‘Angat Buhay Program’ ni Leni, pinuna ng isang Math Teacher: Anong kaginhawahan ang naidulot ng P2.23 sa isang pamilya? - The Daily Sentry

Tuesday, July 3, 2018



‘Angat Buhay Program’ ni Leni, pinuna ng isang Math Teacher: Anong kaginhawahan ang naidulot ng P2.23 sa isang pamilya?




Vice President Leni Robredo and Benjie Daisy Contreras / Composite photos from Facebook
Sa layuning mabigyan ng angkop na kapalinawagan ang publiko, nilinaw ng isang dating Mathematics teacher ang pahayag ng Ikalawang Pangulong Leni Robredo ukol sa aniya’y naitulong nito sa mahigit 150,000 pamilya sa loob ng dalawang taong panunungkulan.

Ipinagmalaki umano ng Office of the Vice President (OVP) na mayroong 155,000 pamilyang Pilipino na ang nabasbasan nila ng grasya o nagawang mai-ahon ang kabuhayan sa itinaguyod nitong ‘Angat Buhay Program’.

Ayon umano sa sinabi ni Robredo, “Ito iyong pinangako ko noong ako ay kumakandidato, noong aking inauguration — na iyong core talaga na magiging programa ng Office of the Vice President iyong pag-asikaso ng mga nasa laylayan ng lipunan.”

VP Leni Robredo, photo from Inquirer
“And over the course of two years, iyon iyong ginawa natin,” dagdag pa ni Robredo.

Ibinahagi ni Benjie Daisy Contreras sa isang simpleng arithmetic ang ipinagmamayabang di-umano ni Robredo na halaga ng tulong na naiabot niya sa mga Pamilyang Pilipino.

Ayon sa kanyang detalyadong computation, lumalabas na P2.23 lamang kada araw ang ang tulong na ito sa tinatayang 155,000 pamilya sa loob ng 2 taon. Giit pa ni Contreras, kulang pa nga ng pambili ng kendi ang perang katumbas nito kaya’t minabuti pa aniyang hindi na lamang ito inilahad sa publiko.

Si Contreras ay dating Agrarian Affairs Specialist at guro at ang nagbigay opinyon tungkol sa pahayag ni Robredo.

Narito naman ang buong komentaryo ni Contreras:

Benjie Daisy Contreras, photo from Facebook
“Bilang naging isang instructor ng Algebra at iba pang Math related subjects sa Kolehiyo, muli nating gamitin ang Math para patunayan kung talagang nabago ang buhay ng mga sinasabing nasa laylayan ni LENI ROBREDO sa loob ng dalawang taong panunungkulan sa hiram niyang puwesto. Ating himayin ang mga datos na kanyang ipinagmamayabang.

“Sa binigay na datos ng OVP ni Robredo na natulungan ng Angat Buhay program nito:

“P 252 M halaga ng aid ng Angat Buhay

“155,000 pamilya ang nabigyan ng tulong

“P252,000,000/155,000 = P1,625.8 bawat pamilya sa 2 taon

“P1,625.80 bawat pamilya/2 taon = P812.90 bawat pamilya sa 1 taon

“P812.90 bawat pamilya/365 araw = P2.23 bawat pamilya/araw

“Malinaw sa datos, na nakabigay siya ng tulong (in the form of food, goods, clothing, household wares, medicines, medical kits, bottled water, portalets, trainings, projects etc.) sa mga sinasabi niyang nasa laylayan sa lipunan sa halagang P812.90 bawat pamilya sa bawat taon sa loob ng 2 taong panunungkulan niya.

“Malinaw sa computations na nakabigay o nakatulong siya ng P2.23 bawat pamilya sa isang araw.

“Ngayon ang tanong: Anong kaginhawahan ang naidulot o naibigay ng P2.23 sa isang pamilyang may limang miyembro sa araw-araw? Did it make a difference in their lives?

“Kulang pa itong pambili ng kendi.

“LENI ROBREDO AT OVP HUWAG KAYONG MAGMAYABANG SA SINASABI NINYONG TULONG NA NAIBIGAY SA MGA NASA LAYLAYAN SA LIPUNAN DAHIL WALA ITONG EPEKTO SA KANILANG ARAW-ARAW NA PAGBUHAY!

“Aral na Natutuhan: Huwag ipangalandakan ang tulong na naibibigay. Ito’y gawing simple at sekreto para hindi mapahiya.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.