Beteranong Manunulat: "Dilawan, ilagay sa gitna ng maraming tambay para magkaalaman!" - The Daily Sentry

Monday, July 2, 2018



Beteranong Manunulat: "Dilawan, ilagay sa gitna ng maraming tambay para magkaalaman!"



Tiglao, VP Robredo, Senators Pangilinan and Bam Aquino. Photo from Google.

Sa hindi magkamayaw na isyu tungkol sa pagpapatupad ng panghuhuli ng mga tambay sa atas ng Pangulong Rodrigo Duterte, marami ng opinyon ang naglalabasan ukol dito. Ang iba ay sang-ayon dahil malaki diumano ang maitutulong ng nasabing kampanya sa pagpapababa ng krimen sa lipunan.


Ngunit kung meron mang pabor sa batas na ito ay marami din ang tumututol at nagsasabing labag ang pag-aresto ng mga tambay sa karapatang pantao.


Nangunguna na dito ang Partido Liberal sa pamumuno ng Pangalawang Pangulong Leni Robredo na
binatikos ang kampanyang anti-tambay ng administrasyon dahil sa pagiging "antipoor" diumano ng kasalukuyang gobyerno.


Nagbigay din ng kanya-kanyang pagtutol na opinyon ang iba pang senador ng Partido Liberal na dahilan ng pagkadismaya ng ibang mamamahayag na pabor sa gobyerno.


Isa sa naglabas ng kanyang saloobin at galit sa mga dilawan ay si Rigoberto Tiglao, isang manunulat at diplomatiko.


Sa kanyang column sa isa sa mga nangungunang media outfits at pahayagan sa bansa, ipinahayag ni Tiglao ang pagkadismaya sa mga tumututol sa kampanya ng gobyerno na linisin ang kalye sa mga tambay sa kanto.


Image of website where article was posted. Photo credit to Bulgar Online


Kanyang tinukoy na ito ay walang iba kundi ang mayayamang elitista at dilawan na hindi naman nakatira sa "squatter areas" at hindi nararanasan ang takot at kapahamakan laban sa mga tambay na lasing at nambabastos.


"SINO ba ang maingay at umaayaw sa kampanya ng gobyerno na linisin ang kalye sa mga tambay sa kanto? Sino pa kundi ang mayayamang elitista at dilawan na hindi naman nakatira sa mga lugar na maraming iskuwater.", ani Tiglao.


"Hindi nila alam ang hirap ng mga matitinong tao lalo na ang mga babae – kapag napapadaan sa mga kanto na may mga tambay na mga lasing at nam­babastos.", dagdag pa niya.


Ayon kay Tiglao, pilit na binabaluktot ng mga eletistang ito ang isyu upang siraan ang Pangulo at hindi man lang isaalang-alang ang kaligtasan ng nakararami.


"Ang mga elitista at dilawan, basta makabanat lang kay P-Duterte ay babaluktutin na nila ang isyu. Heto at ipinagkakalat nila na 7,000 raw ang hinuli na mga tambay. Kasinungalinan – hindi magkakasya ang ganitong numero sa ating mga kulungan na puno na ng mga kriminal.", aniya.


Police cited local ordinances in apprehending loiterers or "tambays". Photo credit to ABS-CBN


Hindi umano nakikita ng mga ito ang pagdidisiplina na gustong ipatupad ng pamahalaan.


"Pagdisiplina ang tawag dito, mas mabuting habang bata pa ang mga tambay na ito ay maturuan sila na hindi puwedeng palabuy-laboy lang sila. Maghanap na lang sila ng trabaho o kaya umuwi na lang sa bahay at tulungan ang mga magulang at kamag-anak.", sabi ni Tiglao.


Sa huli, hinamon ng beteranong manunulat ang mga dilawan at nagsabing "Ilagay mo kaya ang isang dilawan sa gitna ng isang lugar na maraming tambay at tingnan natin kung hindi siya mabilis pa sa alas-kuwatro na tatakbo sa pulis!"


Basahin ang kanyang buong pahayag sa ibaba:


"Malamang, mabilis pa sa alas-kuwatro na tatakbo sa pulis | Dilawan, ilagay sa gitna ng maraming tambay para magkaalaman"


"SINO ba ang maingay at umaayaw sa kampanya ng gobyerno na linisin ang kalye sa mga tambay sa kanto? Sino pa kundi ang mayayamang elitista at dilawan na hindi naman nakatira sa mga lugar na maraming iskuwater.


Hindi nila alam ang hirap ng mga matitinong tao lalo na ang mga babae – kapag napapadaan sa mga kanto na may mga tambay na mga lasing at nam­babastos.


Isipin ninyo, galing sa trabaho si ate, nakapalda pa ng maikli dahil uniporme ito na requirement tapos pipituhan lang siya at babastusin ng mga tambay, ‘sexual harassment’ ang tawag dito sa ibang bansa at iligal ito. Nariyan pa ang mga adik sa kanto na nag­babalak ng masama kapag nakakakita ng mga ba­bae.


Ang mga elitista at dilawan, basta makabanat lang kay P-Duterte ay babaluktutin na nila ang isyu. Heto at ipinagkakalat nila na 7,000 raw ang hinuli na mga tambay. Kasinungalinan – hindi magkakasya ang ganitong numero sa ating mga kulungan na puno na ng mga kriminal.


Kung may hinuli man ang mga pulis, ito ay dahil lumabag sila sa batas (kabilang ang ordinansa ng mga barangay) tulad ng pag-inom ng alak sa pampublikong lugar, paglabag ng curfew para sa menor-de-edad, paggamit ng droga at iba pa. Mayorya ng sinabing ‘nahuli’ ay sinita lang ng mga pulis at ng barangay.


Pagdisiplina ang tawag dito, mas mabuting habang bata pa ang mga tambay na ito ay maturuan sila na hindi puwedeng palabuy-laboy lang sila. Maghanap na lang sila ng trabaho o kaya umuwi na lang sa bahay at tulungan ang mga magulang at kamag-anak.


Para sa mga nakatira sa mga iskuwater area at iba pang masikip na lugar na maraming tambay, mas gusto nila na may nagpapatrulyang kapulisan dahil nagiging ‘deterrent’ o pagpigil ito sa mga nagbabalak ng masama.


Ilagay mo kaya ang isang dilawan sa gitna ng isang lugar na maraming tambay at tingnan natin kung hindi siya mabilis pa sa alas-kuwatro na tatakbo sa pulis!


Ayon kay P-Duterte, hindi raw niya iniutos ang paghuli ng mga tambay, bagkus, sinabi niya na huwag silang magtitipon sa kanto na ginagawa na nilang parang bahay nila. “Hindi ko sinabing arestuhin. Pero kung nag-iinuman kayo sa kalye r'yan sa mga iskuwater area at hinaharang nila ang daanan, hu­hulihin talaga kita."