Friday, November 9, 2018

Millennial writer urges fellow youth to forgive Marcos: Magpatawad, igalang at irespeto ang taong minsang nagpa-unlad ng ating bansa




The Martial Law during Marcos regime is already etched in the mind and heart of those who have actually lived on it and even on those who were not yet born during its time.

Demonized president 

The kids or the so-called “millennials” these days, with the only basis through textbooks on the particulars about Marcos himself and the Martial law are grieving on the victims of what they call as “dark age.” However, a netizen Aldrin Capili sends its wondering thoughts on Marcos through Facebook. The post is a direct message to Marcos. Capili spills his what-ifs on the long post saying if he were living on FM’s era, he could have made a book about the latter’s life.
Aldrin Capili, photo from his FB
Golden age

Uninterested with political talks and issues and even on the Philippine history, his consciousness is captured by Marcos’ name as it is written all over textbooks claiming the late president as a dictator who played the role of abusing the human rights then. What ticks is interest is the contradicting thoughts given by the school to the declarations and stories shared by his mother, grandmother, and the old man he just met in Sariaya, Quezon. According to them, Marcos time is a peaceful one and full of freedom but the textbooks say otherwise.

No reason to hate you 

Aldrin admits that he has nothing against Marcos for he can’t hate one who is already dead. On the other note, writing has made him do more research about Marcos’ works and efforts to uplift the country with his genius ideas and long-term government projects.

The Philippines became known for its strict sense. The late president has a heart for everyone regardless of status in life. Without Marcos, there will be no San Juanico Bridge, dams, and Bataan nuclear power plant. For Capili, Marcos is one of the best and smartest president the Philippines ever had.

The young man reiterates his message to people, trying to end the 30 years spent of demonizing the great man. Why is there a need to plant hate in the minds and heart of the young to the man who only cared for the country? Today, we are still a divided nation.

Read full post below:

Kung nabubuhay na siguro ako noong panahon mo, at kung nasubaybayan ko ang lahat ng galaw mo, ang lahat ng mga nagawa mo sa ating bansa. baka naisulat ko na ang isang librong ang nilalaman ay ang tungkol sa iyong buhay bago ka pa man maging abogado, sundalo at Presidente nitong aking bayan.


Dati hindi kita kilala at hindi ako kailanman nagkaroon ng interes sa mga usaping politika o mga naging kasaysayan ng pangulo ng pilipinas. ngunit ang pangalang "Marcos" ay madalas kong nakikita sa mga librong pampaaralan, kung saan sinasabing hindi ka naging mabuting pangulo, sa halip sinasabing inaalisan mo ng karapatan at kalayaan ang mga pilipino sa Diktaturya mong pamumuno. Subalit ang nababasa ko noon sa mga librong pampaaralan ay taliwas sa naging kuwento ng aking lola at naging tugma din sa kuwento ng aking ina at maging sa isang Lolong taga Cotabato na nakilala ko noon sa Sariaya Quezon. Sinabi nilang sagana at tahimik ang pamumuhay noon, ngunit sa aklat "wala sa 'yong kalayaan" ganun pa man, hindi ako nabibilang sa mga kabataang kinamumuhian ka, dahil nasabi ko sa sarili ko. "Bakit ko kamuhian ang isang taong hindi ko naman naabutan? Bakit ko kagalitan ang isang taong wala naman ginagawa sa akin masama? Bakit ko itatakwil ang isang taong nanahimik na sa ilalim ng lupa?" wala akong dahilan para magtanim ng galit at kamuhian ka.


Nang ako'y lumawak ang pang-unawa at naging hilig ko ang larangan ng pagsusulat. dito ako nagkaroon ng interes na pag-aralan ang naging kasaysayan ng Pilipinas noong ikaw pa ang namumuno sa ating bayan, sa mga opinyon at saloobin ng ilan kong kababayan lalo na ang matatanda dito ko nakukuha ang ediya upang mailarawan ang iyong mga nagawa. Hanggang sa matuklasan ko ang hindi matawaran naiambag at nagawa mo. Noong panahon ikaw pa ang namumuno nakilala ang Pilipinas na isang striktong bansa, Disiplinado, May pangil ang batas mahirap o mayaman wala kang pinapanigan. Nakita ko ang puso at pagmamahal mo lalo na sa mga kabataan dahil ayaw mo sa droga, nakita ko ang puso mo sa feeding program na nilayon mong busugin ang mga kabataang estudyante. 'yong mga imprastrakturang naipatayo mo. Kung naiisip ko, kung hindi ka siguro naging pangulo ay wala ang mga naglalakihan proyektong iyan kagaya ng San Juanico Bridge, Naia mga dam, tulay, Bataan nuclear power plant at ang maharlika highway na nagdudugtong mula Luzon hanggang Mindanao. Dahil dito nasabi kong isa ka sa pinakamatalino, at pinakamahusay na naging pangulo ng Pilipinas.


Hanggang sa huli niyang hininga ang mahal niyang bayang pilipinas pa rin ang nasa puso niya, dinurog nila ang kanyang pagkatao niluray luray ang kaniyang katawang lupa. walang katapusang pagyurak sa kanyang pagkatao. insulto at pambabastos sa walang paggalang hanggang sa kanyang kamatayan. 'yan ang ginagawa ng mga kalaban na walang ginagawa kundi pang sariling interes lamang. nakakalungkot na hanggang ngayon ay ganito pa rin ang ginagawa nila kasama ang mga ilang kaparian na dapat ay nangangaral na "Kailangan magpatawad" ngunit sila pa ang nangunguna sa mga katagang "Hukayin!" "Hanggang libing kasinungalingan!"


Hindi pa ba sapat na tatlumpung taon niyurakan ang kanilang pangalan? Hindi pa ba sa sapat na tatlumpung taon, ipinagkait sa kaniya ang nahimlay sa lupa? Hindi pa ba sa sapat na pati karapatan niyang makasama ang ina at makabalik sa Pilipinas ay ipinagkait sa kaniya bilang kabayaran kong ano man ang kaniyang naging kasalanan nasaan ang inyong puso bilang tao. Makatao pa bang pati mga kabataan ay itanim sa kanilang mga puso't isipan na ang taong ito [Ferdinand Marcos] dapat kamuhian? Kung ito ang inyong layunin na turuan ang mga kabataan itakwil ang isang Pilipinong minsan nagpaunlad ng bansang ito, ako'y narito't nilalayong alisin ang mga poot at galit sa puso ng mga kabataan. At turuan silang magpatawad igalang at irespeto man lamang ang isang tao kahit papaano ay may nagawang mabuti sa aking bayan. kahit sa huling hinihinga niya iniisip niya pa rin ang mga Pilipino noong ihabilin niya na ituloy ang lahat ng kaniyang mga naudlot na Project. pero dahil sa puro galit ang nasa puso nila, hindi nila pero pinakinggan kaya heto ang bayan kong sinilangan, tila nagkaroon ng malaking sumpa, walang disiplina, walang pagkakaisa hanggang gobyerno ko.


- Aldrin C. Capili

Photo © 4Foi

Source: Aldrin C. Capili