Sunday, November 4, 2018

Landport na Walang Katulad | Kauna-unahang "Landport" sa bansa, bubuksan na



Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) / Photo from Department of Transportation
Inaasahang mapapabuti na sa darating na mga araw ang byahe papuntang Cavite at Batangas mula Maynila at pabalik dahil mabubuksan na sa wakas ang pinaka – unaunahang Landport ng bansa na kung tawagin ay PITX o ang Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX).

Tatak Duterte

Kabilang ang PITX sa patuloy na mga ‘flagship’ na proyekto ng Department of Transportation (DOTr) at MWM Terminals, Incorporated sa ilalim ng BUILD, BUILD, BUILD program ng Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon sa nakasaad na post sa Facebook page ng ahensiya nitong linggo, ‘maganda at high – tech’ ang amenidad ng naturang Terminal upang masiguro ang seguridad ng mga byaherong tumatangkilik dito. Shower Room, Gender – sensitive na palikuran, clinic, breastfeeding station, at prayer room ang iilan sa mga ipagmamalaki ng panibagong Terminal na maihahalintulad na din sa iilang paliparan ng bansa.
Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) / Photo from Department of Transportation
Kaya umanong mapagkasya ng tinatayang 200,000 pasahero ang Terminal na kapag nabuksan na ay tuluyan nang makakabawas sa mga bilang ng Provincial Bus na bumabaybay sa Metro Manila, partikular na sa Taft Avenue at EDSA – Pasay.

Nakatakda nang buksan ang PITX sa Lunes, Nobyembre 5 sa isang seremonya na pangungunahan ng mismong si Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon sa Presidente ng MWM Terminals Inc. na si Louie Ferrer, “Our goal is to deliver hassle-free transfers between multiple modes of transportation in PITX. Many of our technologies are being used for the first time in a bus terminal setting in the country.”

“We worked with international consultants and studied intermodal stations in first-world cities like Melbourne, London, Kuala Lumpur and Singapore to make PITX into the Philippines’ first landport. We want all Filipinos to be able to have a first-world experience, and this is our benchmark for all our infrastructure projects. We’re helping to improve the quality of living in the Philippines, and we can start by delivering a friendly, first-world terminal experience at PITX,” dagdag pa nito.

Landport na ‘Walang Katulad’

Ayon kay Ferrer, isa sa mga highlights ng facility ng Terminal ay ang pagkakaroon ng gender – neutral bathroom, bukod pa sa shower room na halos hindi mo makikita sa iba pang bus terminal sa bansa. Aniya, “We felt it was important to have a gender - neutral bathroom in PITX for passengers who are gender nonconforming, and for parents who have to accompany young children of a different gender to the bathroom. We may be the first public facility to have incorporated this into our design.”
Parañaque Integrated Terminal Exchange (PITX) / Photo from Department of Transportation
May lapad na 12,000 square meters sa loob ng Terminal ang pwedeng pangupahan ng mga Tenants nito upang maibahagi ang iba’t ibang ‘food, beverage, at service’ retail options. Magkakaroon din ng sapat na ATMs at branch ng Bangko sa loob nito at higit sa lahat, isang Supermarket kung saang pwedeng makapagpamili ng mas murang pangangailangan.

“We respect the time of our customers, so essentials and daily needs will be within their reach. We have round-the-clock operations, so some essential outlets open at 5 or 6 a. m. to meet the morning rush. Our commercial area was also designed to be easy to navigate, which makes it much faster for consumers to pick up what they need,” banggit ni Ferrer.

Kitang – kita sa mga naunang litrato na ibinahagi ng DOTr sa post nito ang makabagong pasilidad ng gusali na siguradong ikagagalak ng kahit na ordinaryong si Juan Dela Cruz.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.