Tuesday, November 6, 2018

Sen. Joel Villanueva, tila nagparinig sa mga kasamahan niyang Senador: "Don’t vote for credit-grabbers, purveyors of fake news."




Senator Joel Villanueva, hindi matiis na meron siyang mga kasamahan sa Senado na "pa-bida". Imahe mula sa Remate

Tila may pinariringgan o pinatutuunan ng pansin ang naging pahayag ni Senator Joel Villanueva sa kanyang naging pahayag noong Martes, laban sa mga diumano'y 'credit-grabbers or purveyors of fake news' nais maupo sa Senado. 

Wala naman siyang pinangalanan sa kanyang naging pahayag, ngunit ayon sa kanya, marami daw kase nasa Senado ang nakaupo na, ipinagmamalaki na ang kanilang nagawa kahit wala pa daw ang pirma ng pangulo. 

“‘Yung hindi pa napipirmahan ng Presidente, sinasabi pirmado na… parang mali e. Tapos ‘yung credit-grabbing, ang dami…” ayon kay Villanueva. 


Senators pose for traditional 'class' photo. Image credit to GMA News Online

Villanueva warns the public

At dahil nga maraming mga senator wannabes ang nais makaupo sa Senado, ayon kay Villanueva, wag ng magtakang pasikipin ang Senado kung wala naman magagawa para sa bayan. 

Meron daw kaseng mga Senador na gumagawa ng sarili nilang news. 

“I trust naman our voting pubic na mas magiging intelehente sila. Nakaka-annoy sila kasi na sobrang daming fake news, ‘yung gumagawa ng sariling news…” sabi ni Villanueva. 

“Dapat mag ingat ang ating voting public, especially this coming elections lalo na dito sa Senado dahil maraming nagbabadyang sumira ng reputasyon ng Senado…” 


"Importante na meron tayong makukuha sa bawat seat na uupo sa Senado, merong magagawa, maco-contribute kasi kung wala, pang padami ng tao lang sa upuan ng Senado e hindi maganda,” 

Wala naman pinangalanan si Villanueva kung sino ang mga Senador na yun, ngunit ayon sa kanya buo ang kanyang supporta sa kanyang “seatmates” na sina Senators JV Ejercito, Nancy Binay, Sonny Angara and Grace Poe. 

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Inquirer