PAO Chief Acosta, may buwelta din laban sa ‘Ang Probinsyano’ - The Daily Sentry

Friday, November 16, 2018

PAO Chief Acosta, may buwelta din laban sa ‘Ang Probinsyano’



PAO Chief Persida Acosta and Coco Martin / Compsoite photos from Ateneo de Manila University and ABS-CBN News
“Sumangguni para hindi ‘Wow Mali,’” – PAO Chief Persida Acosta

Kasunod ng naunang reklamong inihayag ni Philippine National Police (PNP) Chief Oscar Albayalde, nahaharap na naman sa panibagong pag puna ang sikat na ABS CBN teleserye na “Ang Probinsyano”.

Binatikos naman ngayon ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta ang umano’y maling paglalarawan sa trabaho at mandato ng PAO na isinadula sa isang eksena ng naturang teleserye.


Sa panayam ng Radyo Inquirer kay PAO Chief Acosta nito lamang Huwebes ng gabi, hindi raw komporme na sa naturang ahensya dumudulog ng tulong ang taumbayan upang ipaghanap ang nawawalang kamag – anak.

Ayon sa opisyal, mandato ng Commission on Human Rights (CHR) ang pagtulong sa mga nawalan ng kaanak dahil ito aniya ang ahensyang may sapat na pondo upang matulungan ang mga kaanak ng mga nawawalang personalidad na pinaniniwalaang biktima ng karapatang – pantao – halintulad sa isang eksenang ipinalabas ng teleserye.
PAO Chief Persida Acosta / Photo from Bandera
“Kaya nagtataka ako sa ‘Ang Probinsyano’, sinasabi PAO ang lalapitan ng mga desaparecidos dapat CHR, yung nawawala sa palabas kagabi pila-pila yung mga nawalan ng tatay, asawa sa PAO. Eh CHR ang may mandate doon, may pondo silang milyones para sa ganoong alleged abuses. Bakit sa PAO lalapit ang mga nawalan ng anak at tatay, eh nasa mandate ng CHR at may pondo sila dyan? Ginamit ang logo (ng PAO). Hindi naman ipinagpaalam ho sa PAO ‘yan e,” depensa ng PAO Chief.

Banggit din ni Acosta na mali din umano ang pagkakalarawan sa karakter na gumanap bilang PAO Chief dahil lumalabas na takot aniya ito sa mga opisyal ng gobyerno.

“Madalas kong makontra ang Pangulo. Hindi naman ako natatakot dahil may batas. Ang PAO ho walang inuurungan basta mandato natin,” ayon kay Acosta.

Bukod pa nito, lalong pinuna ng Opisyal ang maling paggamit sa logo ng PAO na hindi nasangguni ng maayos sa kanilang ahensya.

“Ginamit ‘yung logo, ‘yan ang sinasabi ni Senator Ping eh, ‘yung paggamit ng mga insignia, ‘yung mga logo. Hindi naman pinagpaalam sa PAO iyan eh…” reklamo ng opisyal.
Photo from Inquirer Entertainment - Inquirer.net
“Dapat ho pinagpaalam man lang ho iyon dahil may batas sa use of insignia,” dagdag pa nito.

Kaya’t tugon ni Acosta, mas mainam umano na sumangguni muna ang mga scriptwriter sa mga tanggapan na kanilang ilalarawan upang maiwasan ang pagkakamali.

Senator Grace Poe Pumalag

Binutata naman ni Senator Grace Poe ang mga pagbatikos sa tatlong – taon nang teleserye ng ABS CBN kung saang PULIS ang parehong BIDA at KONTRABIDA.

Ayon kay Poe, hindi naman nahuhusgahan ng publiko ang mga kapulisan nang dahil sa palabas kundi ang gawain ng mga ito sa totoong buhay.

“Ang pananaw ng ating mga kababayan sa kapulisan ay nakasalalay sa tunay na gawain ng mga pulis at hindi sa teleserye,” giit ng Senadora.

Banggit din ni Poe na hindi lang naman Pulis ang tanging kontrabida sa kwento ng serye.


“Ito ay malikhaing katha ng mga nasa likod ng produksyon nito. May mga kontrabida sa kuwento: hindi lamang pulis kundi iba pa. Pwede nating sabihin na ‘bato-bato sa langit, tamaan ay ‘wag magalit’,” ayon kay Poe.

Dagdag pa aniya, sa halip na husgahan pa ang pagkakalarawan ng mga karakter sa bawat segment nito, nanawagan si Senator Poe na tingnan na lamang ang kabuo – ang kwento kung saang lagi umanong nananaig ang kabutihan laban sa kasamaan at ang pagpapa-unlak ng pagmamahal sa sariling bayan.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: kami.com.ph