Otis Bridge, Bukas Na Sa Publiko! Dating 4 Na Lane, 6 Na! - The Daily Sentry

Tuesday, December 4, 2018

Otis Bridge, Bukas Na Sa Publiko! Dating 4 Na Lane, 6 Na!



Photo from Top Gear Philippines
Parte ng”Build, Build, Build” project ay ang pagpapasara ng mga lumang kalye sa Maynila upang i-rehabilitate ang mga ito. Layunin nito na mapaigting ang seguridad ng mga motorista at maibsan ang lumalalang trapiko sa bansa.


Otis Bridge 

Isa sa mga nirehabilitate ay ang Otis Bridge na syang nagkaroon ng “progressive collapse” kaya naman ipinasara noong June 26, 2018.

Otis Bridge, photo from Remate
Makaraan ang limang buwan ng paghihintay at pagtitiis sa malalang trapiko, unti-unting makakaluwag ang mga motorista sa muling pagbubukas ng Otis Bridge sa Paco, Maynila. Mula sa apat na hanay, naging 6 na ito na syang makatutulong sa pagluwag ng trapiko. Pinangunahan ng Department of Public Works and Highways o DPWH ang pagbubukas ng daan.


Maagang Pagtatapos ng Proyekto 

Sa isang panayam kay DPWH Engineer Teofilo Apolonio, ang kabuuang reconstruction project ng tulay ay 37 milyong piso. Ganunpaman, umabot lamang ng 34 milyon ang nagastos ng kagawaran. Dagdag pa, naibalik na din ang sobrang 4 na milyon sa National Treasury. Ang target date ng pagbubukas nito sa publiko ay sa Peb. 22, 2019. Ngunit maaga nitong natapos ang reconstruction kaya naman minabuti na ding buksan ito.

Pangunahing Tulay Sa Maynila 

Ito ang kauna-unahang pagkakataon na ipinasara upang kumpunihin ang tulay simula ng maitayo ito noong 1986. Sa datos mula sa Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), tinatayang 3,797 na mga sasakyan ang dumadaan dito araw-araw. Sa ngayon, mga light vehicles lamang ang pinahihintulutang dumaan sa tulay habang dumadaan pa ito sa “curing process.”


Inagurasyon ng Otis Bridge

Inaasahan naman na magiging malaking tulong ang pagdagdag ng lanes para sa mga motoristang papunta sa Quirino, Paco, Osmeña at sa iba pang lugar sa Kamaynilaan. Dumalo naman sa inagurasyon ng tulay sina DPWH Sec. Mark Villar at MMDA General Manager Jojo Garcia. Kasabay nito ay ang ribbon cutting at pag-aalay ng misa sa araw ng inagurasyon.

Watch video below:
Source: philnetizen.com | PTV