Mga ‘Good News’ ng administrasyong Duterte, ibinida ni Jay Sonza - The Daily Sentry

Tuesday, July 24, 2018



Mga ‘Good News’ ng administrasyong Duterte, ibinida ni Jay Sonza




President Rodrigo Duterte and Jay Sonza, composite photos from Rappler and DailyPedia
Ibinida ni Jay Sonza sa kanyang Facebook post ang marami sa mga magagandang proyekto na – ilunsad ng administrasyong Duterte at ang TUNAY na pagbabagong dahan – dahang nararanasan ng bansa sa loob lamang ng dawalang (2) taon nitong panunungkulan.


Inisa – isa ni Sonza ang mga makabuluhang programa at patakaran na sana’y dati pang nagawa at PWEDE naman palang mabigyan ng solusyon.

Basahin ang kanyang post sa ibaba:

“PUWEDENG PUWEDE NAMAN PALA.

1. puwedeng puwede naman pala ang free tuition o libreng matrikula sa highschool at college.

2. puwedeng puwede naman palang taasan ang pensiyon ng mga retiradong miyembro ng sss.

3. puwedeng puwede naman palang libre o walang babayaran ang magsasaka sa patubig.

4. puwedeng puwede naman pala ang free medicine o libreng gamot

5. puwedeng puwede naman pala ang philhealth sa lahat ng Pilipino at zero balance sa pagpapaospital

6. puwedeng puwede naman palang masingil ang tamang bayarin sa buwis at customs duties and tariff ng mga tax cheaters.

7. puwedeng puwede naman palang matrabaho ng husto ang kongreso para maisabatas ang mga pangunahing panulaka para sa ikabubuti ng mamamayan.

8. puwedeng puwede naman palang panindigan ng huridikatura ang mga tamang pagpapasya at ituwid ang kamalian ng nagdaan.

MABUTI NA LAMANG AT HINDI NAGKAMALI ANG MGA PILIPINO NOON NAKARAANG 2016 ELEKSIYON AT NAGKAROON TAYO NG MATINONG PANGULO NA MAY TAPANG AT MALASAKIT.”
Jay Sonza, photo from Facebook
Pinuri din nito ang leadership style o pamumuno ng Pangulo na sa kabila ng TAPANG nito sa mga lumalabag sa batas ay may halo din namang MALASAKIT para sa mga karapat – dapat na mamamayan.

Taliwas naman ito sa naging pahayag ni Vice President Leni Robredo noong sabado na hindi aniya naaangkop ang ‘Strongman Leadership’ na tulad ng pinapa-iral ng Pangulo para hikayatin ang mga opisyales ng gobyerno na pangalagahan ang batas.

Aniya, “Competent and empowering leadership is not about demanding obedience by usurping all forms of power; it is about inspiring trust and confidence in such a way that you do not ever have to demand obedience. It is not about being above the rules; it is about proving to everyone that the rule of law applies to all.”
President Rodrigo Duterte, photo from ABS-CBN News
Giit pa nito, “We need leaders who are empowering and inspiring, who bring out the best in people, and help them become great leaders as well. They need to be courageous, so that they are not threatened by the act of listening, that they are not offended even by dissent.”

Ang mensaheng ito ay isinalaysa ng Bise - Presidente sa kanyang talumpati na ginanap sa 4th Young Professionals Summit sa De La Salle University – Taft nito lamang Sabado, Hulyo 21.

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.