Jay Sonza, sinupalpal ang mga bumatikos sa pag – aresto kina Ocampo: ‘Sa Korte kayo magpaliwanag’ - The Daily Sentry

Saturday, December 1, 2018

Jay Sonza, sinupalpal ang mga bumatikos sa pag – aresto kina Ocampo: ‘Sa Korte kayo magpaliwanag’



Jay Sonza, Satur Ocampo and France Castro / Composite photos from inquirer and Philippine News
Pinuna ng beteranong newscaster at talk show host na si Jay Sonza ang ginawang pagkondena ng iilang Rights Groups kabilang na ang mismong Commission on Human Rights (CHR) sa ginawang pag – dakip at pagsampa ng kaso laban kina Alliance of Concerned Teachers (ACT) Representative France Castro at dating Bayan Muna Representative Satur Ocampo.


Ito ay matapos madakip si Ocampo at iba pang mga kasamahan nito sa isinagawang “Oplan Dabaw Kalinaw” ng 10th Infantry Division kung saang nailigtas ng mga tropa ng gobyerno ang 12 na menor de edad lulan ng limang van sa bayan ng Talaingod, probinsya ng Davao Del Norte nitong Miyerkules ng gabi, Nobyembre 28.

Ayon kay ACT Representative Antonio Tinio, patunay lamang ito na hindi mabuti ang naging kinahinatnan ng Martial Law na ipinatupad ng Palasyo sa Mindanao.
Satur Ocampo / Photo from abs-cbn news
Aniya, “This shows how, under the martial law regime in Mindanao, the basic rights of the most marginalized are denied them while the intervention of human rights defenders are cr*minal*zed.” 

Dagdag pa ni Bayan Muna Representative Carlos Zarate, malinaw umano itong panghaharass sa mga nais mag – abot ng tulong sa mga Lumad.

Sa mensahe nito, sinabi ni Zarate na, “Kinukundena natin ito dahil ito ay tahasang paglabag sa karapatang pantao hindi lang ng mga guro at estudyante kundi kahit na yung mga tao na gustong magbigay lang ng tulong doon sa mga Lumad na mga estudyante at teachers na subjected to vilification and har*ssment by these paramilitary groups at military.”

Sa post ni Jay Sonza sa kanyang Facebook Page nitong Sabado, hinimok nito ang mga kumontra sa pag – aresto kina Ocampo na sa KORTE na lamang magpaliwanag gayon at malinaw naman aniya sa video na sukdulang tinangay nina Ocampo at Castro ang mga batang Lumad ng sapilitan.
Jay Sonza / Photo from philstar.com
Aniya, “SA KORTE MAGPALIWANAG

anong Illegal ang pinagsasabi sa media ng mga komunistang grupo at ng gag*ng CHR chief. Malinaw sa recorded video na tinangay nina communist leader satur Ocampo at france castro at mga kasama ang mga batang lumad ng sapilitan. Mabuti na lang nahabol sila ng mga magulang sa isang checkpoint ng mga pulis sa Davao. Kaya sila hinuli!”

‘DUE PROCESS NASUNOD’

Samantala, nanindigan ang Malacañang na maayos na sinunod ang ‘due process’ matapos madakip ng awtoridad sina Ocampo at iba pa.

Ayon kay Presidential Spokesperson Salvador Panelo, binigyan pa ng Korte ng hangga’t 10 araw ang kampo nina Ocampo para maghain ng Counter – Affidavit upang mapatunayan na hindi nila dinukot ang mga kabataan.

Tinawag din aniyang ‘Propaganda War’ ang ginawa ng mga supporters ni Ocampo ang pagkondena ng mga ito na posibleng mauwi sa ‘trial by publicity’. Iginiit nito na dapat na lamang hintayin ng mga ka – alyado ni Ocampo ang hatol sa dating mambabatas at iwasang maglahad ng ‘premature’ na konklusyon.

Umantabay din ang mismong Pangulong Rodrigo Duterte sa mga kaganapang nag – uugnay sa pag – dakip kay Ocampo na naging dahilan kaya’t hindi ito nakasipot sa selebrasyon ng Bonifacio Day nitong Biyernes, ayon kay Executive Secretary Salvador Medialdea.

Ayon sa kalihim, pinangambahan ng Pangulo ang sitwasyon ng mga batang menor de edad na tinangay ng grupo ni Ocampo kaya’t nagpasya itong bumalik ng Davao. Kasabay nito, binanggit din ni Medialdea na wala umanong ‘Special Treatment’ ang maibibigay kina Ocampo kaya’t itatrato ang mga ito kagaya ng ibang presong nakagawa ng kasalanan.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: Jay Sonza