Netizens remember Mayor Tony Halili as the best mayor they ever had - The Daily Sentry

Thursday, July 5, 2018



Netizens remember Mayor Tony Halili as the best mayor they ever had



Tanauan resident named Kris Jayson felt deeply about the murd*r of City Mayor Tony Halili who was shot by a sniper just recently while singing the Philippine National anthem during the Tanauan City Hall flag ceremony.
Kris Jayson and Mayor Tnoy Halili / Photo from Facebook

Jayson shares the mayor’s legacy and the impact he has left in him and the citizens of Tanauan City.

He calls Halili “the best mayor we ever had” and lists on his achievements.

The first thing he shares is how Halili made Tanauan City the “City of Colors” because of the annual Parade of Lights that the mayor started. Jayson shares that it is because of this that the city transformed to the colorful and vibrant area that it now is.
Tanauan Parade of Lights / Photo credit: Daveil

Jayson also says that Halili was always a strong yet compassionate leader. He shares how the mayor cared so much for his city that he made sure every citizen under his leadership felt safe. 

Jayson shared that when Halili was put into the position, people felt safer to roam the streets at night, or use their cellphones without fear of being snatched. The mayor also made sure that all street lights were working so people will not worry even if they travel late at night.

Another thing Jayson mentioned is how the Mayor was always open to everyone in the community. He says that the Mayor genuinely cared about the citizens and would accommodate them even without setting an appointment.

"Ikaw yung mayor na pwedeng puntahan kahit walang appointment. Open doors and open arms sa lahat," Jayson said.

The Mayor also reached out whenever he can, even transforming the old Municipal Hall into a free Health Center to take care of his people.
Mayor Tony Halili / Photo credit to the owner

Jayson says that this are only some of the great things the Mayor has done and he calls that justice may be served for the loss of their good mayor.

Read his full post here:

"THE BEST MAYOR WE EVER HAD

Sa Tanauan ako pinanganak at lumaki, at sobra akong apektado sa pagkawala ng mahal naming mayor ng Tanauan. Isang mabuting leader na laging inuuna ang kapakanan ng bayan. Sa kanya ko talaga nakitang umunlad ang bayang ito. Walang dahilan para di ka mahalin ng mamamayan ng Tanauan. You are the “Best Mayor” we ever had. Hayaan mong ilahad ko ang mga nasaksihan kong pagbabago, bilang ordinaryong mamamayan, sa pamumuno mo sa ating lungsod.

1. Unang una binigyan mo ng buhay at kulay ang Tanauan. Ngayon ay tinaguriang City of Colors. Mas nakilala pa sa Parade of Lights na pinasimulan mo at taon-taon nang isinasagawa. Laging makulay, maliwanag, masaya at inaabangan ng mga TanaueƱo.

2. Nawala ang takot sa mga tao. Yung alam mong safe ka kahit maglakad ka sa gabi. Yung walang snatcher or holdaper na nakabuntot sayo. Kahit magcellphone ka sa palengke o habang naglalakad walang mandurukot sayo. Yung mga kriminal na ngayon ang takot dahil sa matapang na pamumuno.

3. Biglang umulan man ay di kami mababasa habang naglalakad sa bayan dahil pinalagyan mo ng bubong ang mga daanan. Madalas akong naglalakad dito at napaka-laking tulong ng may bubong ang nilalakaran mo.

4. Tinalo mo pa ang Meralco, dahil may liwanag ang Tanauan tuwing gabi, sinigurado mong lahat ng street lights ay gumagana para lahat kami safe at secure. Di na nakakatakot umuwi ng late.

5. Mas naging disiplinado ang mga tao. Ang laking linis na ng Tanauan ngayon kumpara noon. Ang disiplina talaga natututunan kapag mahigpit ang nagpapatupad.

6. Ikaw yung mayor na pwedeng puntahan kahit walang appointment. Open doors and open arms sa lahat.

7. Bagong City Hall, ang laki at ang ganda. Para daw kapitolyo o mall sabi ng iba.

8. Pinaayos na Tanauan City High.

9. Nagpagawa pa ng Tanauan City College. Madaming kabataan ang nagkaroon ng pagkakataong magaral ng libre.

10. Modernong palengke malapit nang matapos.

11. May pabigas at regalo tuwing pasko.

12. May dagdag benepisyo sa mga senior citizen, may gift pag birthday.

13. Yung lumang munisipyo ginawang libreng pagamutan. Marami na din natulungan na mahihirap.

Napakalaki ng pagasenso ng Tanauan sa pamumuno ni Mayor Halili. At di ko mababanggit lahat pero alam at ramdam ng mga taga Tanauan ang pagbabago. Madami pang projects ang ipapagawa para sa patuloy na kaunlaran ng bayan. Sana ay maipagpatuloy ang kanyang nasimulan dahil napakaganda ng vision ni Mayor para sa Tanauan. Sana ay wag bumalik sa dati na madaming adik at masasamang loob. Buong bayan ang nagluluksa sa pagkawala ng aming tatay. 

Hindi ka namin makakalimutan, Tanauan City’s Hope, Mayor Tony Halili. May Justice be served."



Source: Kris Jayson