Saturday, November 10, 2018

G Tongi tinawag na 'plunderer' si Imelda at 'boxer turned biblical fanatic' si Pacquiao



Dahil sa isang Instagram post kahapon ng dating aktress at TV host na si G Tongi, marami ang hindi natuwa dahil sa kanyang sinabi tungkol kay Ilocos Norte Congresswoman Imelda Marcos at Senator Manny Pacquiao.
G Tongi, Imelda Marcos and Manny Pacquiao / Composite photos from Married Biography, Daily Mail and Inquirer

Ayon sa post ni G, tinawag niyang “plunderer” ang dating First Lady, at ang Pambansang Kamao naman ay tinawag niyang “boxer turned biblical fanatic.”

Instagram post

Sabi ni G sa kanyang post, “As a Filipina American, most people I meet around the world almost always mention that all they know of the Philippines is about this woman with the shoes or that boxer turned biblical fanatic. It’s not a good reputation for the Filipino people when the world knows of your country by the woman who plundered away the wealth of the Filipino people on shoes... this PROVES THERE IS JUSTICE after all. Former First Lady & Ilocos Representative has been found GUILTY. Injustices against the Filipino people will be remembered in history! #NeverForget#endMartialLaw join the @malayamovement to hold Philippine government accountable!

Screencap from  IG

Kamakailan ay hinatulan ng Sandiganbayan si Congresswoman Imelda ng guilty verdict sa seven counts of graft at kulong na anim hanggang labing isang taon sa bawat kaso.

Sa comments section ay may mga hindi sumang-ayon sa mga sinabi ni G patungkol sa dalawang mambabatas.

Comments section

Sabi ni @maureen_arjan, "It’s a bit rude of you to say ‘THAT BOXER TURNED BIBLICAL FANATIC’ when he gave karangalan sa Pilipinas. I have co-workers that only knew Philippines exists because of Manny Pacquiao so don’t be belittle him. #respect."

Sagot ni G, "@maureen_arjan what's RUDE is saying gays are worse than animals! #respectlgbt."
Screencap from PEP

Ang tinutukoy ni G na sinabi ni Manny tungkol sa mga gay ay sa panayam niya sa isang TV station noon kung saan sinabi niyang ang pagpapakasal ng dalawang tao na pareho ng kasarian ay “mas masahol pa sa hayop.”

May isa pang nagkomento ngunit burado na ito. Pero sinagot pa rin siya ni G. Dito ay tinawag niyang "bible thumper" si Senator Pacquiao.

Screencap from PEP

May nagtatanong naman kay G kung ano ang masama sa pagiging bible fanatic.

Sagot niya, "Meaning the world only recognizes the Filipino people because of Imelda and Manny."
Screencap from PEP

Ayon naman kay @fengfengdesarapen, "I really admire you. And I'm not a fan of the former first lady. But you just remembered the bad things about her, paano naman yung mga magagadang ginawa niya at ng former Pres. Marcos? Na-count mo ba? If you really open your mind and eyes, read beyond history, malalaman mo how great ang Philippines noon.And you choose to post this one. May mga narinig ka siguro before na magaganda about Marcos era, pero dahil sarado ang isip mo, (at judging this post hindi mo naman sila gusto) hindi mo naipost yun."

Sagot ni G, "@fengfengdesarapen crimes against humanity of the Filipino people outweigh the good the Marcoses contributed to only a few of the wealthy..."
Screencap from PEP
Screencap from PEP


Source: PEP