Dahilan kung bakit mahirap ang Pilipinas? Aquino at ang kanyang grupo ng mga Komunista’t oligarkiyang-pamilya - The Daily Sentry

Tuesday, May 22, 2018



Dahilan kung bakit mahirap ang Pilipinas? Aquino at ang kanyang grupo ng mga Komunista’t oligarkiyang-pamilya



Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr. and New People’s Army Commander Leader Bernabe “Kumander Dante” Buscayno, photo compiled from Facebook
Isang binaon na katotohanan na ang modernong bayani, si Benigno Simeon “Ninoy” Aquino Jr. ay isang Komunista. Siya’y hinatulan ng kamatayan sa pamamagitan ng firing squad dahil sa treason, pagtratraydor at pagtataksil sa Pilipinas, kasama ang New People’s Army Commander Leader Bernabe “Kumander Dante” Buscayno.

Ngunit tulad nga ng aking sinabi, ito’y nakabaon at hindi na mahahanap sa mga librong naglalaman ng kasaysayan ng Pilipinas pagkat mga nagtatagumpay nga lang ang nakakasulat ng ating kasaysayan at sa kasamaang palad ang nanalo ay ang mga Aquino.

Tinakpan nila ang mga mata ng masang Pilipino at kanilang niligawan ang mga tenga nila gamit ang kanilang mapagmanipulang dilang puno ng kasinungalingan. Hindi nga mahirap kumontrol ng tao pag nakatatak sa isip nila na ang pamilyang Aquino puno ng kabutihan at maka-dios ‘di ba?

Ngunit labag sa kalaman ng taong masa na ang karapat-dapat na Bise Presidente, Bongbong Marcos ay may dokumento upang patunayan ang ninakaw na benipisyo’y karapatan ng mga Aquino sa pamamagitan ng pagpra-privatize ng mga pagmamay-ari ng gobyerno.

Nangangatog ang tuhod ng mga Cojuanco, mga Aquino’t mga Lopez pagkatkayang patunayan at bawiin ni Marcos ang pagmamay-ari ng taong-bayang pinagkait sa kanila.

Kulang pa sa paglalarawan sa kanilang mga dilaw bilang traydor ang masasabi pagkat ang kita sana ng mga ito’y mapupunta sa kaban ng gobyerno, sa benipisyo ng taong-bayan ngunit tila ninakaw pa ng mga pribadong sektor.

Sa ilalim ang lisatahan ng mga sumusunod na pagmamay-ari ng gobyernong ginawang pribado:
1. Light Rail Transit
2. Philippine National Railways
3. Philippine Airlines
4. MAYNILAD
5. Manila Electric Company (MERALCO)
6. MANILA WATER
7. PHILTRANCO
8. Philippine Long Distance Telephone (PLDT)
9. PETRON
10. Philippine National Oil Company (PNOC)
11. National Steel Corporation
12. Bataan Nuclear Power Plant,
13. Leyte Geothermal Power Plant,
14. Makiling-Banahaw Geothermal Power Plant
15. Tiwi Geothermal Power Plant
16. Angat Hydro Electric Power Plant
17. Kalayaan Hydro Electric Power Plant,
18. Magat A Hydro Electric Power Plant
19. Magat B Hydro Electric Power Plant
20. Pantabangan Hydro Electric Power Plant,
21. Agus Hydro Electric Power Plant
22. Pulangi Hydro Electric Power Plant
23. Agus Hydro Electric Power plant
24. Masiway Hydro Electric Power Plant
25. Main Magat Hydro Electric Power Plant
26. Calaca Coal Power Plant
27. Cebu Thermal Power Plant
28. Palinpinon Southern Negros Geothermal production Field.
At ito’y iilan lamang, mayroon pang mga assets, properties at government-owned land na pinamigay lang ng mga komunista sa mga pribadong sektor.

Dahil dito hindi na umunlad ang ekonomiya ng Pilipinas, mula sa Php.2.00 sa bawat isang dolyar, naging Php. 55.00 sa bawat isang dolyar. Naging sanhi ito ng matinding inflation rate ng Pilipinas na lumubog sa bansa sa kahirapan.

Tiyak na binaliktad ng mga komunista ang kanilang paniniwala. Base sa kanilang mga idelohiya, dapat na ang lahat ng pagmamay-ari ay ibinibigay sa gobyerno’t ang sambayanan ay pantay-pantay lang, ngunit sa ginawa ng mga Aquino, naging kapitalismo ito pagkat kanilang pinamigay lang sa mga pribadong sektor ang mga pagmamay-ari ng gobyerno, ng masang Pilipino. Sila’y taksil sa bayan, sa tao at sa kanilang komunismo.
Source: Hidden Truth PH FB page