. Hindi dapat nagtatagisan sa pag-angkin ng mga pampublikong istruktura. Ang mga proyektong tulad ng PITX ay mula sa katas ng pinagpaguran ng mga mamamayan.

Ang PITX ay galing at para sa publiko.


President Rodrigo Duterte inaugurates PITX / photo from ABS CBN News