Friday, November 9, 2018

Jay Sonza sa pag iingay ni Kiko ukol sa 3rd Telco: Si MVP ang gumastos sa kanyang kampanya



Senator Francis "Kiko" Pangilinan / Photo from Rappler
Pinabulaanan ng beteranong newscaster at talk show host na si Jay Sonza ang muling pag – iingay ni Liberal Party President na si Senator Francis ‘Kiko’ Pangilinan ngayon naman nang dahil sa panghihimasok ng pangatlong Telco sa bansa.

Nakasaad sa isang Facebook post ni Sonza nitong Biyernes ng umaga na halatang tutol ang Senador na magkaroon pa ng ka – kompetensya ang kompanyang PLDT, Smart, Talk N’ Text, at DIGITEL na pinagmamay – ari ng mismong tiyohin nito na walang iba kundi si Ginoong Manny V. Pangilinan.


Banta Ng Senador

Bagama’t sampung kompanya na ang bumili ng Bid Documents na nagkakahalaga ng P1 Milyon upang makipagtunggali para madagdagan ang TELCO ng bansa, iginiit ni Pangilinan na possible umanong kwestiyunin ang legalidad ng mga ito sakaling mailunsad na.
Photo from PEP
Pinaalala ng Senador ang sinapit ng ibang proyekto mula China kagaya ng NorthRail Project at National Broadband Network (NBN) deal sa ZTE Corporation na ibinasura nang dahil sa maraming iregularidad.

Ayon sa isang text message na ibinahagi ni Pangilinan sa mga reporters, sinabi nito na, “Government must be extremely careful that because of legal questions this effort will go the way of other controversial China-funded govt contracts such as the ZTE NBN deal and the Northrail project which were eventually scrapped due to irregularities.”

Bukod pa aniya sa magiging seguridad ay pinasaringan din nito ang isyu kaugnay sa ‘legal, technology at policy concerns’ lalo na ang lawak ng kaalaman at karanasan ng negosyanteng si Dennis Uy ng Davao City tungkol sa TELCO sa pagbunsod ng China Telecom sa ilalim ng Udenna-Telecomm Consortium na pinagmamay -ari nito.

Aniya, “Why only one qualified bidder? What is Dennis Uy’s expertise and what does he know about telcos?”
Jay Sonza / Photo from Philippine Star
Kompetisyon

Nadale ng Udenna - China Telecom ang pangatlong Telco na posibleng makilahok sa kasalukuyang Globe at PLDT - Smart matapos itong makapagsumite ng kompletong dokumento para sa bidding na naganap nitong Martes, Nobyembre 6. Kasabayan din nito ang TierOne Consortium kung saan kasapit sina former Ilocos Sur governor Luis ‘Chavit’ Singson, at ang PT&T.

Nang dahil dito, tinawag nang ‘Provisional 3rd Telco’ ang Udenna – China Telecom nito lamang Miyerkules, Nobyembre 7 na nangakong magpapatupad ng maayos na koneksyon sa mahigit 80% na bahagi ng bansa sa loob ng limang taon sa budget na mahigit sa P250 Billion.

Post Ni Sonza

Kaya’t ayon na lamang sa beteranong broadcaster, “huwag kayong magtaka kay sen. Kiko bakit maingay siya sa 3rd Telco isyu. Pamangkin siya ni Manny V. Pangilinan may – ari ng PLDT, SMART, TALK N TEXT, at DIGITEL. 

Si MVP rin ang may – ari ng Philippine Star, Pilipino Star Ngayon, AKSYON Radyo and TV, Cignal Direct TV, Hyper TV at part owner ng Inquirer radio DZIQ. 

Si MVP rin ang gumastos sa kanyang kampanya at pulitika. Supporter at Backer din ni Kiko Pangilinan ang ABS – CBN at Lopez Group of Companies. 

Ang ABS – CBN naman ang may – ari ng ABS – CBN TV and DZMM at Teleradyo, Sky Cable TV and Internet, ucc/western union money transfer (dating RCPI) at ICC (international Communication Coporation). 

Ang Lopez group ay may Atraso sa gobyerno ng bilyon – bilyong piso sa buwis at utang na hindi binayaran.”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Jay Sonza