Namayapang Mayor ng Tanauan City, ‘bumaliktad’ ang mundo simula nang tumiwalag sa Liberal Party - The Daily Sentry

Wednesday, July 4, 2018



Namayapang Mayor ng Tanauan City, ‘bumaliktad’ ang mundo simula nang tumiwalag sa Liberal Party




Tanauan City Mayor Antonio Halili, photo from Trendolizer (Google)
Ikinagulat ng marami ang biglaang pagbawi ng buhay – umano ng isang bihasang sniper kay Tanauan City Mayor Antonio Halili kamakailan.

Tila hindi mawala sa isipan ng mga dilawan o sa panig ng mga Anti – Duterte ang umano’y posibleng kinalaman ng Pangulo sa pagkasawi ng Alkalde gayon at kabilang ito sa ‘Drug Watch List’ ng Pangulo.

Isiniwalat sa nahalungkat na ‘one – on – one’ interview kay Mayor Halili noong ito’y nabubuhay pa ang tila biglang pagbaliktad ng kanyang mundo simula noong sinuportahan niya si Pangulong Rodrigo Duterte noong nangangampanya pa lamang kabilang na ang umano’y umiiral at malinaw na pagbabanta sa kanyang buhay.

“I was persecuted because I supported President Duterte”, giit ni Mayor Halili sa kanyang panayam.

Aniya, tuluyan siyang nawalan ng control at kapangyarihan sa mga gawain ng Philippine National Police (PNP) sa Lungsod ng Tanauan simula noong kumalas ito sa Liberal Party (LP). Nakaranas umano ng ‘harassment’ ang mga tauhan nitong inatasan para lutasin ang problema sa ipinagbabawal na gamot at iba pang kriminalidad ng kanyang kinasasakupang lungsod.

Tanauan City Mayor Antonio Halili during flag-raising event, photo from abc.net.au
Ang malala pa nito, mismong mga tiwaling Pulis pa aniya ang nagdiin sa kanya para maisangkot lamang siya sa kalakalan ng iligal na droga hangga’t madawit na rin ang kanyang pangalan sa isinumiteng ‘Intelligence Report’ kay Pangulong Duterte.

Isiniwalat din ng Alkalde sa kanyang panayam ang pagkaka – dismaya nito sa tuwing may kaguluhang nagaganap sa pagitan ng PNP at miyembro ng sibilyang grupo sa kanyang lungsod dahil wala umano itong impluwensyang pinanghahawakan sa mismong hepe ng Pulisya sa Tanauan kahit na napalitan ito nang manalo noong 2016 Elections.

Nang matanong sa panayam ng namayapang Alkalde kung mayroon ba itong pinanghahawakang proteksyon sa bitag ng pagbabanta sa kanyang buhay, narito na lamang ang kanyang sagot:

Reporter: “Do you carry firearm?”

Mayor Halili: "Wala. Wala akong ‘Permit to Carry eh’. I walk alone with my driver and helper. Dalawa lang. Kaya nga sabi ko anybody can just come to me and k!ll me. Okay lang naman, eh matanda naman ako. I'm as old as the President."

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.