SHAWARMA SHACK | Nakaka-shock sa dugyot na rebelasyon ng dating trabahador nito - The Daily Sentry

Sunday, November 25, 2018

SHAWARMA SHACK | Nakaka-shock sa dugyot na rebelasyon ng dating trabahador nito



Bitag Media CEO Ben Tulfo, nais paimbestigahan ang sanitary permit ng isang shawarma store dahil sa sumbong ng dating trabahador nito. Imahe mula sa Facebook
Sa programa ni Idol Ben Tulfo ay isinawalat ng isang lalake na diumano'y dating nagtatrabaho sa isang bagong food chain na nakilala dahil si Daniel Padilla at Kathryn Bernado ang endorser at modelo nito para ipakilala ang nasabing shawarma store.

Ang sinasabing shawarma store ay ang SHAWARMA SHACK na makikita mo sa halos lahat ng malls at pampublikong lugar sa Ka-Maynilaan dahil sa pakulo nito na Buy 1 Take 1 na mabibili lang sa halagang 70-80 pesos.

Image credit to YouTube
Pagsisiwalat sa BITAG programa ni Ben Tulfo

Nagtungo sa BITAG Media si alias "Ronnie" at sinasabi na hindi sila pinapasahod ng tama ng nasabing kompanya, kahit ang mga government contributions ay hindi binabayaran ng may-ari ng Shawarma Shack.

Para mapagtibay ang sinasabing dugyot na lugar na kung saan ginagawa ang Shawarma beef at Pita nito, ipinakita ang video na dala ni Ronnie na kung saan makakakita na meron langaw sa baka na gagawin shawarma at meron pang face mask sa gagawin garlic sauce na inihahalo sa ibabaw ng shawarma.


Ipinakita din sa video, ang mga mangagagawa na walang suot pang-taas at maduming facilidad ng Shawarma Shack na hindi kaaya-aya kung malalaman mo paano gawin ang masarap na shawarma.

Image credit to YouTube

Image credit to YouTube

Image credit to YouTube

Image credit to YouTube

Image credit to YouTube

Image credit to YouTube

Image credit to YouTube
Idinulog kaagad ito ni Idol Ben Tulfo sa Quezon City Business Chief of Sanitation Office na si Mr. Gary Domingo, since sa may Tandang Sora Q.C. ang pagawaan ng shawarma para mapuntahan ang maimbestigahan kung lumabag nga ito sa sanitation permit para mapangalagaan ang kalusugan ng mamimili.

Ayon pa kay "Ronnie" na malakas daw ang kapit ng may-ari nito, kaya hindi sila sinisita ng ahensya.

Image credit to YouTube
Ang programa ni Ben Tulfo ay may layunin na isiwalat ang maling ginagawa ng mga tao, hindi ang manira ng negosyo lalo na higit maraming mga Pilipino ang maapektuhan kung ipapasara ang mga establishimento na lumalabag sa batas.

Kaya naman mas minabuti niya mapa-imbestigahan ang sinasabi ng dati nitong trabahador at baka ito lamang at naninira lamang, kagaya ng nangyari sa kilala niyang may-ari ng pagawaan ng sardinas na sinabotahe ng mga manggagawa dahil sa napabayaan ng may-ari ang negosyo dahil sa pagkaka-casino.


Sa ngayon ay may nakatakdang panayam si Idol Ben Tulfo sa mismongmay-ari ng Shawarma Shack sa kanyang opisina para linawin ang mga paratang sa kanilang negosyo ng dating empleyado nito. Abangan ito sa kaniyang programa sa Facebook at YouTube.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Sources: YouTubePhilStar