Ben Tulfo hindi na nakapagpigil pa, Naglabas ng sama ng loob! - The Daily Sentry

Sunday, July 29, 2018



Ben Tulfo hindi na nakapagpigil pa, Naglabas ng sama ng loob!




Ben Tulfo of BITAG MEDIA UNLIMITED INC (BMUI).Image combined credit to ABS-CBN and Facebook/Ben Tulfo Unfiltered
Ayon sa post ni Ben Tulfo, hindi na raw siya makapag pigil sa samu’t saring mga paninira tungkol sa kanya at sa kanyang kumpanyang Bitag Media Unlimited INC (BMUI). Matagal na raw itong nananahimik at matagal na rin daw siyang galit at bwisit sa mga balitang hindi magaganda. Ayon kay Ben na ang lahat ng mga naglalabasang balita tungkol dito ay masasabing fake news. 


Ang pinagmumulan kasi ng galit ni Ben ay tungkol sa isyu ng mahigit P60M na DOT advertisement na umanoy inilagay ng PTV sa BMUI sa programang Kilos Pronto sa loob lamang ng isang taon. Tila hinusgahan na raw siya ng Media sa pamamagitan ng tinatawag na “court of public opinion”.  

Ben Tulfo, pinababalik ang 60M DOT Project diumano. Image credit to Rappler
Sinabi rin niya na ang pinanggagalingan ng fake news ay ang kanila mismong nakatatandang kapatid na hindi na daw niya papangalanan,

Ayon kay Ben, 
    
“Marahil “patay na” ang kaniyang career sa media kaya desperado ng maging SENADOR. Ako ang ginawa niyang pang-alay (sacrificial lamb).”

“Kabisado ko ang laman ng kaniyang pag-iisip at limitadong kaalaman partikular sa isyu na kaniyang pilit na sinasakyan. May tamang forum kung paguusapan ang kontrobersiyal na isyu ng mahigit P60M ad at segment placement sa Kilos Pronto. May tamang panahon at tamang lugar para linawin ang isyung ito. May kontrata kami sa aming principal -ang PTV hindi sa DOT. Kumpleto kami ng mga dokumento at videos na hawak namin.”

Wala daw sinasabi ang sino man sa Bitag Media na isasauli nila ang perang ibinayad sa kanila ng PTV sa kadahilanang naideliver nila ang kontrata sa loob ng isang taon. Wala din daw kulang sa mga buwis na iniawas na raw nila at bumalik din sa pamahalaan. Maging ang income tax di umano ng BMUI ay bayad sa pamahalaan. 

Ang PTV at DOT ay mayroon din daw kopya ng mga video segments at spot placement na inilagay sa programming Kilos Pronto ng PTV. 

“Yung sinasabi nung matandang Tulfo na binansagan akong “black sheep” at magaling daw sa “sales talk” ay dala lang ng kaniyang inggit, poot, galit at may halong kasinungalingan.

Puhunan niya ang pagmumura. Nitong nakaraang taon, ako na mismo ang nagpaumanhin sa social media sa simbahang kanyang minura.


Stratehiya niyang ihiwalay ako sa dalawa kong kapatid (T3). Ginagamit niya ang taktikang “divide and rule” sa aming tatlo. Hindi siya kabilang sa T3 pero sumasakay at umaangkas siya sa popularidad naming tatlo para sa kaniyang pangarap na maging SENADOR.” Sabi ni Ben.

Marami pa di umanong mga paninira laban sa kanya ngunit hindi na raw niya ito papatulan.

“Hindi dahil sa natitinag ako, gusto ko pa rin siyang tirahan ng konting respeto.”

Sa bandang huli ay sinabi nito na isama siya sa mga panalangin na magkaroon ng tibay ng kalooban at pasensiya na huwag nang patulan ang nakatatandang kapatid. Sinabi niya rin na sana ay huwag nang masundan ang kaniyang post. 

Basahin ang buong post sa ibaba:


“MATAGAL NA AKONG NAGPIPIGIL!”

Kaliwa’t kanan ang mga paninira laban sa akin at sa kumpanya kong BITAG MEDIA UNLIMITED INC (BMUI).
Matagal na rin ang aking pananahimik. Matagal na rin akong galit at buwisit sa mga naglalabasang “sinalsal” na balita (sa salitang pangkalye).
Hinggil ito sa isyu ng mahigit P60M na DOT advertisement na inilagay ng PTV sa BMUI sa programang Kilos Pronto sa loob ng isang taon.
Hinusgahan na ako ng media sa pamamagitan ng “court of public opinion”. Lahat ng balitang naglalabasan ay maituturing peke.
At ang pinakamalaking source ng FAKE NEWS ay ang aming nakatatandang kapatid na ayokong banggitin ang pangalan.
Marahil “patay na” ang kaniyang career sa media kaya desperado ng maging SENADOR. Ako ang ginawa niyang pang-alay (sacrificial lamb).
Kabisado ko ang laman ng kaniyang pag-iisip at limitadong kaalaman partikular sa isyu na kaniyang pilit na sinasakyan.
May tamang forum kung paguusapan ang kontrobersiyal na isyu ng mahigit P60M ad at segment placement sa Kilos Pronto. May tamang panahon at tamang lugar para linawin ang isyung ito.
May kontrata kami sa aming principal -ang PTV hindi sa DOT. Kumpleto kami ng mga dokumento at videos na hawak namin.
Simula’t-sapul, kami sa BITAG MEDIA, wala kaming sinabing isasauli namin ang perang ibinayad sa amin ng PTV dahil naideliver namin ang kontrata sa loob ng isang taon. Kumpleto rin ang mga buwis (VAT, witholding taxes) na ibinawas sa amin at bumalik din sa pamahalaan. Maging ang income tax ng BMUI, bayad lahat sa pamahalaan.
May kopya ang PTV at DOT ng mga video segments at spot placements na inilagay sa programang Kilos Pronto ng PTV.
‘Yung sinasabi nung matandang Tulfo na binansagan akong “black sheep” at magaling daw sa “sales talk” ay dala lang ng kaniyang inggit, poot, galit at may halong kasinungalingan.
Puhunan niya ang pagmumura. Nitong nakaraang taon, ako na mismo ang nagpaumanhin sa social media sa simbahang kanyang minura.
Stratehiya niyang ihiwalay ako sa dalawa kong kapatid (T3). Ginagamit niya ang taktikang “divide and rule” sa aming tatlo. Hindi siya kabilang sa T3 pero sumasakay at umaangkas siya sa popularidad naming tatlo para sa kaniyang pangarap na maging SENADOR.
Marami pa siyang paninira laban sa akin pero hindi ko na siya papatulan. Hindi dahil sa natitinag ako, gusto ko pa rin siyang tirahan ng konting respeto.
Isama niyo na ako sa inyong mga panalangin na magkaroon ng tibay ng kalooban at pasensiya na ‘wag ko na siyang patulan. Tulad nitong saltik at pitik kong post na ito.
Sana ‘wag ng masundan pa ‘to.

Maraming mga netizens at followers ni Ben ang nag bigay ng kanilang saloobin tungkol sa post na ito at nag abot ng supporta para kay Ben.
Image comment screenshot grabbed from Facebook/Ben Tulfo Unfiltered

Image comment screenshot grabbed from Facebook/Ben Tulfo Unfiltered

Image comment screenshot grabbed from Facebook/Ben Tulfo Unfiltered

Image comment screenshot grabbed from Facebook/Ben Tulfo Unfiltered

Image comment screenshot grabbed from Facebook/Ben Tulfo Unfiltered
Image comment screenshot grabbed from Facebook/Ben Tulfo Unfiltered

****
Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.