IBINUNYAG | VP Leni, sinubukan bumalik sa gabinete ng Pangulo, tinanggihan - The Daily Sentry

Wednesday, July 11, 2018



IBINUNYAG | VP Leni, sinubukan bumalik sa gabinete ng Pangulo, tinanggihan



Vice President Leni Robredo / Photo from Pulitika Pilipinas - Altervista (Google)
Sinubukan umano ni Vice President Leni Robredo na kusang magbalik – loob sa gabinete ni Pangulong Duterte matapos ang nauna nang pahayag nito ang balak na palakasin at pangunahan ang Opposition Coalition laban sa kasalukuyang administrasyon.


Ito ang ibinunyag ni Presidential Spokesman Secretary Harry Roque na nagsabing mariin ding tinanggihan ng Palasyo ang naturang kahilingan ng Bise Presidente.

Aniya, hindi na makakaasa si Robredo na makakabalik pa ito sa gabinete ng Pangulo ngayong sapat na nagkaroon ito ng desisyong panindigan ang oposisyon.

Dagdag pa ni Roque, mahalaga ang papel ng oposisyon sa demokrasya kaya’t tanging hanagarin nito na maayos niyang mapangasiwaan ang napiling grupo.
Vice President Leni Robredo, photo from philstar.com (Google)
“Sinabi naman nya eh importante rin ang oposisyon sa demokrasya. Pero good luck po, at sana po ay malinaw na ang papel ni Leni Robredo dahil nitong alian lamang po eh parang nag-a-apply muli siya sa gabinete ni Presidente.” ayon kay Roque.

“So, ngayon at least mayroon na siyang desisyon na sa oposisyon na siya at hindi na siya umaasa na makapasok muli dito sa gabinete ng ating Pangulo,” dagdag ni Roque.

Matatandaang dati nang naitalaga ng Pangulo bilang Housing and Urban Development Coordinating Council (HUDCC) Chairman ri Robredo subalit kinala-unan ay pinagbawalan na itong dumalo sa mga Cabinet meeting hangga’t sa tuluyan nang nasibak sa posisyon.

Kahapon lamang ay sinabi ng Pangulo na tila INCOMPETENT si Robredo para pamunuan ang bansang kagaya ng Pilipinas. Aniya, hindi ito magbibitiw sa pwesto para lamang manahin ni Robredo ang kanyang pwesto.

Kailangan pa din aniya, ang taumbayan mismo ang makakapag – halal sa Pinuno na karapat – dapat.

“I would like the Filipino to choose a new leader, especially if it is a new structure and I have been an official of the structure of type of government which, since time immemorial, (is) unitary,” Anang pangulo.
Vice President Leni Robredo and President Rodrigo Duterte, photo from qz.com (Google)
Media: Kanina po si Vice President Robredo, nagsalita na siya na willing na daw siyang pamunuan and i - unite yung Prospective Opposition Coalition. So ano po ang reaction niyo doon?

President Duterte: Kung siya ma - Presidente? Look I will not resign because uh, it will make uh.. her President. My resignation as I address to the people, na para makapili sila ng gusto nila. Siya, I don't think she can ever be ready to govern a country. Reason: INCOMPETENCE.

Media: Sir, can you elaborate lang po dun sa idea na INCOMPETENCE?

President Duterte: I mean, she's not capable of running a country like this, Philippines?

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  rmn.ph