Duterte admin, gagamit ng hi-tech na pamamaraan para mabuwag ang mga corrupt na mga opisyal - The Daily Sentry

Thursday, March 8, 2018



Duterte admin, gagamit ng hi-tech na pamamaraan para mabuwag ang mga corrupt na mga opisyal



President Rodrigo Duterte and 24 oras video report screenshot, photo compiled from Google and Facebook
Ang Pilipinas ay dumaranas ng talamak at malawakang korupsiyon sa pamahalaan. Kabilang sa mga paraan ng korupsiyon na isinasagawa sa Pilipinas ang graft, panunuhol, paglustay ng salapi, mga kasunduan sa likurang pintuan, nepotismo, padrino. Ito ay mula sa mga nakaraang Pangulo ng Pilipinas hanggang sa mga lokal na unit ng pamahalaan.

Isa sa mga pangako ni Pangulong Digong noong kampanya ay burahin ang korapsyon sa gobyerno.

Matapos ang magandang resulta ng kanyang war on drugs, pagtutuunan ng Presidente ang corruption.

Mapapansin natin na ang korapsyon ay likas sa tao, lalu na kung ikaw ay uhaw na uhaw sa mga luho o kaya sa mga magagandang bagay sa mundo.

Hindi lang kasalanan ng opisyal na maging gahaman nang makuha ang gustong posisyon sa pamahalaan. Mayroon malaking kontribusyon ang taong bayan; ang taong bayan ay may kapangyarihang bumoto at pumili ng taong tama para sa posisyon kaso ang nangyayari nagpapabili sila o kaya yung iba walang tamang kaalaman sa pagboto lalu na ang mga mahihirap. Naiintindihan naman natin na masarap tumanggap ng pera pero dapat natin tandaan na yung pera na natanggap mo ay galing sa buwis ng mga taxpayer.

At dahil dito, naglabas ang pamahalaan ngayon ng solusyon para mapuksa ang mga corrupt na mga opisyales lalong-lalo na sa mga probinsya.

Ayon sa post ng Facebook page na Filipino Viewer, naiulat sa 24 oras na gagamit ng mga high tech na pamamalakad ang gobyerno para mapuksa at mabantayan ang mga corrupt at gingawa ng mga opisyal sa bawat probinsya.

“Eto ang isa sa mga bangungot ng mga kurakot na opisyal ng gobyerno. Hindi na uubra ang mga kawatan at buwayang congressman sa Albay. Eto ang hi-tech na pamamalakad ng gobyernong minamaliit ng mga uhogin at mga bayarang raliyesta.” pahayag ng Filipino Viewer Fb page.

Panoorin ang kabuuang video report ng 24 oras na pinost ng Filipino Viewer FB page: 
Source: Filipino Viewer FB page