Imelda Marcos, isa sa mga pinakamakapangyarihan noon; narito ang patunay - The Daily Sentry

Tuesday, June 12, 2018



Imelda Marcos, isa sa mga pinakamakapangyarihan noon; narito ang patunay



Mrs. Imelda Marcos, photo from Google
Lingid sa kaalaman ng marami, isang babae ang tila naging makapangyarihan din noong mga panahon na namamayagpag ang tagumpay ng bansa dahil sa pamumuno ni Pangulong Marcos.

Narito ang isa lamang sa mga patunay.

Noong ginagap ang kauna-unahang Miss Universe sa Pilipinas taong 1974, isang malaking papel ang ginampanan ng asawa ng yumaong dating presidente na si Ferdinand Marcos, ang sikat at pabulosang si Imelda Marcos.

Ayon sa mga haka-haka, gumawa ng isang mahalagang hakbang si Imelda noon para masiguradong maayos na maisasagawa ang pagdaraos ng naturang kompetisyon sa bansa.
Imelda Marcos with the Miss Universe 1974 constestants, photo from Google
Ang partisipasyon ng asawa ng nasirang pangulo ay kahanga-hanga at talagang masasabi na ginamit ang pera ng bayan sa tamang paraan.

Base sa video mula sa Kapuso Mo Jessica Soho, ang venue kung saan ginanap ang malaking event noon ay hindi airconditioned at open ang gilid nito. Dahilan upang pumasok ang ulan kung sakaling bumuhos ito habang nagaganap ang Miss Universe.

Ang nasabing venue ay ang Folk Arts Theater, Pasay, Metro Manila.
Photo from Google
"Yung Folk Arts kasi, hindi sya aircon, open 'yung gilid. Hindi ba pag ngayon, pag nakikita mo, naka-open? So pag umulan yan, yung tubig pwedeng pumasok so kailangan talaga na hindi umulan", pagdedetalye ni Lhar Santiago.

Bago idaos ang pageant noong July 19, 1974, isang bagyo umano ang paparating sa bansa.

Dahil dito, kumalat noon na ipinag-utos raw ni Madam Imelda sa Philippine Air Force na magsagawa ng cloud dissipation. Isang paraan upang mapatigil ang ulan gamit ang calcium chloride particles. Bagay na kinumpirma ng PAGASA (Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration) na dahilan kaya naging maaliwalas ang kaulapan sa araw ng kompetisyon.
Photo from Google
Ayon kay Ma. Cecilia Monteverde ng PAGASA's Cloud Seeding Project, "first miss universe na ginawa dito sa atin sa Pilipinas last 1974 so nagkaroon ng parang overcast, so may posible na umulan, kaya nag-order si Mrs. Imelda Marcos doon sa Philippine Air Force that to conduct the cloud seeding operation para ma-dissipate nga 'yung clouds at magkaroon ng magandang panahon".

Panoorin ang video mula sa Kapuso Mo, Jessica Soho:



Source: Kapuso Mo, Jessica Soho