Friday, December 7, 2018

An open letter to Sen. Sotto: "Masyado n'yong nasalbahe ang tatay ko"



A netizen posted an open letter addressed to Senate President Tito Sotto in lieu of her father’s forced resignation under the senator’s wing. Camille Muñoz David expressed her disappointment of how her father was forced to sign a resignation without his will. 
Camille Muñoz David and Senate President Tito Sotto / Composite photos from Facebook and Philstar

David started her letter with, 

Sira ang imahe ng amo kung ang nakapaligid mismo ay salbahe sa kapwa-tao.” 

Sotto’s Loyal Photographer 

Camille’s dad, Carmelito “Jun” David was hired to be the official photographer of Senator Sotto August this year. He is a co-terminus employee which meant he will stay in the position while Sotto stays on his too. Jun as the close-in photographer works excellently despite desperate measures due to his ailing wife. While on the service, his wife of 32 years was battling cancer. Camille looks back, during chemotherapy sessions, her father chose to serve the senator rather staying close to his dying wife. Despite their plea to stay home, Jun keeps his duties to the senator. 

The Loss

Come October, Mang Jun finally lost his grip to the small hope of being with his wife for a longer time. Despite grieving, Camille and her siblings felt relieved knowing that their father has a reason to keep his hands full because of work. To fight loneliness, Mang Jun feels more inspired to go to the office every day until he met his unfortunate day, December 5. 

Against The Odds 

Camille questions Sotto as to why her father was forced to sign a resignation letter. It’ll be fine with them if the man committed wrongdoings at work. But the worst case is that the old man wasn’t given the right reasons as to why he was being kicked out. He was plainly ordered to sign out of his will not knowing the reasons behind via the senator’s daughter Apples and her staff. 
Senate President Tito Sotto / Photo from JIP.PH

Nevertheless, Camille shared how Mang Jun cope up with the situation. She is saddened by the fact that her father is facing misfortunes especially this coming holiday season. Mang Jun still looks up and admires Senator Sotto.

Read her full letter below:

"BUKAS NA LIHAM KAY SENATE PRESIDENT TITO SOTTO!

'Sira ang imahe ng amo kung ang nakapaligid Mismo ay salbahe sa kapwa Tao!'

Tungkol ito sa tatay ko, si Mr. Carmelito 'Jun' David, na tinanggal n'yo sa trabaho nang walang dahilan!

Tinanggal siya noong December 5, 2018 -- eksaktong 20-araw bago sumapit ang inaabangan nating araw ng Pasko!

Kahit sinong empleyado, lalo kung makapangyarihan at maimpluwensiya ang kanilang amo, ay walang karapatang magreklamo kung nais silang tanggalin sa trabaho.

Pero tao rin po ang tatay ko at tao rin kaming mga anak niya na marunong magdamdam at sumama ang loob!

Para maging malinaw ang lahat, hayaan n'yong ilahad ko nang buung-buo kung kailan at bakit pumasok sa inyo si Daddy bilang 'close-in photograper' ng iginagalang nating Pinuno ng Senado.

Hindi ko alam kung kailan namatay ang dating 'close-in photographer' n'yo Sir SP.

Pero nasisiguro, July 2 nagsimula pumasok sa inyo si Daddy at lumabas ang kanyang 'appointment' bilang 'co-terminious' noong August 1. Ibig sabihin, mananatiling opisyal na photographer ang aking ama hanggang senador si Tito Sen.

Anim kaming magkakapatid at kabisado namin ang mga petsang ito dahil sa mga panahong ito rin nakikipaglaban ng 'Stage 4 cancer' ang nanay naming si Gigi David, isang dating reporter ng Manila Standard Today at Cultural Affairs Tourism Officer Caloocan City Hall.
Senate President Tito Sotto / Photo from Rappler

Tanda namin ang mga petsang ito dahil habang inaatake ng 'cancer' ang aming ina, wala si Daddy sa kanyang tabi. Habang nagpapa-chemotherapy siya, hindi rin niya kasama si Daddy kasi may bago na siyang trabaho --- sa opisina mismo ni Senate President Sotto.

Sa totoo lang, may mga kapatid akong ina na din ngayon. Mabalitaan lang nila na may kaunting lagnat ang kanilang mga anak ay hindi na sila mapakali sa trabaho at siguradong lilipad sila pauwi ng bahay. Para gamutin ang kanilang anak, hindi lang sa pagbibigay ng medisina, kundi para magbigay din ng yakap, halik at kalinga ng isang tunay na pagmamahal.

Alam kong ganito rin ang gusto mangyari ni Daddy sa tuwing dumadaing ng sakit si Mommy dahil sa cancer. Gusto niya, katabi siya ni Mommy. Iparamdam na karamay siya -- kami ng mga anak niya sa dinaranas niyang karamdaman.

Sabi ni Daddy, kung puwede lang siya na lang ang umako ng sakit ay siya na lang, wag nang si Mommy na 32-taon niyang asawa.

Sa tuwing aalis ng bahay namin sa Sto. Niño, Meycauayan, Bulacan si Daddy -- madaling araw iyon --- para pumasok araw-araw sa Senado sa Pasay, ramdam namin ang bawat pait at lungkot na nararamdaman niya sa tuwing magpapaalam kay Mommy. Hahalikan niya ang noo nito at magpapaalam na papasok muna sa trabaho!

Oktober 10, binawian na ng buhay si Mommy. Natapos din ang paghihirap ni Mommy. Malungkot kaming lahat at hanggang ngayon nami-miss namin ang lahat-lahat sa kanya.

Pero sa kabilang banda, may lihim kaming saya dahil kahit papano ay may trabahong bago si Daddy. Ang trabaho pa niya ay kay Tito Sen ng Eat Bulaga na maraming natulungan sa kanilang Juan for All, All for Juan. Sabi nga namin, ito siguro ang kapalit ng pagkawala ni Mommy, magandang trabaho para kay Daddy.

Kahit may lungkot, pinipilit naming mag-adjust. Lalo na si Daddy na palaging inspirasyon ang pumasok sa Senado --- siguro para maibsan ang lungkot na nararamdaman sa loob ng aming bahay. Sabi pa niya, panibagong simula ito sa kanilang pamilya -- para sa aming mga anak niya at mga apo niya.

Pero ano ang nangyari, Mr. Senate President?

Bakit walang anu-ano ay pilit siyang pinapirma sa isang 'resignation letter?'

Okay sana kung may nagawang mali ang Daddy ko. Okay lang kung may nagawang malaking kasalanan sa trabaho, si Daddy pero para sibakin n'yo ng walang dahilan, nasaan naman ang puso n'yo, Tito Sen?

Nasaan ang hustisya kuya?

Sana pala, hindi na lang siya pumasok sa opisina n'yo. Natatandaan ko, tumawag si Tito Marlon ko kay Daddy. Pinapatawag daw siya ni Ms. Jen kasi kailangan n'yo raw agad-agad ng mapagkakatiwalaang photograper kasi namatay ang inyong close-in photograper.

Noong mga panahon na iyon ay nagke-chemo si Mommy. Sa totoo lang lahat kami nakiusap sa kanya na wag na muna pumasok. Pero loyal at professional siya kaya kahit nais niya na pagsilbihan ang nanay namin na mas sakit pinili niya pumasok sa opisina niyo.

Noong una, may tampo ako sa kanya dahil sa kaunting panahon na meron ang nanay namin na lumalaban sa cancer ay pinili ng tatay ko na ituon sa inyo ang kanyang oras. Para sa pamilya na sana ay sa inyo pa napunta.

Sakripisyo ang ibinigay nya sa inyo sa kakaunting panahon ng paninilbihan niya sa inyo. Samantalang kapritso ang idinahilan ng inyong anak na si Apples, staff na sila Hutch, Andie at Cherry nung naisipan nilang pwersahin syang magbitiw sa kanyang tungkulin. Si Ms. Jen naman hindi rin maipaliwanag ang dahilan ng kanyang pagkakasibak at ginawa n'yo ito sa tatay ko ngayong magpa-Pasko.

Hindi n'yo man lang pinagbabang-luksa si Daddy. Namatayan na ng asawa, binigyan n'yo nga ng trabaho pero lalapastanganin n'yo rin pala.

Merry 'di ba? Ang saya-saya di ba?

Marahil masaya na iyang mga tao sa paligid n'yo. Ang tatay ko, hindi man nagpapahalatang sobrang apektado, palagi na lang malungkot at tulala. Lungkot sa pangungulila sa Mommy ko at lungkot sa pagkakasibak sa kanya sa trabaho na hanggang ngayon, paulit-ulit ang tanong kung ano ba ang nagawa niyang kasalanan at bakit siya tatanggalin sa trabaho nang walang malinaw na dahilan.

Binigyan n'yo na sana ng pag-asa, na-murder n'yo rin pala!

Sa totoo lang po, matagal nang photo journalist ang tatay ko kaya sana naman kinausap n'yo muna siya ng maayos kung hindi kayo satisfied sa trabaho niya.

Mahirap lang po kami. Maliit na tao lang kami pero importante sa amin ang dignidad.

Sabi ng tatay ko, wala raw siyang sama ng loob sa inyo Tito Sen kasi posibleng hindi n'yo alam ang pinaggagawa ng mga taong nakapaligid sa inyo.

Sabi ni Daddy, mabait at magaling daw kayo.

Pero para sa amin, hindi mabait ang isang amo kung nagpapadikta sa mga nakapaligid na walang puso para sa mga empleyado!

Gusto kong linawin na ang sulat kong ito ay hindi alam ng Daddy ko na gagawin ko. Pero magalit na siya sa akin ay gagawin ko pa rin ito dahil pakiramdam ko.....pakiramdam naming magkakapatid, masyado n'yong nasalbahe ang tatay ko.

Mahirap lang po kami Tito Sen. Maaring pinagkaitan kami ng yaman at karangyaan, pero wag n'yo naman sana ipagkait pa ang dignidad ng aming pamilya!

Sana maging masaya ang inyong Pasko at sana, hindi totoo talagang may karma!"