Netizen, dumepensa para kay SAP Bong Go sa ‘maling akala’ ng mga kritiko - The Daily Sentry

Friday, July 27, 2018



Netizen, dumepensa para kay SAP Bong Go sa ‘maling akala’ ng mga kritiko




Photo from Gem Avancena (Facebook)
Sa kabila nang maraming tiga – suporta ng kilalang Special Assistant to the President (SAP) na si Bong Go para kumandidato sa Senado, dumarami na din ang nagiging kritiko nito habang papalapit na ang opisyal na panahon ng pangangampanya.

Marami na din ang sawsawero’t sawsawera na pinagkakamalan lamang na ume – ‘epal’ ang butihing opisyal. Ito ang naging hinaing ng isang concerned netizen sa pangalang Gem Avancena na base sa kanyang pagsasalaysay ay malapit ito sa kalihim ng Pangulo.


Idinaan na lamang nito sa isang Facebook post ang pag – ‘babash’ ng iilang kritiko na walang ka – alam – alam sa tunay na personalidad ni Bong Go. Aniya, "I am just defending a VERY GOOD MAN who works hard for this country. Di man siya perpekto, at least MABUTI siyang TAO".

Giit pa nito, maraming prominente at mayayamang tao ang willing na mangampanya para kay Bong Go kaya’t UNFAIR naman daw kung ilalarawan siya bilang ‘EPAL’ ng mga kritiko. Hindi din umano nito kinakampanya si Go.
SAP Bong Go, photo from PhilNews.ph
Kamakailan lamang ay mismong si Davao City Mayor Inday Sara Duterte – Carpio na ang nag endorso kay SAP Bong Go para tumakbo sa Senado nitong darating na 2019. Laking pasalamat man nito, nanindigan parin si Go na prayoridad niya ang mag – focus sa trabaho a tumulong sa mga nangangailangan kaysa palawakin ang usaping pulitika.

Aminado din naman ang Alkalde ng Davao na maaga pa para tuloyan nang magpasya si Go pero sakaling mapag – bigyan niya ang hiling ng nakararami sa publiko ay sinisiguro nitong buo ang ibibigay na suporta ng kanyang grupo.

Narito ang kabuo – ang post ni Gem Avancena:

“I guess I had to make this public.

Kakalungkot kasi how people bash SAP Bong Go and call him "epal"... Kasi nga daw, nag-iikot na siya and dami niyang posters everywhere.

Yung sinasabi niyang tumutulong lang siya, yes po totoo yun. And staff pa lang siya ni PRRD nun as mayor, ginagawa niya na yun. Kaso wala lang talagang nakakapansin. And di niya naman kasi pinangangalandakan.
Gem Avancana, photo from Facebook
Akala namin, nung naging SAP na siya, medyo magbabago na siya kasi nga dami niya nang trabaho... Kaso mali. And ang di alam ng iba, napaka-sincere pong tao ni SAP. (I know many can testify on this)

Eto pa. May coverage kami kay PRRD sa Bohol last time. Biglang nawala si SAP during ambush interview. We asked some staff san siya. And guess what, nasa labas daw at pinagtatanggal niya posters nya...

At may naka-usap po akong kilalang negosyante sa Davao Region. (Witness po ang crew ko that time). Sabi niya, all-out support siya kay SAP. Siya raw po nagpagawa ng ilang tarps and posters. May isa ring mayamang kapitan sa Davao City na nagpaprint ng napakadaming shirts and ballers para kay SAP.

So if iba gumawa nun, unfair naman kung siya ang sasabihang "EPAL".

I am not campaigning for him. (Di naman siya nagdeclare eh).

I am just defending a VERY GOOD MAN who works hard for this country. Di man siya perpekto, at least MABUTI siyang TAO.

What made me post this at this time (4am)?. He texted me asking kumusta na yung asawa ko. (Gising pa siya?!) Opo, na-touch ako kasi po di talaga biro pinagdadaanan namin ngayon. Bihira po yung taong tulad ni SAP Bong Go.”

Basahin ang komento ng ilang netizen sa ibaba:


****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.