Lost and found: Nawawalang "Mace" ng Kamara, hawak ng anak ni Alvarez - The Daily Sentry

Wednesday, July 25, 2018



Lost and found: Nawawalang "Mace" ng Kamara, hawak ng anak ni Alvarez




Paola Alvarez, photo from Abante
Inulan ng ibat-ibang komento sa social media ang anak ni dating House Speaker Pantaleon "Bebot" Alvarez na si Finance Assistant Secretary Paola Alvarez matapos nitong ipost sa kanyang Instagram ang nawawalang “Mace” sa Kamara.

Makikita sa larawang hawak-hawak ng batang Alvarez ang Mace habang nakaupo ito sa loob ng opisina ng kanyang ama na tila proud na proud pa itong isiwalat sa publiko.


Hindi pa naman matukoy kung ang litratong ito ay nakunan bago mapatalsik ang kanyang ama o pagkatapos itong sipain bilang House Speaker.

Bago pa lamang magsimula ang ikatlong State of the Nation Address (SONA) ni Pangulong Rodrigo Duterte, matatandaang nawawala na ang Mace at pinaghihinalaang tinangay ito ng mga opisyales na malapit kay Pantaleon Alvarez.

Ang Mace ay isang napaka-importanteng bagay dahil sumisimbolo ito ng kapangyarihan ng Kamara at importanteng nakalagay ito sa gitna habang naka-sesyon, kung kaya't naging kuwestiyonable ang ang pag-upo ng bagong Speaker na si Pampanga Rep. Gloria Macapagal-Arroyo.
Gloria Macapagal-Arroyo and Pantaleon Alvarez, photo from news.abs-cbn.com
Samantala, sa isang text message ay iginiit naman ni Asec. Alvarez na wala namang masama sa pagkuha ng litrato kasama ang Mace at sinabi rin nito na dapat ay iginalang ang SONA ng Pangulo.

“Bakit po, ano po ang masama sa hawak ko na mace? Sa tingin ko po sa lahat ng nangayari dapat iginalang natin ‘yun (SONA) kaso hindi,” sabi ni Alvarez.

“Maganda naman po ako ‘di ba? Hhahahaa,” dagdag pa nito.

Basahin ang mga komento ng netizens sa ibaba:


Ganun pa man, pormal ng nahalal bilang Speaker of the House na si dating Pangulo na si Arroyo. nakakuha ito ng 184 na boto 12 naman ang nag-abstain sa isinagawang botohan.

Samantala, dahil sa matinding tensyon tungkol sa biglaang pagpapatalsik kay Alvarez at itinaon pa ito sa SONA ng pangulo, ibinunyag naman ni Senate President Tito Sotto III na muntik nang hindi matuloy ang pagdaraos ng SONA dahil sa pagbabalak mag – walkout umano ni Pangulong Duterte dahilan ng biglaang pagkaroon ng kudeta sa Kamara.

Ayon kay Sotto, “It appeared to be a romp session. Even the mace was not in place. They could have done it in a better way. Even the President was unhappy with the event”.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  tnt.abante.com.ph