P2,500 kada rally | Mga menor de edad na ni-recruit ng NPA para magrally laban sa gobyerno, sumuko sa AFP - The Daily Sentry

Thursday, July 26, 2018



P2,500 kada rally | Mga menor de edad na ni-recruit ng NPA para magrally laban sa gobyerno, sumuko sa AFP




Composite photos from PTVph and Rappler
Nasagip na ng ma tropang militar ang grupo ng mga menor de edad na nagawang tumakas mula sa mga kamay ng mga di – umano’y recruiters ng bandidong New People’s Army (NPA) para hikayatin ang mga ito na sumali sa mga kilos protesta laban sa gobyerno at posibleng isabak na din sa pakikibakbakan kung kinakailangan.

Napag – alamang may alok na bayad sa halagang P2,500 kada Rally ang mga ito kung kaya’t ito ang nag – udyok sa kanila na lisanin ang kani – kanilang pamilya at sumali sa teroristang grupo.


Sa tulong na inihandog ng Armed Forces of the Philippines (AFP), dalawa umano sa mga ito ang nagpatuloy na sa pag – aaral samantalang tatlo sa mga ito ay nagbabalak maging miyembro ng CAFGU.

Ang CAFGU o ang Citizen Armed Force Geographical Unit ay itinatag noong July 25, 1987 sa ilalim ng administrasyon ng yumaong Corazon Aquino nang si dating Pangulong Fidel V. Ramos ang nanilbihang Secretary of National Defense ng bansa. Layunin nito na mag – alay serbisyo upang tugonan ang pagbabanta sa demokrasya o ang pag – tugis sa sino mang naghahasik ng terorismo sa kani – kanilang komunidad na tila talamak noong dekada nobenta.
Photo from PTV (Facebook)
Ang CAFGU ay nasa ‘Operational Control’ ng AFP. Matatandaang pinawalang – bisa ang naturang grupo noong 1993 nang dahil sa alegasyon ng pang – aabuso sa karapatang – pantao hangga’t sa muli itong ibinalik noong 2007 at pormal nang nakikibahagi sa mga operasyon ng mga tropa ng gobyerno na may mahigit 50,000 aktibong miyembro hanggang ngayon.

Noong Pebrero nito lamang taon, hinimok ng Pangulong Rodrigo Duterte ang mga Rebel Returnees o mga rebeldeng kusang nag-balik loob sa gobyerno na bumalik sa kani – kanilang mga probinsya at gumanap bilang miyembro ng CAFGU sa pangakong mabibigyan nito ng sapat na tulong pang edukasyon at pagsasanay para sa kanila at sa kanilang mga anak lalo’t nailunsad na ang proyektong BUILD, BUILD, BUILD program.

Sa harap ng mahigit 210 ‘rebel returnees’ na pinag – merienda nito sa MalacaƱang, sinabi ng Pangulo na "I suggest that you stay with the Armed Forces and be a CAFGU. You should be given that first so that you can go back to your hometown. You can't go back to the mountains anymore unless you kill them all," sa sariling wika.

Aminado ang Pangulo na matindi ang pangangailangan ng sapat na tauhan na may kaalaman at karanasan bilang karpintero’t mason sa mga proyektong imprastraktura.
Photo from PTV (Facebook)
Aniya, "Education is already free under my administration. Even you can to go to school," dagdag pa nito.

Nangako din ang Pangulo na bibigyan niya ng libren pa – bahay ang sinumang gustong sumuko sa ‘first – come, first – served’ basis. Kaya’t payo nito sa mga butihing nagbalik – loob na sa gobyerno, "I will give it to you as long as many of you will surrender. Tell those who are still in the mountains, "Go home now."

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  news.abs-cbn.com