Bakit pinapasauli ang P124M kung ‘di guilty si Revilla? – Sereno - The Daily Sentry

Friday, December 7, 2018

Bakit pinapasauli ang P124M kung ‘di guilty si Revilla? – Sereno



Maria Lourdes Sereno / Photo from newsinfo.inquirer.net
Pinabulaanan ni dating Chief Justice Maria Lourdes Sereno ang naging hatol ng Sandiganbayan First Division kay dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr nitong biyernes, Disyembre 7, 2018.

Ito ay matapos hatulan ng “not guilty” verdict ang dating Aktor at Senador sa kasong Plunder kaugnay sa pagkakasangkot nito sa kontrobersiyal na ‘Pork Barrel Scam’.


Sa naging panayam ni Sereno sa ‘Ito ang Balita’ ng UNTV, iginiit nito na siguradong GUILTY ang magiging hatol kay Revilla kung sana’y si dating Ombudsman Conchita Carpio – Morales pa rin ang naninilbihang Punong Mahistrado.

Pakli ni Sereno, “Naniniwala po ako sa sinabi ni Ombudsman Conchita Carpio Morales, ang number one indicator na malakas ‘yung kaso ay nahanap nila ang P124 million ang nadeposit sa bank account ni Senator Revilla yun ay pinapasauli ngayon ng Sandiganbayan.”
Maria Lourdes Sereno / Photo from The Philippine Star
Sadyang inantabayanan ni Sereno ang resulta ng dokumento sa desisyon ng korte upang maisuri kung paano humantong sa naturang desisyon ang Sandiganbayan.

“Hinihintay po namin na mabasa ang desisyon upang malaman kung ako ang mangyayari na ang taong nahanapan na nagtatago ng P124-million na pera ng taong bayan ay sasabihinh walang-sala, medyo mahirap tanggapin sa kahit anong level of common sense yan,” ayon kay Sereno.

Ikinatuwa naman ng celebrity siblings na sina Byan Revilla at Cavite Vice Governor Jolo Revilla ang pagka – laya ng kanilang ama na mistulang nataon sa darating na pasko, matapos ang apat (4) na taong pagkabilanggo.

Sa isang Facebook post naman idinaan ni Jolo ang pasasalamat nito sa lahat ng nagdasal para sa kanilang ama.
Ramon “Bong” Revilla Jr. / Photo from GMA Network
“Uuwi na kami ni Papa! Kumpleto na ulit ang pamilya namin sa aming bahay. Maraming maraming salamat sa lahat ng nagdasal para sa kanyang paglaya.The truth will always prevail!,” ayon kay Jolo sa caption nito na may kasamang larawan nilang mag – ama.

GUILTY PARIN

Samantala, nanindigan naman ang dalawang hurado ng Sandiganbayan na talagang GUILTY sa kasong plunder ang dating Senador.

Iginiit nina Sandiganbayan 1st Division Chairperson Efren Dela Cruz at Associate Justice Maria Theresa Dolores Gomez – Esoesta na dapat ay PATAS ang sinapit ni Revilla kasama ang Senate Staff nito na si Richard Cambe at ang tinaguri-ang ‘Pork Barrel’ scam QUEEN na si Janet Lim Napoles.

Sinentensyahan ng Reclusion Perpetua sina Napoles at Cambe batay sa naing hatol ng Anti – Graft Court kaugnay na rin ng Priority Development Assistance Fund (PDAF) Scam.

Naniniwala si Dela Cruz na ang pagtalaga ni Revilla kay Cambe bilang kalihim o ‘authorized representative’  nito ay patunay sa naging argumento ng prosekusyon na kumikilos lamang ang kinilalang Senate Staff s autos o direktiba ni Revilla.

Ayon naman kay Gomez – Estoesta, dapat matukoy din ng mga korte na mayroong conspiracy na naganap sa mga akusado.

Itoy’ patunay lamang di – umano sa hindi – maitatangging paglago ng yaman ni Revilla batay sa inquiry report na dating inilunsad ng Anti – Money Laundering Council.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Abante