Cayetano to Aquino and Trillanes on WPS: "Hindi dapat isisi sa Duterte admin ang kapalpakan nyo" - The Daily Sentry

Monday, June 18, 2018



Cayetano to Aquino and Trillanes on WPS: "Hindi dapat isisi sa Duterte admin ang kapalpakan nyo"



Sec. Alan Peter Cayetano, Former President Noynoy Aquino, Senator Antonio Trillanes (CTTO)

Noong Sabado, Hunyo 16, 2018, sinagot ni Foreign Affairs Secretary Alan Peter Cayetano ang mga binabato ng kampo ni Senador Antonio Trillanes na diumano ay kahinaan ng kasalukuyang administrasyon ni Pangulong Duterte na resolbahin ang suliranin ng mga mangingisda sa Scarborough o Panatag Shoal.


Mariing sinabi ng Kalihim na hindi dapat isisi sa Duterte Administration ang kapalpakan ni Senador Antonio Trillanes at dating Pangulong Noynoy Aquino noon sa isyu ng West Philippine Sea (WPS) ngayon.


Senator Antonio Trillanes (CTTO)

Former President Noynoy Aquino (CTTO)

Sa panayam ng DZMM, sinabi ni Sec. Cayetano na noong 2012, ang Pilipinas ang may "complete control" ng Scarborough Shoal at mismong si Senador Trillanes ang naging back-channeler at nakikipag-usap sa China.


“Tayo ang may complete control ng Scarborough Shoal at ang Chinese at Vietnamese fishermen, hinuhuli pa natin Noong 2012, nagkaroon ng stand-off. Dyan po, si Senator Trillanes mismo ang naging back-channeler sa Chinese at on the record po ito lahat,” ani Sec. Cayetano.


Dito, kanyang binigyang linaw na ang nakaraang administrasyon ang nagdesisyon na paalisin ang mga barko ng Pilipinas, dahilan upang tuluyan ng naharang ang Scarborough Shoal ng mga Chinese coast guards dahil sa mga maling desisyon noong panahon ni Aquino.


West Philippine Sea (CTTO)


Philippine boat at the disputed Scarborough Shoal (CTTO)
Nag-decide sila na paalisin ’yung mga ship natin kasi may usapan daw sila with the Chinese na aalis din. Sa haba ng istorya, umalis ’yung ship natin, ’yung sa Chinese hindi, they got control,” paglilinaw ng kalihim.


Kung ating babalikan noong 2012, ibinunyag ni Senador Juan Ponce Enrile ang di mabilang na “secret meetings” ni Trillanes sa China, na itinangging isiwalat ng huli at kapwa nya mga senador ang dahilan at buod ng mga meeting na iyon.


Matatandaan din na noon pa man ay nagbigay na ng babala ang dating Senate President Juan Ponce Enrile na pangyayaring ito ay maaaring mag-ugat ng panganib sa seguridad ng bansa. 


Sec. Alan Peter Cayetano (CTTO)

President Rodrigo Duterte (CTTO)

Gayun pa man, tuluyang naninindigan ang kalihim na maraming magandang bagay ang naidudulot ng tahimik at mapayapang pakikipag-usap ng administrasyon ni Pangulong Duterte sa China.


Kanya ding pinabulaanan at tinawag na iresponsable ang mga bintang nina Cong. Gary Alejano at Trillanes tungkol sa aksyon ng gobyerno hinggil sa pagbabantay sa West Philippine Sea na hindi diumano nagpapatrolya sa Scarborough ang pwersa ng Pilipinas.


Sinabi ni Sec. Cayetano na kumikilos ang ahensya ng gobyerno upang palakasin ang kapasidad ng militar at tuloy ang patrol sa West Philippine Sea.


Cong. Gary Alejano (CTTO)
Sen. Antonio Trillanes (CTTO)

Binigyang diin din ng kalihim na walang katotohanan ang mga pekeng balita na i-pinagkakalat diumano ni Senator Trillanes na nagiging sanhi lamang ng takot at di pagkapanatag ng loob ng sambayanang Pilipino.


“Mayroon tayong mga ebidensya na tuloy ang patrol sa West Philippine Sea. Hindi totoo na walang protest, ’yun ang unang kasinungalingan. Hindi totoo na wala nang patrol. At higit sa lahat hindi totoo na nawala sa atin ang Sandy Cay,” paliwanag ni Sec. Cayetano.



SourceJournal Online