Jay Sonza, pinabulaanan ang ‘Fake News’ ng mainstream media ayon sa kwalipikasyon ng bagong Ombudsman - The Daily Sentry

Friday, July 27, 2018



Jay Sonza, pinabulaanan ang ‘Fake News’ ng mainstream media ayon sa kwalipikasyon ng bagong Ombudsman




Jay Sonza and Samuel Martires, composite photos from ABS-CBN News and PEP.ph
Sinupalpal ng beteranong newscaster at talk show host na si Jay Sonza sa kanyang Facebook post ang kupunan ng mainstream media gaya ng ABS – CBN, GMA, CNN, TV5, at iba ukol sa pagpapahayag nito ng ‘FAKE NEWS’ na may ugnayan di – umano ang Pangulong Rodrigo Duterte kay Associate Justice Samuel Martires dahilan ng pagkaka – talaga nito bilang bagong Ombudsman kapalit ni Conchita Carpio – Morales.

Nilinaw ni Jay Sonza sa kanyang post na HINDI totoong miyembro ng Lex Talionis Fraternitas ng San Beda Law School si Martires o kahit anumang fraternity group. Iginiit din nito na lalo’t walang katuturan ang dahilan na iyon na siya ang pinag - paboran ng Pangulo.


Isang halimbawa na lamang ang bagong isyu ng The Philippine Star nito lamang Biyernes, Hulyo 27, na si Alexis Romero ang may akda. Malinaw pa sa mata ng kuwago na ipinangalandakan nito na isang frat ng Lex Talionis ang opisyal.

“Duterte appointed him to the Supreme Court last year. Martires is a fraternity brother of Duterte in San Beda Law School’s Lex Talionis,” ayon sa pahayag ng The Philippine Star.
Jay Sonza, photo from PhilNews.ph
Mismo ang dating Chief Justice na si Maria Lourdes Sereno ay tumanggi magbgiay ng komento ukol sa kasaysayan at pagkakakilala nito kay Martires kung kaya’t sinabi nitong, “I don’t know him that well. So, I don’t have anything to comment on.”

Narito ang kabuo – ang mensahe ni Jay Sonza para sa mga Traditional o Mainstream Media:

“ABS-CBN; GMA; TV5; INQUIRER; CNN; STAR; at iba pang traditional/mainstream media.

“Bakit ninyo ipinagpipilitan na fraternity brother ni Pres. Duterte si Ombudsman Samuel Martires.

“Sinabi na niyang walang katotohanan ito. Hindi siya miyembro ng Lex Tallonis. Hindi siya miyembro ng kahit anong fraternity.

“In the words of fraternity and sorority circle. Ombudsman Martires is a BARBARIAN. Meaning, wala siyang pakialam sa kahit sinong Herodes o Demonyo o Panginoong Naghaharing-Uri/Oligarch.

“WALA NA BA KAYONG KAHIHIYAN SA SARILI NINYO. HINDI NA NGA KAYO HUMINGI NG PAUMANHIN SA TAO. IPINAGPIPILITAN NYO PA ANG KASINUNGALINGAN.

“What a shame!”

Basahin sa ibaba ang komento ng mga netizens sa post ni Sonza:



****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  Jay Sonza (Facebook)