Independent Consultant kay VP Leni: ‘Wala ka nang halaga, Leni. Nuisance ka na lang.’ - The Daily Sentry

Wednesday, November 21, 2018

Independent Consultant kay VP Leni: ‘Wala ka nang halaga, Leni. Nuisance ka na lang.’



Vice President Leni Robredo, President Rodrigo Duterte and Chinese President Xi Jingping
Tinuligsa ng isang Independent Political Consultant si Vice President Leni Robredo sa pautos nito para sa administrasyong Duterte na pairalin ang “TRANSPARENCY” sa pinagkasunduang Joint Exploration Deal ng bansang Pilipinas sa Tsina.

Hinimok nito si Pangulong Duterte na isapubliko rin ang LAHAT ng ‘bilateral agreements’ na kinumpuni ng bansang Tsina na nilagdaan na nitong Martes.


Dinaan ni Krizette Laureta Chu sa Facebook post nitong Miyerkules ang kanyang opinyon sa nais iparating ni VP Leni. Naniniwala ito na walang sariling diskarte ang ikalawang Pangulo at nais palakihin ang lahat ng issue. “She only wants to politicize everything. Talagang walang mangyayari,” aniya.

Pinuna din ni Chu ang ginawang pa – presscon ni Madam gayon at kasama naman nito ang gabinete ng Pangulo sa paglagda ng Memorandum of Understanding para sa bansa at Tsina. Dagdag pa nito, sa halip na personal na humingi ng dialogo sa Pangulo, sa Media pa ito nakuhang magtanong at pilit na pinalalabas na sinisikreto ni Pangulo ang buong Bilateral Agreement.
Krizette Laureta Chu / Photo from Facebook
Kung ikukumpara naman di – umano sa Administrasyong Aquino, pinaiiral na ngayon ang tinatawag na Feedom Of Information Bill (FOI) kaya’t hindi na mahirap ang pagsagap ng nararapat na impormasyon tungkol sa gobyerno, di gaya noong panahon nila Trillanes kung saang halos itago nalang ang lahat lalo na ang kapalpakang ginawa nila sa ‘backdoor negotiation’ sa Tsina na naging dahilan upang humantong ang lahat sa ngayo’y usapan ng dalawang bansa.

BASAHIN SA IBABA ANG BUONG POST NI KRIZETTE NA NAGMULAT SA TUNAY NA KATAMARAN NI VP LENI:

This is why Leni is not seen as a good VP, because she only plays to the public. If she really were interested to know, she would go to the President and ask him. She is definitely in a position to. She's the VP. She can use her position to open the dialogue.
Vice President Leni Robredo / Photo from People Asia
Kung hindi sya sagutin ng maayos, she can tell the public. Dun sya pwede mag ingay. Dun may ma rereport sya na of substance. Sabihin nya na tinatago sa kanya. Na ma anomalya. Na may tinatago.

Hindi yung magtatanong sya in a statement, sa media pa. That's when you know this woman is not earnest in her desire to serve. She only wants to politicize everything. Talagang walang mangyayari.

Wala na sya sa Aquino admin where everything was kept under wraps, there's an FOI bill now, and we live in the age of social media.

Hindi yan gaya ng Aquino admin na sila sila lang nila Trillanes yung nandoon para pag usapan yung backdoor nego with China na super secret.

King ina, andon lahat halos ng cabinet secretaries. Televised pa ang event.

Wala ka bang kaibigang cabinet secretary na pwedeng tanungan? Baka pwede ikaw na magtanong kung ano ang laman ng MOA?

Wala ka nang halaga, Leni. Nuisance ka na lang. Di mo man lang magamit ang posisyon mo para maging tunay na Oposisyon. Mema ka lang para lang magpabango nang wala man lang ka effort effort.

You are the worst. Sayang ka. Kaya walang maayos na Oposisyon ang bansang ito kasi puro kayo pabida, kontrabida naman.

Opposition ka, VP ka, dapat ikaw ang mag ask sa President to make public all the documents IN PERSON. You are the voice of Opposition, and you are to serve US, whether we are pro or anti government. You should ask Duterte as the Opposition, and as his VP. You have every right. You have more right than reporters as part of the GOVERNMENT, at kung itabla ka at di sagutin, report mo sa amin para kami ang magwala para sa iyo. That's how real work is done.

KASALANAN MO KUNG BAKIT WALANG OPOSISYONG MAAYOS ANG DUTERTE GOVERNMENT KASI AYAW MO MAG TRABAHO NG TOTOO. Bawal mag research at mag inquire at mag meeting? Puro statement sa media?

Tamad.

Panawagan Ni VP Leni

Nauna nang idiniin ni VP Leni na dapat ay dalhin na ng pamahalaan sa tamang FORUM ang isyu ng West Philippine Sea sa paghain ng ‘diplomatic protest’ at pagkilala sa naging desisyon ng United Nations (UN) International Arbitration Court na pumabor naman sa Pilipinas noon 2016.

Sa naging mensahe nito isang araw bagon gunitain ang ika – 20 na Araw ng Kalayaan sa Luneta Maynila, banggit ni VP Leni na, “Hindi lamang tungkol sa mga lipon ng mga maliliit na isla at pulo ang mga kaganapan sa West Philippine Sea. Simbolo ito ng ating higit na matimbang na laban para sa soberanya ng ating bayan, para sa kapakanan ng bawat Pilipino ngayon at sa mga susunod na hene­rasyon.” 

“Simple lang naman ito: Ang atin ay atin. Obligasyon nating pangalagaan ang ating teritoryo, pati na ang kapakanan ng lahat na nakatira dito. Hindi ito basta-bastang isinusuko o binibigay sa iba dahil lamang kinakatakutan natin sila. Kapag hinaya­an nating yurakan ang karapatan ng ating mga kababayan, at nailagay sa peligro ang ating lupang sinilangan, binibigo natin ang bawat Pilipinong umaasa sa atin,” dagdag pa nito

Ayon sa Pangalawang Pangulo, nakasaad sa Saligang Batas ang responsibilidad ng bawat administrasyon na pangalagaan ang kasarinlan at interes ng Pilipinas sa mga ganitong usapin at maraming paraan upang ito ay magagawa sa pamamagitan ng diplomasya at pagkuha ng suporta ng international community. 

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.