Wednesday, November 7, 2018

Mel Tiangco kay Pres. Duterte: Ano ba talaga ang pagkatao ng taong ito?



President Rodrigo Duterte and Mel Tiangco / Composite photos from Wikipedia and Bandera
Nais tutukan ng batikan na television newscaster na si Mel Tiangco ang kwentong – buhay sa kabila ng mabagsik na personalidad ng walang – iba kundi si Pangulong Rodrigo Duterte.

Balak ni Tiangco na itampok ang mismong Pangulo sa isa sa magiging kabanata nito sa drama anthology series na “Magpakailanman” para sa isang buong buwang pag – gunita na matagal nang pumapantig sa puso ng nakararaming tiga – subaybay.


ANG PAG – UDYOK NI TIANGCO

Sa isang Pocket Press Interview ni Tiangco para gunita-in ang ika – 6 na anibersaryo ng programa nitong Miyerkules, saad nito na, "Don't you sometimes feel that this guy, there's something mysterious about him. 'Di ba? Hindi mo ba napi-feel 'yung [sa likod ng pagmumura niya], ano ba talaga ang pagkatao ng taong ito? Parang gusto ko na, baka mapalabas ko kung ano 'yung kaniyang pagkatao na ganiyan."
Mel Tiangco / Photo from PEP
"Kasi ano eh, he is a man of contrast, 'di ba? He is soft-spoken, pero nagmumura?," dagdag pa ng TV Personality.

Pakay ng pamunuan ng naturang programa na itampok ang mga kakaiba at "more compelling" na mga kwento ng mga ordinaryong Pilipino, kagaya ng dating pamumuhay ng mismong Pangulo.

ANG NAKABABATANG DUTERTE

Pangalawa sa limang magkakapatid ang batang kilala sa palayaw na ‘Digong’ na isinilang sa probinsya ng Maasin sa Katimogang bahagi ng Leyte, ika – 20 ng Marso taong 1945.

Sa murang edad pa lamang ay namulat na ang kaisipan at wangis ng batang Duterte nang dati’y naging Alkalde ng Danao City, Cebu ang ama nito na si ginoong Vicente Duterte. Isa namang guro ang ina nito na si ginang Soledad Roa – Duterte.

Nakapagtapos ng kursong Political Science si ‘Digong’ sa Lyceum of the Philippines at nagpasya na mag – aral muli sa San Beda College of Law kung saang nakamit din nito ang pagiging Abogado noong taong 1972.
Photo from Asia Times
BUHAY – PAMILYA AT POLITIKA

Nagkaroon ng tatlong anak na sina Sara, Paolo at Baste ang ngayo’y si Pangulong Duterte sa unang asawa nito na si Elizabeth Abellana Zimmerman kung saang tumagal ng mahigit dalawampung taon lamang ang pagsasama ng dalawa. Sa kasalukuyan, ang Pangulo ay may isang anak sa kinakasamang si Cielito "Honeylet" Avanceña. Ang kanilang nag-iisang anak ay si Veronica "Kitty" Duterte.

Bago pa naging Pangulo ng bansa, ang ngayo’y kilalang si ‘Tatay Digong’ ay nanilbihan bilang Alkalde ng Davao City sa loob ng pitong termino o 22 taon.

Si Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang tumatayong ika – 16th na Pangulo ng Republika ng Pilipinas.

Narito naman ang iba't-ibang reaksyon ng mga netizens:

Maria Nona Torres: Tita Mel, you know the cursing of our President that is just a flowering words to the President that is how he expresses his anger to those unrighteous people and one thing that is his magic words for his power attentively to catch up everybodies attention but in reality he is a good person with a brave heart willing to fight to depend his country and people against all odds!!!! God bless the Philippines and our Father of the land!!!

Ehr Whin Magalona: Kahit araw-araw pa yan mag mura..importante resulta sa mga ginagawa nya para sa bayan,. aAnuhin mo yung mga desente kuno,. desenteng magnakaw ganun ba gusto nyo..???

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: gmanetwork.com