Roque burns Trillanes: Hinding hindi ko isasanla ang kaluluwa ko sa demonyong katulad mo! - The Daily Sentry

Monday, June 18, 2018



Roque burns Trillanes: Hinding hindi ko isasanla ang kaluluwa ko sa demonyong katulad mo!



Presidential Spokersperson Harry Roque and Sen. Antonio Trillanes, photo from Google
Kasunod ng patutsada ni Trillanes kay Roque ay ang matalinong sagot ng Presidential spokesperson sa senador mula sa oposisyon.

Maaalalang nitong nakaraang linggo lamang, binanatan ni Sen. Antonio Trillanes si Spox Harry Roque dahil sa mga pahayag ni Roque. Ito ay matapos sabihin ni Roque, ayon sa report, na ang nangyaring fish-taking incident sa Scarborough Shoal ay parang barter trade lamang di umano sa pagitan ng dalawang panig.

Ito ay sa kabila ng mga nauna ng balita na nagsasabing na-harass daw ang mga pilipinong nangisda doon na namataan ng mga tsino.

Base sa isang report, tinawag ng nasabing senador na 'publicity stunt' ang pahayag ng tagapagsalita ng pangulo tungkol sa nasabing insidente.
Photo from Google
Para kay Trillanes, pinalalala lang ni Spox Roque ang sitwasyon.

“Alam nyo pinapalala lang ni Roque ‘yung sitwasyon. Pinapalabas na talagang sya ay talagang sinanla na nya yung kaluluwa nya sa demonyo eh,” komento ni Trillanes sa isang interview.

Sabi pa ng naturang senador, ayon sa balita mula sa Politiko, malaking kabaliktaran ang nangyaring pagbabago kay Roque mula sa pagiging self-proclaimed rights advocate, abogado, at congressman ng isang party-list na kumakatawan sa mga magsasaka at mangingisda.

“Tapos ngayon, sya pa nagiging apologists nitong mga ginagawa nitong Chinese Coast Guards sa ating mangingisda”, banggit ng kontrobersyal na senador.

Samantala, sa pamamagitan ng pagkuha ng isang reporter ng panig ni Roque tungkol dito, nagkaron ng pagkakataon si Roque na makasagot sa pahayag ng senador laban sa kanya.
Photo from Google
Sa isang press conference sa Malacañang Palace, tinanong si Roque,

"Hihingian ko lang kayo ng reaksyon secretary. Sabi ni Sen. Trillanes 'dun sa pagpe-presenta ninyo ng mga mangingisda from Masinloc, Zambales. Pinapalala lang daw ninyo 'yung sitwasyon at itong si Roque ay sinabi nya na sinanla na nya ang kaluluwa nya sa demonyo. Anong inyong reaksyon 'dun?"

Kung saan mabilis naman itong sinagot ng matapang na tagapagsalita ng pangulo,

"Well, sinisiguro ko po sa buong taumbayan, hinding-hindi ko po isasanla ang aking kaluluwa kay Senator Antonio Trillanes".

Paglilinaw ng mamamahayag,

"Hindi, eh sabi ho nya eh sinanla na raw ninyo ang kaluluwa ninyo sa demonyo".

Na agad namang klinaro ni Roque,

"Kaya nga po hindi ko isasanla ang kaluluwa ko kay Sen Trillanes".

Panuorin ang video ng nasabing interview kay Spokesperson Harry Roque:




Samantala narito naman ang video mula sa Politiko:


  

Source: ANC and Politiko

Hello dear avid readers! What are your thoughts on this? Please let us know on the comments section below as we would love to hear it. Also, please share the article for more of this. We appreciate your support with us and may you continue to do such by visiting our page more often. Thank you so much!