Saturday, November 10, 2018

Duterte hits Trillanes anew: ‘Sarap-buhay’ lang noong kadete pa



Senator Antonio Trillanes IV / Photo from Pilipinas News Portal - Altervista
May bagong paandar ang Pangulong Rodrigo Duterte laban sa numero unong kritiko nito na walang iba kundi si Magdalo Party list Representative Senator Antonio “Sonny” Trillanes.

Sa isang pahayag, sinabi ng Pangulo na hindi nakarananas ng matinding Training ang nakababatang Trillanes dahil lagi lamang umano itong nakatengga sa loob ng opisina ng kapwa – Sundalong ama.


Training na kung saang hinahasa upang maging matatag na sundalo ang isang kadete ng Philippine Military Academy (PMA). Pakutya din na sinabi ng Pangulo na nilakad ng sarili nitong ama ang pagiging Sudalo ng nakababatang Trillanes.

Mababatid na una nang kinuwestiyon ni Trillanes ang pagiging abogado ng Pangulo na nilakad di – umano ng sarili nitong ama. Depensa naman ng Pangulo, matagal nang pumanaw ang ama nito bago paman ito naging abogado.
Photo from filipinojournal.com
Aniya, “Hindi ako yung anak ng opisyal sa PMA, si Trillanes, na hindi man pala sumasali doon sa mga training na yung talagang iihi ka sa pantalon mo. Kasi he was favored because he was always in the office of his father who was working for government, also a military man.”

“Siya pala ang nilakad ng tatay niya. My father would never do that even if I wanted to,” buwelta ng Pangulo

Inabandona Ang Militar

Bunsod ng ipinataw na Proclamation No. 572 na nagpapawalang – bisa sa amnestiyang ipinagkaloob kay Trillanes noong 2011, sinabi ng Pangulo na nagpanggap lamang umano ang Senador bilang tagapagtanggol ng mga kasundaluhan subalit malinaw na WALA naman itong nagawang matino para kapakanan ng mga ito, bagkus ang nangurakot pa.

Pagkalapag pa lamang ng bansa mula sa biyahe nito mula Israel at Jordan kamakailan, binanatan agad ng Pangulong Duterte si Trillanes, na dating Naval Officer, sa umano’y kawalan nito ng malasakit sa mga kapwa – sundalong nasawi sa giyera sa Marawi noong nakaraang taon.

“It was all Trillanes, pretending to be a crusading soldier when as a matter of fact, wala naman silang ginawa…He not only abandoned the vision of the military, he became a corrupt guy, collecting diyan sa mga negosyante,” ayon sa Pangulo.
President Rodrigo Duterte / Photo from bbc.co.uk
"Itong si Trillanes, sundalo. He believed that he was for the military... Nagpakita ba sila minsan sa Marawi? When a lot of my soldiers and policemen in Marawi, pumunta ba sila to console?" dagdag ng Pangulo na ilang beses pumunta ng Marawi sa kasagsagan ng bakbakan.

Kaso Laban Kay Trillanes

Setyembre 4 nang maisapubliko ang Proclamation No. 572 na nagpapawalangbisa sa amnestiyang ipinagkaloob ng administrasyong Aquino kay Trillanes noong 2011 upang magbigay – daan muli sa kasong dati pa nitong hinarap kaugnay sa 2003 Oakwood Mutiny at Manila Peninsula Incident noong 2007.

Batay sa nakasaad sa proklamasyon, nabigong sundin ni Trillanes ang tamang hakbang upang magsumite ng amnestiya kaya’t simula’t sapul pa lamang ay hindi na ito naging epektibo para sa kanya.

Agaran namang naghain ng mosyon ang Department of Justice (DOJ) sa Makati Regional Trial Court (RTC) Branch 148 sa parehong araw upang mailabas ang Warrant of Arrest at Hold Departure Order laban sa Senador.

Subalit, ibinasura naman ng naturang korte ang mosyon ng DOJ nitong Oktubre 22 na pinangunahan ni Judge Andres Soriano.


Nagpasalamat naman si Trillanes sa Panginoon sa pagkakataong pinanigan di – umano nito ang katotohanan. Naniniwala din ang Senador na pinal na ang naging desisyon ng RTC Branch 148.

Kaugnay nito, nanindigan naman si Justice Secretary Menardo Guevarra na HINDI PA TAPOS ANG LABAN ng DOJ kay Trillanes dahil pwede pang umakyat sa Korte Suprema ang kaso.

Makikipag – pulong umano si Guevarra kay Prosecutor General Richard Fadullon kabilang na ang hanay ng Department of National Defense (DND) upang mapag – usapan ang mga susunod na hakbang na gagawin.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Abante