Foreign policy ni Pangulong Duterte: Delubyo, palpak, banta sa kalayaan ayon kay Hontiveros - The Daily Sentry

Wednesday, June 13, 2018



Foreign policy ni Pangulong Duterte: Delubyo, palpak, banta sa kalayaan ayon kay Hontiveros







Delubyo, palpak, banta sa kalayaan.

Ito ang mga sinabi ni Akbayan Senator Risa Hontiveros upang ilarawan ang independent foreign policy na ipinapatupad ni Pangulong Rodrigo Duterte na umano’y nakasandal sa bansang China.

Ayon kay Hontiveros, labis na sa pananalig si Pangulong Duterte sa China at hindi man lang ipaglaban nito at ng kanyang administrasyon ang West Philippine Sea.

Dagdag pa ng opposition senator na si Hontiveros, hinahayaan din ng pangulo ang mga manginigisda na pinagbabawalan ng mga tsino na mangisda sa naturang dagat.

Katunayan din umano ang pag sasawalang-kibo ng administrasyon sa sinasagawang militarisasyon ng China sa West Philippine Sea (WPS) at ang pambubuska ng mga Coast Guard ng China sa ating mga mangingisda.

“Palpak at isang malaking banta sa ating kasarinlan ang palasukong foreign policy ni Pangulong Duterte. Palpak itong ipagtanggol ang kaligtasan at kabuhayan ng ating mga mangingisda. Palpak itong ipaglaban ang seborensya at teritoryo ng bansa,” sabi ni Hontiveros.

Ayon pa kay Hontiveros, sablay din daw ang direksyon ng foreign policy ng pangulong Duterte dahil sinayang umano nito ang pagka panalo ng pilipinas sa United Nations Abitral Tribunal na kumilala sa karapatan natin sa WPS.


Ang mapa kung saan naka posisyon ang WPS (ctto)


larawan ng WPS / mula sa Google (ctto)


Isa umano itong malaking pagyurak sa ala-ala ng mga bayani ng Pilipinas na lumaban noon upang makamit natin ang ating kasarinlan.

“It is a complete foreign policy disaster. It has squandered our history victory at the Arbitral Tribunal. It betrays our heroes’ struggle for independence against foreign colonizers. It is a policy of annexation to a foreign power.

Buwan ng Mayo nang igiit ng senadora na maging transparent ang kasalukuyang administrasyon at ilabas sa publiko ang anumang diplomatic actions na ginagawa para ipaglaban ang WPS.*


Kailangan umano malaman ng taumbayan ang mga ginagawa ng gobyerno para makasiguro na hindi bansa sa seguridad ng Pilipinas ang pagpapapasok ng China ng missile system at b0mber planes sa WPS.

Kailangan din daw ng impormasyon ng publiko sa ginagawa ng pamahalaan para masukat ang pagsuporta rito.

Dinagdag din ni Hontiveros noon na ang pananahimik ng gobyerno sa gingawa ng China ay humihikayat na hindi dapat magtiwala ang publiko.

“This is not the time for opacity and silence. Silence gives consent to China’s transgressions. Silence is subservience,” ani Hontiveros.

Kamakailan lang ay nagkaroon ng landing and take off drill ang mga militar ng China sa naturang isla, ito ay matapos nito maglagay ng missiles system sa lugar. Ang hakbang na iyon ng China ay lubos na ikinabahala ng ilang mga senador ng Pilipinas.

Isa na rito ay sina Risa Hontiveros, Senator JV Ejercito at Bam Aquino na nagpahayag ng pagka balisa sa seguridad ng bansa.



Larawan mula sa Google (ctto)





Larawan mula sa Google (ctto)



Source: Abante