Daniel Padilla: “Pilipino ang problema. Hindi ang Pilipinas.” - The Daily Sentry

Monday, December 3, 2018

Daniel Padilla: “Pilipino ang problema. Hindi ang Pilipinas.”



Daniel Padilla / Photo from Gololy | PH
Nanawagan ang ‘King of Hearts’ at tanyag na aktor na si Daniel Padilla ng mensaheng ‘Pagbabago’ sa kanyang Instagram Post nitong Linggo, Disyembre 2, 2018.

Sa maikli at simpleng caption ng Aktor sa kanyang post, sinabi nito na, “Huminto. Tumingin ng mas malalim. Tayo ang problema.”


Ayon sa nauna nang nai-ulat ng social newswire na Abante.com.ph, “hindi man malinaw kung para saan ang pagbabago, pero malinaw naman ang mensahe, na ‘tayo mismo ang problema.”

Kasama ng caption ang larawan ng ‘Pangako Sa ‘Yo’ star kung saang nakatayo ito sa isang sulok ng lansangan habang malayo at mabagsik ang tingin habang nasa nakalagay sa mga bulsa ng jacket nito ang kanyang mga kamay.

Tanging mensahe na nais ipahiwatig ng aktor sa kanyang post ay ang katungkulan ng bawat isa para sa kanyang bayan. Tila pasilip lamang ito para sa isang makabuluhang adbokasiya na nais ilunsad ni Daniel na siguradong makakatulong sa nakararami.
Daniel Padilla / Photo from Philippine News
Umani ng halos walong - libong (8,000) LIKES ang naturang post ng aktor na ikina – intriga naman mga fans nito.

Ang iba ay guwapong – guwapo lang sa alindog ng binata, ang iba, naisipang sasabak na di – umano sa Pulitika ang Aktor. Ang iba naman ay ini-uugnay ang kandidatura ng kanyang Ama na si Rommel Padilla sa darating na halalan.

Nagpaabot naman ng kani – kanyang mensahe ang mga sumusuporta kay Daniel kagaya ng Netizen na si Michiko Castaneda na isa ding nananawagan ng pagbabago gamit ang kanyang kaalaman sa sports, partikular na ang volleyball.             

Ayon sa ilang bahagi ng mensahe nito, sinabi ni Michiko na, “I support you dude, you’re using your platform to make a stand for everyone to see and be aware of how we should be sensible and mindful of our actions. The shallowness sometimes needs to be put aside it’s our self - consciousness of how we should change and make better decisions that we need to refocus on. Thanks. If you’re planning to start an advocacy for it, I’m for it,”
Daniel Padilla / Photo from California health insurance
Bagay na ikinagalak ni Daniel at sinagot na, “Maraming salamat sa iyong napakagandang mensahe. Ikalat mo kapatid. Sumama ka na rin sa biyahe ng PAGBABAGO.”

Ayon naman kay @zekeandushallfind: “Sana hindi lang dahil tatakbo ang tatay mo sa election. Sana hindi ito kakabit nun, at kundi dahil sarili mo itong adbokasiya. Salamat sa pagkamulat.”

Bagama’t hindi ito sinagot ng Aktor, ang ina naman nitong si Karla Estrada ang nakisumamo at sinabing, “hindi lahat ng bagay ay ikinakabit sa iba. Laliman mo pa ang pang-unawa mo para maging positibo.”

Komento naman ni @jes_wanderlust, “Be the change you want to see in the world. – – Mahatma Gandhi. “If we want to change the world, one of the most important things you can do is to work on ourselves first. By changing yourself first, you become an example for others to ­follow. You are motivating them by your transformation and your example of how it could be. #PagbabagoParaSaPilipinas.”

Mayroon din nag – akala na, “mukhang malalim ang iyong problema. Hayaan mo, balang araw masusolusyunan din natin ang lahat. Hindi man ngayon, hindi rin bukas, pero balang araw. Laban lang.”


Kung saang pinabulaanan ito ng Aktor at sinabing, “HINDI NA PWEDE ANG BALANG ARAW MAAM. NGAYON NA NATIN ITO KAILANGAN.”

Sa bandang huli ay nilinaw ni Daniel na ang sambayanang Pilipino ang probleme at hindi ang ang bansang Pilipinas.

“Pilipino ang problema. Hindi ang Pilipinas. Malinaw na ba kapatid?” sabi ni Daniel.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Abante.com.ph