Mystica at ka-transaksyon umanong Duterte supporter, nakatikim ng maanghang na salita sa presidential sister - The Daily Sentry

Friday, December 7, 2018

Mystica at ka-transaksyon umanong Duterte supporter, nakatikim ng maanghang na salita sa presidential sister



Jocellyn Duterte Villarica, Nino Barzaga, and President Rodrigo Duterte, photo credits to the owners
Galit na nagkomento ang kapatid ni pangulong Duterte na si Jocellyn Duterte Villarica tungkol sa insidente kung saan nadamay di umano ang pangalan ng presidente: ang issue ni Mystica at Nino Barzaga.

Mystica vs Barzaga

Sa isang Facebook post, nagpahayag si Villarica ng kanyang saloobin tungkol sa sinapit ni Mystica kaugnay ng napurnada nitong trabaho. Ang nasabing trabaho, ayon kay Mystica, ay inalok ni Barzaga.


Tulfo Brothers

Dahil sa paghingi ng tulong ni Mystica sa Tulfo Brothers sa pamamagitan ng Facebook live, agad na umaksyon si Raffy Tulfo para saklolohan ito kasabay ang kundisyon na dapat ay mag-negative ang aktres sa drug test.

Bilang negative ang resulta, natuloy ang pagtulong ni Tulfo. Sa radio show ng nasabing journalist, tinawagan nila ni Mystica si Barzaga para malaman ang nararapat na aksyon na gagawin ni Tulfo.

Dito sinabi ni Barzaga kay Tulfo na supporter sya ng pangulo, kung saan binanggit din ng radio host na sya ay parehong taga-suporta ngunit nakiusap na ilabas sa kanilang usapan ang pangulo.

Tila hindi nagkaayos ang magkabilang panig sa naturang show dahil nagtapos ito kung saan ayon kay Tulfo, magsasampa sila ni Mystica ng karampatang kaso laban kay Barzaga.

Angered Presidential Siter

Paglilinaw ng kapatid ni Pres. Duterte, hindi tauhan ng pangulo si Barzaga.
Photo from Philippine News
Natangap ko lng ang isang video msg
Galing sa isang fb fren!
Pinakinggan ko...
Ito c Nino Barzaga hndi tao ni Prsdnte!

Dagdag pa nito, nakakasirang puri sa kababaihan ang pananalita ng naturang personalidad.

Yung pananalita mo sir,(kng bagay ba tawigin "sir") 
Ay nakasirang puri sa mga kababaihan,hindi lng yan
Pati si Tatay dinamay mo sa "ganitong sitwasyon"
Tingin mo mabuti sa imahen ng isang Prsdnte ang mga salita,
Ubod ng kabastusan?... hndi lng yun, ang imahen ng Pilipinas?

Sabi pa ni Madam Duterte, ginamit lang nito ang pangulo.

Ginamit mo lng c Tatay sa masamang paraan, ano man ang intensyon
Mo na sabihin suporter ka ni Tatay ay questionable??? 
D po ba? ...hindi po positive kngdi negatib ang dating mo!

Pakiusap nya kay Berzaga, itigil na dapat nito ang 'ganoong drama'.

Itigil mo na po ang ganoong drama, para matapos na ang kabastusan
Na pinasok ninyo ni Mys-tica! Pareho na kayong sikat!

Read the complete Facebook post below of Jocellyn Duterte Villarica:

Natangap ko lng ang isang video msg
Galing sa isang fb fren!
Pinakinggan ko...
Ito c Nino Barzaga hndi tao ni Prsdnte!

Yung pananalita mo sir,(kng bagay ba tawigin "sir")
Ay nakasirang puri sa mga kababaihan,hindi lng yan
Pati si Tatay dinamay mo sa "ganitong sitwasyon"
Tingin mo mabuti sa imahen ng isang Prsdnte ang mga salita,
Ubod ng kabastusan?... hndi lng yun, ang imahen ng Pilipinas?

Ginamit mo lng c Tatay sa masamang paraan, ano man ang intensyon
Mo na sabihin suporter ka ni Tatay ay questionable??? 
D po ba? ...hindi po positive kngdi negatib ang dating mo!

Itigil mo na po ang ganoong drama, para matapos na ang kabastusan
Na pinasok ninyo ni Mys-tica! Pareho na kayong sikat!

Kay Mys-tica, tanong bakit mo pinatulan si Nino?
Tapos ang Presdnte ang babanatan mo?
Tanong lng?... DRAMA BA NINYONG DALAWA
Para masira c Tatay.!?!? 
Huhu, nakaka-antok
Photo from Facebook
Source: Jocellyn Duterte Villarica