Gen. Ronald Dela Rosa sinagot si Rep. Gary Alejano sa pag-kritiko nito sa "Oplan Tokhang" - The Daily Sentry

Sunday, February 18, 2018



Gen. Ronald Dela Rosa sinagot si Rep. Gary Alejano sa pag-kritiko nito sa "Oplan Tokhang"



Gen. Ronald Dela Rosa and Rep. Gary Alejano, photo from Bombo Radyo
Sinagot ni Gen. Ronald Dela Rosa si Rep. Gary Alejano dahil sa pag-kritiko nito sa "Oplan Tokhang" matapos sabihin ng mambabatas na na-obserbahan niya na ang mga drug raid ay kadalasang nangyari sa madaling araw at iminungkahi na ito ay dahil tinutulungan ang mga pulis na itago ang kanilang mga labag sa batas na gawain.

Si Gen. Bato Dela Rosa ay nagbigay ng pahayag na nagsasabing "Hindi ka pulis," na tumutukoy sa mga kritikong natanggap mula kay Rep. Alejano.

Inihayag naman ni Magdalo Rep. Alejano ang posibilidad na ang mga officers ay maaaring gumamit ng .38-caliber revolvers upang magtanim ng mga ebidensya sa mga eksena ng krimen.

Tumugon ang PNP Chief na nagsasabing "Hindi kasi niya alam 'yan kasi Navy siya, hindi siya pulis. Hindi niya alam na 'yung transaksyon sa droga ay nangyayari sa gabi at sa madilim na lugar," pahayag ni dela Rosa.

Pahayag ni Gen. Bato para kay Rep. Alejano:
"Congressman Alejano, I am very sorry to tell you na hindi mo alam 'yung pattern dahil you are a Navy officer, hindi ka pulis."
Tumugon din si Gen. dela Rosa sa mga obserbasyon ni Alejano na nagli-link ng 38-kalibre na baril sa mga mungkahi ng kongresista sa nakatanim na ebidensya.

Ipinaliwanag ng PNP Chief na, "if you are a criminal, do you want to use gun with a license and serial number that can be traced back to you or any other person who did the crime? So you'll use an unlicensed firearm and a .38-caliber gun is the easiest to buy in the underground market.”

Panoorin ang paliwanag ni Gen. Bato kung bakit di-lisensyadong baril ang ginamit ng mga kriminal:
Hinahamon din ng PNP Chief si Rep. Gary Alejano na, “conduct an investigation and malaman nila ang totoo. Wala kaming tinatago. You can open our hearts," pahayag ni Gen. Bato.

Source: Maan Macapagal Twitter account