Duterte: "To the Parojinogs, I will wipe you from the face of the earth" - The Daily Sentry

Wednesday, November 28, 2018

Duterte: "To the Parojinogs, I will wipe you from the face of the earth"



Composite photos from m.inquirer.net and newsinfo.inquirer.net
Nito lamang Miyerkules ay muling binalaan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pamilya Parojinog na kilala bilang isang makapangyaring angkan sa Ozamiz City at kasalukuyang nahaharap sa mga kasong nauugnay sa ipinagbabawal na gamot.

Sinabi ng Pangulo na handa itong walisin sa mundo ang pamilyang Parojinog dahil sa lumabas na ulat na suspek ang angkan ng Parojinog na utak sa pag-paslang sa police officers na inutusan upang pigilan ang mga iligal na gawain ng pamilya Parojinog sa Ozamiz.


"If you are an evil mayor or councilor and you think of disgusting things, or even ten times more disgusting than that, I can do it better 50 times than you can. Do not intimidate me. I will strangle you if I lose my patience, you son of a b****," Galit na talumpati ng Pangulo.
President Rodrigo Duterte / Photo from baocalitoday.com
"To the Parojinogs, I will wipe you from the face of the earth," Dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang noong isang taon ay ni-raid ng kapulisan ang bahay ng pamilya Parojinog na pinangunahan ni Police Superintendent Jovie Espenido, dahilan ng pagka-sawi ni Ozamiz City Mayor Reynaldo Parojinog Sr.

Si Espenido ay kasalukuyang nakadestino sa Eastern Visayas ngunit dahil sa nangyari ay nagpasya si Pangulong Duterte na ibalik nalang muna ito sa Ozamiz City upang tuluyan ng burahin ang angkan ng Parojinog.

Kamakailan lamang ay napabalitang tatakbo si Espenido bilang mayor ng Ozamiz nitong paparating na 2019 eleksyon.

Habang nagtatalumpati ang Pangulo, tinawag nito si Philippine National Police chief Director General Oscar Albayalde upang utusan na ireassign si Espinido sa Ozamiz.

"I am here at the Ozamiz airport. They said they want him (Espenido) back," Saad ng Pangulo.
Photo from philstar
"Ipaubos ko itong, ang order ko kay Espinido, ubusin niya ang p*t*nginang angkan ni mayor" Dagdag pa ng Pangulo.

Matatandaang nito lamang October ay napabalitang ipinapaslang ng hindi pa nakikilala ang Ozamiz City judge na humahawak sa kaso ng pamilya Parojinog.

Dahil dito agad na ipinag-utos ni Chief Justice Teresita Leonardo-De Castro na imbestigahan agad ang pang-yayari sa lalong madaling panahon.

"The Court is deeply saddened with the news that the executive judge of the Regional Trial Court of Ozamiz City, Hon. Edmundo P. Pintac, was shot on his way home today." Saad ni De Castro.

"I'm calling on the Philippine National Police to exert all means and efforts to apprehend the perpetrators at the soonest possible time. I have also instructed the court administrator to coordinate with all law enforcement officers to bring to justice those responsible for this cr*me," Dagdag pa nito.

"Our prayers and sympathies go out to the family of Judge Pintac. May they find strength in this moment of grief,"

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Philstar