Trial Observer Said Bong Revilla’s Acquittal Was Long Overdue - The Daily Sentry

Friday, December 7, 2018

Trial Observer Said Bong Revilla’s Acquittal Was Long Overdue



Because of his interest in Law and in support of his long time acquaintance former Senator Ramon “Bong” Revilla Jr., Allan Encarnacion took it upon himself to attend the trials of Revilla in Sandiganbayan. He went there as a court observer, and observe he did. He knew from the start that the case against Revilla was weak, and said that his acquittal was long overdue.
Allan Encarnacion and former Senator Ramon "Bong" Revilla Jr., / Composite photos from Facebook and Journal Online

Biased Opinion?

In a post he shared on his Facebook page, Allan Encarnacion admitted that he is biased over Revilla, since their friendship started way back when Revilla was still a vice governor in Cavite. 

However, he argued that he shared his opinion not as a friend of the senator, but as a court observer who meticulously attended the trials for the plunder charges against Revilla in Sandiganbayan.

Facts Of The Case

Encarnacion happened to be a frustrated lawyer, which explains his interest in attending the trials of his friend. Despite his limited knowledge of Law, he knew from the very start that the case filed against Revilla was very weak. 
Former Senator Ramon "Bong" Revilla Jr. / Photo from Philstar

He recounted the times when the prosecutors were scolded by the justices for their lousy case. There was an instance when the prosecutors presented an evidence coming from newspaper clippings, which the justices themselves wrote.

The justices were annoyed and irritably said “Alam na namin yang binabasa mo kasi kami sumulat nyan. Let me know kung talagang handa ba kayo sa kaso?”

Long Time Coming

Encarnacion bared that he was confident that the charges against Revilla will be dismissed there and then, but unfortunately, the defense’s motion was denied. The trial went on for a long time, and the former senator  was imprisoned for 4 years and 6 months for a crime that the prosecution failed to prove.

While the acquittal of former senator Bong Revilla was long overdue, Encarnacion is happy that at last, justice was served.

Read the full post below:

“Long overdue ang acquittal ni Bong Revilla

Natural na ang dalawang panig sa anumang isyu sa ating bayan. Isang bansa na sinimulang hatiin sa mga kulay, sa mga paniniwala at sa mga kanya-kanyang pagkiling.

Kapag narinig mo ang mga nasa labas na nakapanig sa ibang kulay, iisipin mong hindi nga dapat naabsuwelto si Bong. Pero kapag pinakinggan mo ang mga taong walang agenda, walang malisya, walang bahid ng anumang pulitika, kahit paano’y magkakaroon ka ng balanse.

Ako, isa akong bias na tao pag dating kay Bong Revila. Nagsimula ang aming friendshipng noong 1993 habang siya ay bise gobermador pa ng Cavite. Kung may taong nakakita kung paano umiyak si Bong, kung paano siya tumawa at nakarinig kung gaano siya kalakas umutot, isa na siguro ako sa mga iyon.
Allan Encarnacion and former Sen. Bong Revilla / Photo from Facebook

Puwede mo akong hindi paniwalaan dahil nga bias ako pero puwede mo ring sabihing may batayan ang kanyang pagkakaabsuwelto sa kasong plunder na isinampa ng most hated color in politics kapag nailahad ko ang mga inside story sa nangyaring trial—first hand account.

Una, hindi ako nagsasalita bilang isang kaibigan ni Bong. Sinasabi ko ito bilang isang court observer, trial hearing attendee at frustrated legal practitioner.

Ang totoo, kung nasa loob kayo ng Sandiganbayan at nakikinig ng trial, tatanungin mo sa iyong sarili kung anong klaseng demanda ba ang ihinanda ng Ombudsman laban kay Bong.

Nakita ko mismo kung paano hatawin, kastiguhin at sabunin ng mga justices ang prosecution dahil sa kanilang lousy case. Kung ako iyong abogado na hinataw ng masasakit na salita ng justice sa mismong open court, magbibitiw na ako bilang counsel.

Sa isang pagkakataon, may mga iniharap na ebidensiya ang prosecution. Lahat galing sa newspaper clippings, lahat kinopya sa mga sinabi ng justices.

“Alam na namin yang binabasa mo kasi kami sumulat nyan. Let me know kung talagang handa ba kayo sa kaso? Pumunta kayo rito nang walang kahit anong ebidensiya, ang mga dokumento nyo ay puro photo copies tapos ano gusto nyong gawin namin?” sabi ng isang justice habang dinidinig ang Demurer to evidence na isinampa ng kampo ni Revilla.

Paulit-ulit ang ganitong tagpo na inakala ko noon ay on the spot na ibabasura ang kaso at hindi na matatapos. Pero nagpatuloy ang trial, naibasura ang mosyon ng depensa. Nanaig pa rin ang prosekusyon kahit walang kalaman-laman ang demanda.

Ang sumunod na senaryo, noong umupo sa witness stand si Benhur Luy at ang tatlong babae na state witness ng prosecution laban kay Bong.

Sila mismong apat, kasama na si Luy ay umamin na kahit kailan ay hindi nila nakita si Bong na tumanggap ng pera o kahit minsan ay binigyan nila ng komisyon. Ang lahat ng nakasaad sa demanda ng prosecution ay ibinatay sa ganitong pahayag ni Luy: Sabi po ni Mam Janette...., ibinigay ko po kay Cambe...hindi ko po nakita pa nang personal si Revilla dahil sa TV ko lang siya nakikita, hindi ko po nakausap sa telepono Revilla kahit kailan..”

Ang plunder ay capital offense, hindi preponderance of evidence ang batayan ng conviction. Sabi nga, even an iota of doubt or kapiranggot na duda ay walang makikita ang husgado. Beyond reasonable doubt dapat dahil life ang hatol dito kapag napatunayang guilty.

Ang kahulugan ng preponderance of eividence ay “kahawig or malapit sa katotohanan, posibilidad na totoo. Iba iyong beyond reasonable doubt, meaning, totoo ito, wala itong bahid, siguradong ito ang ebidensiya at hindi kahawig o katunog lang.

Binanggit din ni Luy na gumawa siya ng sarili niyang listahan, sarili niyang log at lahat siya rin ang nag-encode sa computer. Ibig sabihin, lahat ng maisip niya, ilalagay niya sa log ayon sa pagkasabi ni Napoles. Tanong, makakatayo ba ito sa legal na korte? Natural hindi.

Makailang ulit ding inamin ni Luy na siya ang signature expert sa kompanya kaya madalas ay ginagaya niya lang ang mga pirma ng mga kongresista at senador na may endorsement letter.

At inamin mismo ng mga witness na tinuruan lamang sila ng prosecution na suportahan at gayahin ang anumang sasabihin ni Benhur para matiyak na madidiin si Bong.

Kulang ang espasyo para idetalye ng mga kapalpakan ng prosecution na ako mismo ang nakakita sa actual trial ng kaso.

Kaya kung kinukuwestiyon ng sinuman ang pogkakaabsuwelto ni Bong, sana lang nagkaroon kayo ng time na makadalo sa trial para may basehan ang anumang sasabihin nyo.

Pero dahil wala nang trial, kapag may tiyansa kayo, basahin nyo ang buong desisyon ng Sandigan para masasabi nyo kung poaano nagkalat ang prosecution sa kanilang kaso!

Apat na taon at anim na buwan nakakulong si Bong na dapat sana’y hindi nangyari. Kung sa tingin nyo ay hustisya ang mapiit nang walang kasalanan, hindi ko alam kung ano ang itatawag ko sa inyo.

I rest my case your honors!”