Friday, November 9, 2018

Political Consultant sa paghihimasok ni Leni sa Boracay: “Simulan muna nya sa Naga City”



Vice President Leni Robredo / Photo from Philippine Star
Isang independent political consultant ang nagbahagi ng kanyang sentimyento kaugnay sa pag – ugong ng kampo ni Vice President Leni Robredo matapos pagbawalan di - umano ang opisyal at ang kuponan ng Office of the Vice – President (OVP) na manghimasok sa Isla ng Boracay habang isinasagawa ang noo’y rehabilitasyon nito.

Mababatid na ipinasara ang naturang lugar mula sa mga dumadayong turista at ‘non – residents’ nito bungsod ng Proclamation 475 na nagdeklara ng ‘State of Calamity’ sa 3 Barangay ng isla ayon sa kautosan ng mismong Pangulong Rodrigo Duterte.


Ayon sa Facebook post ni Maureen Rose Mejia – Villar, “MAINGAY. NOISY na naman. As in, VERY NOISY ngayon si DISRUPTOR re the generally successful Boracay rehab, kesyo daw Hindi pinayagan Ang kanyang OVP Na sumali sa project “during the height” of the rehabilitation efforts on the island. TAPOS, nakuha pang mamintas kasi may pahabol pa cyang “akala ko ba WALA nang problema dun Pero Sa Reports Na matatanggap natin PARANG MERON pa din pala.” Wow, parang si Zarate Ang peg! Hindi din cya impressed? Ganern? BAWAL Na magkalat ng PLASTIC at BAWAL Na din umepal ANG Mga PLASTIK na Mga Politiko sa Boracay OIEEEEEE! Dapat maghanap si Leni Robredo NG isla Na Pwede nyang gawing program At tawagin nyang PROJECT LINIS. LINISIN nya ang BICOL! Simulan nya sa Naga City nya!”
Maureen Rose Mejia – Villar / Photo from Facebook
Patutsada Ni Robredo

Depensa ng Opisyal, pinigilan di – umano ang grupo nito na makapasok sa Isla noong kasagsagan ng rehabilitasyon. Aniya, nakatakda sana makipag – pulong ang OVP Team sa mga residente ng Boracay na naapektuhan ng pagsara upang alamin kung ano ang maari pang idulog na tulong sa mga ito.

Nang tinanong sa isang pahayag kung ano ang pakay nito, sinabi ni Robredo na, "Tatanungin... kung ano iyong puwede nilang gawin, tapos tutulong kami. Siguro within the month magpapadala kami ng team."

"Kasi actually nandito na kami three months ago. Nandito na kami three months ago para gawin iyon, pero hindi kasi kami pinayagan at the time," dagdag ni Robredo.

Iginiit naman ni Robredo na muli itong magpapadala ng tauhan upang gampanan na ang naudlot na plano sa kabila ng kawalan ng pahintulot para sa mga ito.
Vice President Leni Robredo / Photo from Philstar
Aniya, "Hindi kami pinayagan. Mayroon yatang mga rules dati iyong inter-agency task force. Pero ngayon na bukas na iyong Boracay, baka ano na, baka mas buwelo na."

Zarate, Nakisawsaw Pa

Hindi naman gaano ikinatuwa ni Bayan Muna Party – list Representative Carlos Zarate ang kinalabasan ng ipinangalandakang REHABILITASYON ng administrasyon sa Boracay.

Aniya, nakaligtaan di – umano ng Boracay Interagency Task Force ang pinakamahalagang aspeto ng mandato nito para sa Isla.

“Boracay’s problem is a complex problem. It’s not just the water pollution where there is a lot of coliforms or the volume of garbage in the wetlands,” Ayon kay Zarate, bago magtanong na, “Na-rehabilitate ba talaga nila yung buhay ng Boracay?"

“Kasi ang kanilang nakikitang problema lang ay on the surface, yung pang-turismo. Ang problema ng kabuhayan, ang problema sa kasiguruhan sa paninirahan ng mga residente doon, yan ang hindi nila natutugunan hanggang ngayon," punto ng militanteng Congressman.

Ang “new and improved” Boracay ay muling isinapubliko nito lamang Oktbure 26 matapos ipinasara ng Pangulong Duterte sa loob ng 6 na buwan.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Maureen Rose Mejia – Villar