Netizen, sinupalpal ni Inday Sara kaugnay sa madilim na lansangan sa Davao - The Daily Sentry

Friday, November 23, 2018

Netizen, sinupalpal ni Inday Sara kaugnay sa madilim na lansangan sa Davao



Davao City Mayor Sara ‘Inday’ Duterte – Carpio / Photo from TheWorldNews.net
Trending ngayon sa Instagram account ng Presidential Daughter at Davao City Mayor na si Sara ‘Inday’ Duterte – Carpio ang pagbatikos ng isang netizen sa ngalan ni @pgrusiana sa mismong post ng Mayora.

Ibinahagi ng Alkalde sa isang Instagram post nitong Huwebes ang larawan na aniya’y mala – ‘buwis buhay’ pose ng isa sa mga ‘litrastista’ o photographer nito para makakuha lamang ng magandang anggulo ng mga larawang patuloy na ibinibida nito sa kanyang mga followers habang nagmamaneho ng Motor.


Sa hashtag na #psgofinstagram, nakasaad sa caption ni Mayora na: “Sa lahat ng nagtataka paano kami kumukuha ng motorcycle pics para sa IG… ganito ang buwis buhay ng photog para lang ma – in sa social media.”

Subalit, sa kabila ng maayos na hangarin ni Inday Sara, mayroon pa ring ‘masasamang loob’ ang nagpupumilit na tahasang siraan ang kabutihang pinapahiwatig ng Alkalde.
Davao City Mayor Sara ‘Inday’ Duterte – Carpio / Photo from The Summit Express
Sa di – inaasahang pagkakataon, pinuna ng isang @pgrusiana ang naturang gawain ng Alkalde na parang kahibangan lamang ito. Nagpumintas ito sa kanyang komento, tungkol sa kahabaan ng lansangan magmula Toril hanggang Digos dahil sa labis na pagka dilim tuwing sumasapit ang gabi kung saang kamuntikan pa aniya itong makabanggan ng tricycle. Hinimok pa nito ng Alkalde na sana’y mabigyan ng agarang pansin.

Bagay na hindi pinalampas ni Mayora kung kaya’t binigyan niya ito ng sapat na litanya upang magtago nalang ito nang dahil sa kahihiyan.

Narito ang nangungunang komento ni pgrusiana na pinabulaanan din ng ibang netizens:

“With due respect mayor ng davao..mahilig ka rin lang nman ng motor at mas may time kapa yata dyan kaysa tugonon ang problema ang nasasakupan mo bat di mo subokan mag motor ng gabi dyan sa toril davao city hanggang digos city put*ng ina ang dilim2 ng daan dyan walang street light ka muntik na ako maka bangga ng tricycle dyan the other week sa sobrang dilim dapat talaga naka highbeam ilaw mo eh kahit kawawa yong makakasalubong mo.. ano poba yan indi na pede mabigyan ng urgent implementation ng LGU ng davao city at digos city mayor @indaysaraduterte? Sana mabigyan ng pansin poi to!”
Davao City Mayor Sara ‘Inday’ Duterte – Carpio / Photo from The Philippine Star
Agad naman itong binanatain ni Inday Sara sa kanyang pagtugon at sinabing, “@pgrusiana p* ina din noh akala mob a namamasyal kami sa motor? Nagmomotor po kami papunta sa mga brgy na kelangan puntahan. With all due respect din sa pagka judgmental mo. At hindi ako mayor ng davao del sur para pakialaman ko ang streetlights nila. Pero cgurado ako sa davao city meron streetlights dahil p* ina anlaki ng binabayad naming to light up the world.”

Dagdag pa nito, “@pgrusiana sana nga mabangga ka. At ng mawalan ng isang bastos ang mundo. With all due respect.”

MALING AKALA - Tila tumigil ang mundo ng netizen nang mabanggit ni Mayor Inday Sara na hindi na nito nasasakop ang lalawigan ng Davao Del Sur bilang pagka – Alkalde kung kaya’t hindi nito mabibigyan ng solusyon ang problema sa nabanggit na lansangan. Umani naman ng batikos si @pgrusiana mula sa ibang tiga – suporta ni Mayor Sara.

Kinalaunan ay humingi na lamang ito ng dispensa sa Mayora at sinabing, na – HACK aniya ang account nito sa Instagram. Iginiit din nito na isa siyang loyalista ng Pangulo at kabilang sa mga nakikipagtanggol sa adhikain ng administrasyong Duterte.

Narito ang kanyang mensahe para kay Inday Sara:

“@indaysaraduterte hello mayor sara! Maayong buntag, gusto lang nako I clear ako pangalan dinhi sa IG na hacked man gud sya og wala ko kabalo kinsa ni gamit sa ako accnt gabii naKa public raman ang ako IG…pasaylua ko mayor kung nabastos ka pero dili ako nag himo – himo og storya against sa inyoHA…DU30 supporters man ko maski ipa check ninyo ang facebook account Retep G. Anaisur kung unsa content sako fb maski dri sa IG nko…taga adlaw2 paman gane ko naay ka debate nga mga anti sa mainstream media..dili diay safe ang IG kay naka public sya pede ra I clone o o hacked..unta masabtan ko nmo mayor..dghan naa kayo ning bash sa akao maski ako mga friends natingala nganu unsay nahitabo kay nakaila man jud na sila sakoa na pro du30 sauna pa!”


(hello mayor sara! Magandang umaga, nais ko lang linawin ang pangalan ko dito sa IG na HACK ito at hindi ko alam sino gumamit ng account ko kagabi. Naka – public lang kasi ang profile ng IG ko, patawarin niyo po ako Mayor kung nabastos kita pero hindi ako gumagawa – gawa ng kwento laban sa inyo…DU30 supporters ako maski ipa check pa ninyo sa Facebook account Retep G. Anaisur kung ano ang content ng FB ko maski sa IG, araw nga akong may ka debatehan na mga anti DU30 sa mainstream media… hindi pala safe ang IG kung naka PUBLIC pwede siya I – clone o hack. Sana maunawaan niyo ako mayor, marami nang nagbash sa akin pati mga kaibigan ko nagtaka ano nangyari kasi alam naman talaga nila na pro DU30 ako kahit noon pa!)

Ang buong pangyayari ay ibinida ng kilalang Legal at Political analyst na si Paula Defensor Knack sa kanyang Facebook page nito lamang biyernes ng umaga.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Rachel Quesada