Activist poses open letter, “Galit ka sa akbitista, pero panay reklamo pag apektado ka na” - The Daily Sentry

Monday, July 30, 2018



Activist poses open letter, “Galit ka sa akbitista, pero panay reklamo pag apektado ka na”



Photo from Ibarra’s Facebook account
A netizen on Facebook has given a message to all who are complaining against "activists" or protesters who are constantly voicing out against the government, saying that the Filipino has a tendency to only support the causes when it affects them, and should appreciate those who fight for the rights of others, without having to go through their pain.

Suffer their pain before you complain, is the message of one  Billy Ibarra whose post if Facebook written in tagalog, was addressed to the critics of the activists as an open letter, saying that the only time some people would actually fight for a cause is when it affects them.

Ibarra said that the struggles of the underprivileged need not be gone through by a person so he could fight for them, and at the very least, not judge them.

His post reads, 

"Galit na galit ka sa aktibista?

Sino? Yung mga taong lumalaban para manatiling 8 hrs. ang trabaho mo? Galit ka sa mga taong ipinaglalaban ang national minimum wage para mawala ang provincial rate? Galit ka sa mga taong tinanggal sa trabaho na nagpoprotesta at tawag mo sa kanila ay tamad?


Sino pa? Yung mga magsasakang walang sariling lupa, galit ka sa kanila? Pero sa mga landlord kaya? Nagalit ka kaya? Kapag pinapatay ang mga magsasaka, ano? Tahimik ka at ang tingin sa patayan ay normal lang?


O baka galit ka rin sa mga estudyante na ipinaglaban ang libreng edukasyon at sasabihing mag-aral na lang sila habang pinoproblema nila ang pangmatrikula at kung paano itatawid ang pag-aaral? O ang pangingialam nila sa isyung panlipunan na hindi hiwalay sa araw-araw na pamumuhay nila?


Galit ka rin sa mga gurong lumalaban para sa mas mataas na sahod? Galit ka sa nagbibigay ng edukasyon sa mga anak ng bayan at sasabihing magturo na lang sila habang buong buhay nila ay inaalay nila para sa edukasyon?


Galit ka sa mga health workers na nagpupunta sa mga liblib na bayan ngunit tahimik ka lang kapag pinapatay sila?


Galit ka sa pambansang minorya na nagpupunta sa Maynila para manawagan? Pinakinggan mo ba sila kahit minsan? Alam mo bang pinapalayas sila sa kanilang lupang ninuno? Alam mo ba na pinapatay sila?


Pati sa simbahan, nagagalit ka kapag nangingialam sila sa isyung panlipunan at babanatan mo ng separation of church and state nang hindi ito iniintindi?


Galit ka sa mga nananawagan ng hustisya sa lipunan pero panay ka rin naman reklamo kapag apektado ka na?


Kailangan mo pa bang maapektuhan muna at maranasan ang nararanasan nila bago ka mangialam?


Sabi ng isang manunulat, patay na isda lamang ang sumasabay sa agos."


Ibarra's post, which has garnered almost 5,000 reactions as of writing, has also gathered the support from netizens.

A Nas Tradamus said, "Dapat kasi pinapatid sa kalsada yang mga patay na naglalakad para magising. Mabagok ung ulo o iuntog para magising. Sa katotohanan ng mga tunay na masahaol pa sa kriminal."

"Yan yung mga puntong dapat nilang matutuhan! Mabuhay ang mga aktbista!," said a Reymond Serana Longos.

Source: Billy Ibarra