Isang Tula para sa "Huling Halakhak ni Joma Sison" - The Daily Sentry

Friday, June 22, 2018



Isang Tula para sa "Huling Halakhak ni Joma Sison"



Joma Sison and Rene Parnaso Avellanosa's Facebook post (CTTO)


Isang netizen, freelance journalist, at kinikilalang Makata ng Bulacan ang matapang na nagpahayag ng kanyang opinyon sa pamamagitan ng paggawa ng isang tula. Siya ay si Rene Parnaso Avellanosa. 


Isang matapang na pahayag at tula ang kanyang binuo tungkol kay José María Canlás Sison o mas kilala bilang Joma Sison, isang Pilipinong manunulat at aktibista na nagtatag ng Partido Komunista ng Pilipinas.


Joma Sison (CTTO)
Joma Sison (CTTO)

Sa kanyang Facebook account ibinabahagi ni Avellanosa ang lahat ng saloobin sa mga isyung pang-pulitika at isa na dito ay ang pagkadismaya kay Sison na sa kanyang tingin ay nalalapit na ang huling halakhak.


Sa tulang kanyang ipinaskil, ikinuwento ng manunulat ang mga naging biktima ni Sison at mga kasamahan nito at kung paano niya sakaling pagbabayaran ang mga kasalanan sa bayan.


Narito ang buong pahayag at tula ni Rene Parnaso Avellanosa, isang Makata ng Bulacan:


Screenshot of Rene Parnaso Avellanosa's Facebook post (CTTO)


"HULING HALAKHAK NI JOMA SISON (Part 4)"


"Humalakhak Joma Sison sa huli mong mga taon
Kalusuga’y ginugupo karamdamang lumalason;
Habang ikaw’y hinihila mapanglaw na iyong panteon
Biktima mo’y tuwang tuwa ang bilang ay ilang milyon!


Nananabik silang lahat nalalapit kang makitil
Upang iyong pagbayaran sila naman maniningil;
Sa lahat mong kapalpakan ang lahat ay nanggigil
Gulpihin kang walang awa, matadyakan at sampalin!


Kasabwat mo ang professor komunistang nagtuturo
Nang irunsol mag-aaral sa Marxismong pinangako;
Ngunit ito’y kumupas na at sa mundo ay naglaho
Bakit ninyo pagpilitan ideoloh’ya sa pang dungo?


Ilan silang estudyante nalungi ng pag-aaral?
Nabrainwashed ng komunismo nangasawi sa labanan;
Mga inang lumuluha inulila nilang mahal
At nagdilim ang pag-asa sa kay aga na paglisan.


Humalakhak Joma Sison sa nasawing isang sanggol (4 mos)
Nang ambusin amang pulis, yaong ina ang may kalong!
Pagtawanan kabataan nalinlang mo at naulol
Sa doktrinang komunismo sinuka din ni Kim Jung-un!


Waring iyong pinantayan ang Diktador na si Hitler
Sa dami ng nagkamatay sa utak n’yong kapwa baliw;
Sa limampung mga taon ay milyones ang nalibing
SINADLAK SA KAHIRAPAN HIHIGIT PA SA PAGBARIL!


Joma Sison (CTTO)

Libo-libo ang kumpanya isinara hanapbuhay
Nang magwelga manggagawa ang nagsulsol ay Kilusan; (Mayo Uno)
Sa paghinto ng pasada (Piston) kangino ba lumalatay?
Naperwisyo ekonom’ya, pasahero, mag-aaral.


Humalakhak sa KADAMAY ng Kilusang pawang tamad
Ibig nilang magkabahay ngunit hindi magsisikap;
Ngisihan mo ang biktima (Dengvaxia) nangasawi sa pagsaksak
Dahil sa ‘yong panggugulo nagpalalo LP korap!


Nang ang droga ay talamak di ba kayo’y nagpabaya?
Hindi baleng kabataan ang utak ay masisira;
Basta kayo’y kumikita hindi pansin ang sugapa
Mahalaga komunismo ang sa huli’y ibandila.


Pagsira ng kalikasan ay hindi rin pinapansin
Basta’t tuloy ang pagbuwis ng perwisyong mga mining;
Kinunsinte ang pagtroso binabawal ang paglogging
PAGKAT KAYO’Y MAY GOBYERNO NAKATAGONG PAILALIM!


Malalaki na negosyo sapilitan ang pagbutaw
Kung hindi ay wawasakin mahalagang kagamitan;
At kung wala nang makain gumaganap nang tulisan
Mga hayop at pagkain sa masa ay ninanakaw!


Ang huli mong paghalakhak: Pagkansela Pasaporte
Nang sa Pinas pabalikin at harapin kasong korte;
At sa loob ng kulungan ay lubos kang magsisisi
ANG REBELYONG KOMUNISTA IYON PALA WALANG SILBE!
NANGULELAT PILIPINAS, MILYON-MILYON NANGAPUTI
NG DAHIL SA KAHANGALAN NILA JOMA AT PRES. CORY!"


"Rene M Avellanosa, Makata ng Bulacan
Malaya kayong magLIKE at Comment ngunit higit
sa lahat e-SHARE ng mabasa ng Netizens. (June 22, 2018)"