Online Political Blogger kay Hilbay: AANHIN ANG KARAPATAN kung wala nang buhay yung tao? - The Daily Sentry

Wednesday, July 25, 2018



Online Political Blogger kay Hilbay: AANHIN ANG KARAPATAN kung wala nang buhay yung tao?




Atty. Trixie Angeles and Atty. Florin Hilbay, composite photos from increflections.com and Rappler
"Your concern is human rights, mine is human lives." – Ito na wari ang pinakamakabuluhang linyang binitawan ng Pangulong Rodrigo Duterte sa kanyang talumpati sa idinaos na ikatlong State of the Nation Address (SONA) nito lamang Lunes. 

Sinumang may matinong pag – unawa at sapat na ganyak ng kalooban ay tiyak na mababatid sa pinapahiwatig na mensaheng ito ng Pangulo.


TAO NGA NAMAN! - Sa kabila nang ‘desenteng’ pananalumpati ng Pangulo, mayroon parin ang nagmamagaling – galingan na kinahiligang ‘umepal’ para lamang umagaw ng eksena. Ang matino at tahas na mensahe ay tila ginagawan pa ng butas para lamang ibida ang opinyong kasing – purol naman utak ng mismong naglikha.

Isa na dito ang dating Solicitor General na si Florin Hilbay na dinaan pa sa social media ang  patutsada nito laban sa sinabi ng Pangulo sa kanyang SONA. Ayon sa kanyang post na nakalahad sa kanyang Facebook at Twitter account, “Aanhin ang buhay kung walang karapatan? Ang karapatang mabuhay ay para sa lahat.”
Atty. Florin Hilbay, photo from ateneo.edu
May punto nga naman ngunit malinaw na hindi naman ito ang pinakamatalinong sagot na tumutugon sa pinararating na mensahe ng Pangulo. PABIDA talaga!

Kaya naman at hindi ito pinalampas ng online political blogger na si Atty. Trixie Cruz – Angeles sa kanyang Facebook blog page na ‘Luminous’ ang pag – puna sa nasambit ng dating opisyal.

Aniya, tila iba ang pagkaka – unawa nito sa mensahe na pinararating ng Pangulo kaya’t baligtad din umano ang naging reaksyon nito. Ayon sa kanya, layunin lamang ng Pangulo, partikular na ang panuntunan na inilunsad para sa ‘War on Drugs’ ng butihing Presidente ay para sa ikabubuti ng lahat. Sino ba naman ang gustong mamatay nang dahil sa iligal na droga o masangkot sa kalakalang ito?

Giit pa nito, nais lang din ng Pangulo na mapahalagahan ang karapatang – pantao ng bawat isa kabilang na ang kay Hilbay sa kabila ng panlilinlang nito. To Serve and Protect, ika nga ayon sa motto ng PNP.
Atty. Trixie Angeles, photo from radyolaverdad.com
Narito ang kabuo – ang post ni Atty. Trixie sa Luminous:

“Sabi ni Hilbay:

"Your concern is human rights, mine is human lives." - Rodrigo Duterte

Aanhin ang buhay kung walang karapatan? Ang karapatang mabuhay ay para sa lahat."

Gurl, hanuvah. Baliktad yata. AANHIN ANG KARAPATAN kung patay na yung tao? That is what the president is saying. He wants even people like you ALIVE to enjoy your human rights. And all other rights.

Now you can quibble all you want. But don't deliberately misinterpret.”

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.