Pastor Val kay Jover: “Galit ang Diyos sa mga epokritang kagaya mo.” - The Daily Sentry

Tuesday, December 4, 2018

Pastor Val kay Jover: “Galit ang Diyos sa mga epokritang kagaya mo.”



Val Espedilla Paminiano and Jover Laurio / Composite photos from Facebook
Sa dinami - daming haters ng kontrobersyal na political blogsite na ‘Pinoy Ako Blog’ na si Jover Laurio, sa hindi inaasahan ay naka - engkwentro ito ng isang mensahe na nagpakulo umano ng kanyang dugo.

Sa mismong wika sa kanyang akda, tinawag na “banal na aso” ni Jover ang isang Pastor sa isang simbahan sa Makati dahil sa mga mensaheng natanggap nito.


Sinabi ni Jover na, “hindi na bago sa akin ang makatanggap ng hate messages from trolls and haters”

Ngunit ang isang ito ay kakaiba dahil ang pangungutyang kanyang natanggap ay mula mismo sa isang pastor.

Sa isa nitong blog kamakailan, ibinahagi ni Jover ang mensahe sa kanya nang tinatawag niyang “santong kabayo” na si Val Espedilla Paminiano kung sang nadiskubre din ng may akda na isa itong tiga - suporta ng Pangulo (DDS).

Ayon sa mensahe na pinadala sa Facebook messenger na di – umano ay galing kay Paminiano, sinabi nito na, “Ang ganda ganda mo jan, ang ganda mo batohin ng tae. Batohin ng tae sa mismong mukha mo ng gumanda ganda naman yang pagmumukha mo peste ka,” na may kasamang larawan ni Jover na hinugot mula sa INQUIRER.net.
Photo from Facebook
Giit naman ni Jover, “Hinanap niya talaga ang church kung saan ako nagsisimba para pagplanuhan akong iharrass,” kung saang ibinahagi nito ang pag – enganyo sa kanya ng umano’y si Paminiano na makipagkita sa kanya

Batay sa screen-grab, sinabi ni Paminiano na, “Sis…kita tayo sa New Life the Fort…may sasabihin ako sayo: epokrita ka. Galit ang Diyos sa mga epkoritang kagaya mo.”
Photo from Facebook
NAKAKALUNGKOT di – umano para kay Jover na mismong alagad pa ng Panginoon ang nagdudulot pa ng halimbawa upang maging balahura.

Hindi nabanggit ni Jover kung kailan pa napadala ang mismong mensahe  mula sa Pastor subalit ang pagiging tiga – suporta nito sa administrasyong Duterte ay ang pangunahing dahilan ng kanyang pagpupuntirya.

Narito naman ang screenshot message galing mismo sa Facebook ni Paminiano.
Screenshot photo from Facebook

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source: pinoyakoblog