Modus ng isang babae para dayain ang PCOS Machine, bistado ng NBI: "Si Presidente Duterte, malaki ang utang na loob sakin, I am the one who manipulated the election." - The Daily Sentry

Thursday, November 15, 2018

Modus ng isang babae para dayain ang PCOS Machine, bistado ng NBI: "Si Presidente Duterte, malaki ang utang na loob sakin, I am the one who manipulated the election."



Sinasabi diumano ng nagpakilalang kaya niyang dayain ang PCOS  machine, malapit sa mga politiko at kay Presidente Duterte. Imahe mula sa ABS-CBN at Facebook/Renato Magpayo
Huli sa pamamagitan ng entrapment operation na isinagawa ng  National Bureau of Investigation sa isang restaurant sa Maynila dahil sa naging sumbong ng isang consultant ni Senator Koko Pimentel na gusto din daw alukin ni Nicole Mercado Namuag ang sinasabing babae na may connection sa pagmanipula ng election dahil sa warehouse daw sa Laguna nakatago ang mga PCOS Machine siya. 

Itinanggi naman ni Namuag ang mga paratang sa kanya ng consultant ni Pimentel na si Hilarion Pimentel na nagsumbong sa NBI dahil sa hinihinging 20 milyon na bayad para ipanalo ang kanyang kadidato sa pagka-mayor. 

"Yung bodega sa Laguna na kanya, doon daw nakaimbak mga PCOS machine natin at kaya niya imanipulate."

Ayon din kay Pimentel, nagpakilala si Namuag na taga legal department ng Malakanyang at suot pa ang jacket na may Presidential seal. 

"Si President Duterte nga may utang na loob sakin, because I am the one who manipulated the election." saad ni Pimentel na sinabi ni Namuag sa kanya.

Nicole Mercado Namuag ang nagpakilalang nagtatrabaho sa Malakanyang na nanloloko ng mga gustong manalo sa eleksyon. Imahe mula sa ABS-CBN
Swindlers statement

Ayon naman kay Namuad, itinanggi niya ang mga sinabi ni Pimentel at sinabi na ang pera na hinihingi niya ay para sa kampanya sa social media. 

Ang pera daw na hinihinge niya ay para e-boost ang mga ito sa social media para iboto sila ng mga tao. 

Ang jacket din na suot ni Namuad ay napag-alaman na nabibili sa souvenir store sa Malakanyang. 


PCOS Machine client

Ayon naman sa NBI, marami na din daw kandidato ang lumapit sa kanila para isumbong ang ginagawa ni Namuag sa kanila. Ngunit, hindi na itinuloy ang reklamo dahil sa mga kilalang personalidad sa gobyerno ang malapit kay Namuag. 

"May mga kaibigan talagang siya mataas ang katungkulan sa gobyerno, and unfortunately baka nagagamit niya itong pagiging malapit niya sa mga matataas na tao sa gobyerno sa paggawa ng hindi maganda. saad ni Atty. Emeterio Donggalo ng NBI special action unit. 

"Wag po kayong maniniwala, just by manipulating the PCOS machine na mananalo kayo." dagdag pa niya. 

Sa ngayon ay ikinulong si Namuag sa kasong estafa, reservation of authority at falsification of documents.

Mga kakilalang kandidato na naka-post sa Facebook ni Nicole Namuag. Imahe screenshot grabbed from ABS-CBN

Mga kakilalang kandidato na naka-post sa Facebook ni Nicole Namuag. Imahe screenshot grabbed from ABS-CBN

Mga kakilalang kandidato na naka-post sa Facebook ni Nicole Namuag. Imahe screenshot grabbed from ABS-CBN
Scripted lang?

Ayon naman kay Atty. Glenn Chong, kilalang masugid na imbestigador at taga-siwalat ng anomalya noong nakaraang eleksyon sa COMELEC na ang nasabing pagkahuli sa babaeng sinasabing kayang manipulahin ang PCOS machine ay maaring patimbong ng mga taong tunay na sangkot sa halalaan noong May 2016. 

Ayon sa kanyang post, maari daw ang babaeng nahuli ng NBI ay sadyang scammer dahil meron talagang authorized dealer ng PCOS machine na matagal niya ng sinasabi sa COMELEC.

Image mula sa Facebook

Read full post below:

"PAKITANG-GILAS O SCRIPTED LAMANG?

Halos 6 araw lang ang lumipas nang isinulat ko ito sa timeline ko:

https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=2239813556051747&id=100000693738527

Dito sinabi kong may 2 uri ng dealers ng dayaan: ang AUTHORIZED DEALERS ng sindikato na nagbebenta ng tunay na dayaan at ang mga SCAMMERS na nagbebenta ng pekeng dayaan. Sa mundo ng dayaan, may genuine at may fake din.

Matagal ko ng ipinaabot sa Comelec na marami nga ang naglalako ng dayaan sa halalan pero dinededma lang nila ito at hindi inaaksyunan dahil natakot silang mataaman ang kanilang sariling authorized dealers kapag hinabol nila ang mga scammers na ito o sisingaw ang baho ng kanilang krimen sa bayan.

Ngayon lang lumabas ang ganitong balita na may nahuling naglalako ng dayaan makalipas ang 3 automated na halalan. Dahil sa patuloy nating pagbubulgar ng mga katiwalian sa automated election system, napipilitan ng umaksyon ang sindikatong nandadaya sa ating halalan. Nagpakitang-gilas na sila?

Sigurado tayo na ang nahuling babaeng ito ay hindi AUTHORIZED DEALER. Siya ay maaring isa sa mga SCAMMERS. Idinawit pa si Pangulong Duterte at ang Opisina ng Pangulo sa kanyang racket. Dapat turuan ng leksyon ang babaeng ito ng pangulo.

Pero, hindi rin maalis sa aking isipan na baka ito ay scripted lamang. Pakinggang mabuti ang mga pangalang nabanggit at ang mga sinasabi ng mga personalidad sa video na ito. Ipinapalabas na hindi nga madadaya ang mga PCOS machines ng Smartmatic. Ito naman talaga ang script ng sindikato mula pa noon kahit na malinaw ang ebidensiya ng kanilang krimen. Kaya duda ako na baka scripted ito ayon sa narrative ng sindikato.


Kung totoong scripted lamang ito, alam na natin na yellow pa rin talaga ang kulay ng sindikato dahil idinawit nila si Pangulong Duterte sa kanilang script upang siraan ito.

To be sure, ang AUTHORIZED DEALERS ng sindikato ay hindi ganito ang pamamalakad ng paglalako ng dayaan sa halalan. Ang AUTHORIZED DEALER na nakausap ko noong 2012 at 2013 ay government official at pulido ang diskarte nito.

Sa pamamagitan ng opisyal na ito, umabot ako hanggang sa tao ni Mang Sixto mismo na siyang Chairman ng Comelec noon. Sinabi ko sa taong ito na si Glenn Chong ang kliyenteng magbabayad ng produktong dayaan ng sindikato. Sabi niya, tatawagan daw niya ako sa loob ng 1 linggo pagkatapos niyang kausapin si Mang Sixto. Hindi na tumawag muli up to this day. Natakot kay Glenn Chong.

Subaybayan natin ang istorya at kasong ito, mga kababayan. Kapag maglaho lang ito na parang bula, siguradong scripted at panlilinlang lamang ito ng sindikato."

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: FacebookABS-CBN