Must Watch: OWWA Deputy Executive Director Arnell Ignacio bumisita sa KSA para ipaliwanag ang mga common problems ng OFW - The Daily Sentry

Monday, March 5, 2018



Must Watch: OWWA Deputy Executive Director Arnell Ignacio bumisita sa KSA para ipaliwanag ang mga common problems ng OFW



Photo credit: Philnews.xyz
Ang bagong hinirang na Deputy Executive Director V ng Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) at dating komedyante na si Arnell Ignacio ay nagpaliwanag kasama ang isa sa opisyal ng POLO-OWWA sa Saudi Arabia tungkol sa mga intricacies ng pagiging isang OFW sa KSA.

Ayon sa panayam ni Deputy Executive Director ng OWWA Arnell Ignacio sa opisyal ng POLO-OWWA na si Alexander Joseph Estobo ay nagpaliwanag sa mga dahilan kung bakit ang repatriation ng patay na OFW ay napakahirap sa Kingdom of Saudi Arabia.

Panoorin ang video report ni Arnell Ignacio sa KSA:
Bukod sa problema sa exit visa ng isang patay na OFW, ipinaliwanag din ng opisyal ng POLO-OWWA na sa sandaling ikaw ay may natitirang credit, car loan o anumang iba pang mga obligasyon sa Saudi Arabia, ang mga OFW ay hindi maaaring mabigyan ng exit visa.
Ang isa sa mga dahilan ng pagka-antala para sa isang patay na OFW na maibalik ay ang kalagayan ng kamatayan ng OFW kung may nagawang powerplay.

Ang Deputy Executive Director ay bumisita sa Kingdom of Saudi Arabia upang magtipon ng ilang mga datos at higit pang mga detalye upang tulungan ang mga OFW sa Saudi Arabia at iba pang bahagi ng Middle East.

Source: OWWA Admin Arnell Arevalo Ignacio FB page