Leni Robredo, a hypocritical NO show – BongBong Marcos stays true to his word. - The Daily Sentry

Thursday, February 8, 2018



Leni Robredo, a hypocritical NO show – BongBong Marcos stays true to his word.



Vice Pres. Leni Robredo and Atty. Glenn Chong, photo from TrendStarNews
Former Representative Glenn Chong sheds light to the current Bongbong Marcos – Leni Robredo clash. According to Chong, the side of Robredo has been making the Marcos look like a jest in his challenge for both parties to retract their motions to the Presidential Electoral Tribunal (PET) so that they can speed up the protest due to a mistake in the documents that the Marcos’ party signed for Robredo’s side.

Meanwhile, Bong Bong Marcos stayed true to his word and other than meeting Roberdo by the pizza restaurant that her party chose, Marcos side also delivered the documents to be sign by Robredo to her lawyers. This is because Marcos’ side thinks that it isn’t dignifying in the eyes of the law to sign something this important in a pizza restaurant, it is like there is they aren’t respecting to the judicial process.

The problem here was, that the lawyers of Robredo signed a “Joint Motion” while Marcos’ side signed a “Joint Manifestation”. The differences are miniscule but Chong pointed out that these small difference can be an advantage for the party that has the upper hand. And in this case, it was Robredo’s side.

“Sa JOINT MOTION ni Robredo, sinabi niyang ipinapaalam niya (manifest) at hinihiling (move) sa PET na bawiin ang lahat ng kanyang nakabinbing motions, kung meron man.
Sa JOINT MANIFESTATION ni BBM, sinabi niyang ipinapaalam (manifest) sa PET na binabawi na ng magkabilang panig ang lahat ng kani-kanilang mga motions at incidents na makakapagpa-antala sa protesta.

Sa pontong ito, walang pinagkaiba ang mga pleadings na ginawa ng magkabilang panig maliban sa huling bahagi ng caption nito. Ang substance o laman ng mga pleadings na ito ay kapwa pareho in so far as ipinapaalam nila sa PET ang pagbawi ng kani-kanilang nakabinbing mga motions at incidents. Ang kampo lang ni Robredo nagpalaki sa pagkakaiba ng caption dahil gustong gumawa ng eksena at gustong maisahan ang kampo ni BBM at ang publiko,” Chong explained.

Other than the captions, there are also a portion in Robredo’s version where there is no commitment made by the signee on ceasing the filing of nonsensical motions to delay protest. While Marcos’ version has that commitment.

Chong commented, “Ang kampo lang ni Robredo nagpalaki sa pagkakaiba ng caption dahil gustong gumawa ng eksena at gustong maisahan ang kampo ni BBM(Bongbong Marcos) at ang publiko.”
Then there is also the part where the documents were signed by Robredo’s attorneys only, while Marcos’ side has both him and his attorney’s signatures on the line. Chong stated that with this simple lack thereof a signature by Robredo herself, she can actually slip out of the case because she didn’t sign anything. While Marcos is has to man up to his decision.

“Malinaw kung sino ang makatotohanan at sino ang gustong umiwas,” said the Representative.

And lastly Robredo specially mentions Marcos’ retraction of his Partial Motion for Reconsideration on the issue of the softcopy ballot images, Chong commented again, “...tila ba ay takot siyang hindi mabigyan ng kopya ng mga ballot images na hindi naman niya binayaran.”

Although the decision of the PET was made back in January 10, 2018, so Chong questions the reading and studying abilities of Robredo’s lawyers.

Chong stated that it is clear the Bong Bong Marcos isn’t fooling around, he stayed true to his word of challenge against Leni Robredo, who is now in bad faith due to all her drama and slippery tactics in avoiding commitment. The Representative’s last point was that Marcos respects the judicial process, by processing the signage of documents properly, within the walls of dignity and honor, without force and all while patiently waiting for Robredo’s side to return the documents. Robredo’s lawyers on the other hand looks like they’re celebrating early by picking a pizza place to sign their papers of victory.

You can read Glenn Chong’s full Facebook post here:

MARCOS IS NOT BLUFFING, ROBREDO IS IN BAD FAITH

Ipinapalabas ng kampo ni Robredo na hindi seryoso si BBM sa kanyang hamon na bawiin ng magkabilang panig ang kani-kanilang mga nakabinbing mga motions sa PET upang mapabilis ang protesta dahil mali diumano ang dokumentong pinapipirmahan ng kampo ni BBM sa kampo ni Robredo. Hindi rin daw sumipot ang kampo ni BBM sa pizza restaurant na pinili ng kampo ni Robredo kung saan gaganapin ang pirmahan ng magkabilang panig.

Sa kabilang panig naman, bago dumating ang itinakdang oras ng kampo ni Robredo na magpirmahan sa pizza restaurant, nai-serve na ng kampo ni BBM ang kanyang pinirmahang dokumento sa mga abogado ni Robredo sa kanilang opisina upang pirmahan din nila ito. Sa pananaw ng kampo ni BBM, ito ang tamang paraan upang mabigyan ng paggalang ang isang judicial process at hindi sa isang pizza restaurant.

Ang dokumentong pinirmahan ng abogado ni Robredo ay JOINT MOTION samantalang ang pinirmahan naman ng kampo ni BBM ay JOINT MANIFESTATION. 


Sa JOINT MOTION ni Robredo, sinabi niyang ipinapaalam niya (manifest) at hinihiling (move) sa PET na bawiin ang lahat ng kanyang nakabinbing motions, kung meron man.

Sa JOINT MANIFESTATION ni BBM, sinabi niyang ipinapaalam (manifest) sa PET na binabawi na ng magkabilang panig ang lahat ng kani-kanilang mga motions at incidents na makakapagpa-antala sa protesta.

Sa pontong ito, walang pinagkaiba ang mga pleadings na ginawa ng magkabilang panig maliban sa huling bahagi ng caption nito. Ang substance o laman ng mga pleadings na ito ay kapwa pareho in so far as ipinapaalam nila sa PET ang pagbawi ng kani-kanilang nakabinbing mga motions at incidents. Ang kampo lang ni Robredo nagpalaki sa pagkakaiba ng caption dahil gustong gumawa ng eksena at gustong maisahan ang kampo ni BBM at ang publiko.

More than the caption, may iilan pang malalaking pagkakaiba ang dalawang dokumentong ito. Sa bersyon ni Robredo, walang pangako o commitment ang pumirma na hindi na magfile ng mga walang kabuluhang mga motions upang maantala ang protesta. Sa bersyon ni BBM, may pangako o commitment ang pumirma na hindi na magfile ng mga walang kabuluhang mga motions upang maantala ang protesta. Malinaw na ayaw ni Robredo ng pangako o commitment na ganito dahil matapos mapirmahan ang dokumentong ito, baka kinaumagahan, magfile na naman ang kampo niya ng mga walang kwentang motions upang lalong maantala ang protesta. Kaya ayaw niyang pumirma sa bersyon ni BBM dahil ayaw niyang mapako sa pangako o commitment na ito. Malinaw kung sino ang makatotohanan at sino ang gustong umiwas.

Sa bersyon ni Robredo, tanging ang kanyang abogado lamang ang pumirma at hindi siya mismo ang pumirma. Sa bersyon naman ni BBM, kapwa siya mismo at ang kanyang abogado ang pumirma. May posibilidad na kung maipit si Robredo sa kasunduang ito, makakalusot siya dahil hindi naman siya mismo ang pumirma samantalang si BBM ay walang lusot dahil siya mismo ay nakapirma. Malinaw kung sino ang makatotohanan at sino ang gustong umiwas.

Sa bersyon ni Robredo, special mention niyang ipinapabawi kay BBM ang kanyang Partial Motion for Reconsideration sa isyu ng softcopy ng ballot images na tila ba ay takot siyang hindi mabigyan ng kopya ng mga ballot images na hindi naman niya binayaran. Nadisisyunan na ito ng PET noon pang January 10, 2018. Tapos na ang isyung ito. Nagbabasa at nag-aaral ba ng kaso ang abogadong ito ni Robredo?

Malinaw na seryoso si BBM (not bluffing) at makatotohanan siya sa kanyang hamon kay Robredo. Si Robredo ang gumagawa ng eksena at palusot upang hindi makapirma sa dokumentong inabot ng kampo ni BBM dahil hindi na siya makakalusot at hindi na niya maantala pa ang protesta. Malinaw na si Robredo ay in bad faith. As in super bad faith!

Panghuli, pinili ng kampo ni BBM na bigyan ng paggalang ang isang judicial process sa pamamagitan ng pagsagawa nito sa tamang paraan. Ang tamang paraan ay ipadala ang dokumento sa mga abogado ni Robredo at hintayin na mapirmahan ito na walang pagpupumilit. Saka pa ito i-file sa PET. Hindi tama na iwawagayway ng abogado ni Robredo ang kanyang ginawang dokumento na parang bang victory banner at pumunta sa isang pizza restaurant upang doon gawin ang pirmahan na para bang circus lamang.

Source: Glenn Chong FB page