Buhay ng bata, nailigtas dahil sa malasakit ng isang Grab driver: "Salamat, isa kang Angel na pinadala ni God" - The Daily Sentry

Thursday, December 6, 2018

Buhay ng bata, nailigtas dahil sa malasakit ng isang Grab driver: "Salamat, isa kang Angel na pinadala ni God"



Photo grabbed from Rowell's post | Photo grabbed from Google. 


"Isa kang Angel na pinadala samin ni God nung gabing yun." - Anjo Rowell

Sangkot sa gulo

Lingid sa kaalaman ng lahat ang madalas na pagkakasangkot sa kaguluhan ng mga driver sa pampasaherong jeep, taxi cab o ng grab man.

Nasasangkot din ang iba mula sa pamimili ng kanilang isasakay na pasahero at sa layo ng pupuntahan nito, dahil narin para makaiwas sa matinding trapik.

Malasakit sa kapwa

Ngunit ang lahat ng mga negatibong paningin na ito ay pinatunayan sa isang viral post ngayon sa social media ng isa sa mga naging pasahero ng grab driver na mas marami padin kanila ang may malasakit at lamang ang maayos na serbisyo at kapakanan ng kanilang mga pasahero.


Sa Facebook post ni Anjo Rowell, lubos at di mapantayang pasasalamat niya sa hulog ng langit na grab driver na si Mr. Ellys Ramos Bacar, na nagdala sa kanila sa ospital dahil sa isang emergency ng anak nila na kelangan ng agarang lunas.

Grab Cars | Photo from Philstar
 "Kami ung sumakay sau nung December 2 2018 past 10pm. nagbook kami bound to FEU kasi ung panganay ko nangingitim na ung kuko sa taas ng lagnat." kwento nito.

"Sir Taos puso kaming nagpapasalamat sau. Naway gabayan ka ng Diyos at bigyan ka pa ng Maraming Blessings! God Bless You! Dahil sau boss nailigtas ang buhay ng anak ko!."

Basahin ang buong salayasay:

Shout out po para kay
Sir ELLYS RAMOS BACAR ng Grab!
Plate number BOJ387

Kami ung sumakay sau nung December 2 2018 past 10pm. nagbook kami bound to FEU kasi ung panganay ko nangingitim na ung kuko sa taas ng lagnat. on our way nagrequest kami ng change route to Providence Hospital sa Q.Ave. sabi nyo "Sige po walang problema" paki usap pa namin kng pde ung pinaka mabilis na route kasi Emergency. agad ka nag sign ng hazard at mabilis mo kami dinala sa Providence Hospital. In a matter of 30-45mins. from North Caloocan to Q.Ave nagawa natin. inabutan kita ng P500 pero ayaw nyo tangapin. sabi ko "sige na Sir pang gas nyo nlang po" sagot nyo sakin " sige na po gamitin nyo nlang sa anak nyo" 

Isa kang Angel na pinadala samin ni God nung gabing yun.

Pag dating namin sa ER, under ANAPHYLACTIC SHOCK na pala anak ko, nag epinephrine agad, oxygen at steroids... naging mahaba ang gabing yun para samin. Dahil sau boss nailigtas ang buhay ng anak ko!

Sir Taos puso kaming nagpapasalamat sau. Naway gabayan ka ng Diyos at bigyan ka pa ng Maraming Blessings! God Bless You!

Kung may nakakakilala po sa kanya paki sabi MARAMING MARAMING SALAMAT!

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Anjo Rowell | Facebook