Robin Padilla slams people behind the 'province of China' tarp: "bukod sa katangahan, ay isang malaking KATRAYDURAN!" - The Daily Sentry

Friday, July 13, 2018



Robin Padilla slams people behind the 'province of China' tarp: "bukod sa katangahan, ay isang malaking KATRAYDURAN!"





Composite photo from Robin Padilla's Facebook posts


Actor Robin Padilla and staunched Duterte administration supporter believes that putting up of “Welcome to the Philippines, province of China” in several roads of Metro Manila is a stupid joke.

Padilla, on his Facebook post started off by saying that this kind of propaganda is a stupidity and downright treason.

He said that whoever did it, has no real knowledge about the truth backed by our history, which states that our ancestors are the Austronesian, thus, majority of the Filipino people had Chinese blood in them – even before the Spaniards, European, American, and Japanese came.

Padilla also reminded the readers that the up to now conflict concerning the West Philippine Sea or the South China Sea is the result of the past administration’s wrong decision on handling the disputes.

Below is the full post of Padilla:

Bukod sa Katangahan ay Isang napakalaking KATRAYDURAN ang propaganda na ito ng mga taong nais bahiran ng Pulitika ang gumagandang relasyon ng Inangbayan Pilipinas at ng ninunong China. Marahil iisipin natin na mga pulitikong pabor sa Amang Amerika ang nakaisip nito? Maaring mga pulitiko rin na pabor naman sa Ninunong Europa? mahirap magbintang! Masama yun! baka rin naman mahilig lang magpatawa ang gumawa nito eh napakaraming nagiging komedyang pulitiko lalo kapag papalit na ang eleksyon.... Ang Pag ibig sa Bayan ay hindi nasusukat sa mga ganitong paandar! Halatang walang alam sa kasaysayan at katotohanan ang nag isip nito ika nga sa salitang inglis ay isa itong Stupid Joke! Nakakatawa pero Nakakabobo! Wala ka man lang natutunan sa Patawang Political Statement na ito..... *


Mga mahal kong kababayan ayon sa mga ebidensya ng archeology at anthropology Ang ating pinagmulan na lahi ay Austronesian. Magkamag anak na talaga ang kultura natin ng ninunong china bago pa dumating ang ninunong europa at salinan tayo ng kanilang kultura. Hindi pa dumarating ang mga dayuhang puti ay meron na tayong trade at political relationship sa Ninunong China. Panahon pa ng mga Rajah, Datu at Sultan meron na tayong Alliance sa Ninunong China. Katunayan ay 65 percent ng mga Pilipino sa ngayon ay may Chinese Ancestry bago pa ang Spanish, European, American, Japanese atbp.

Ninuno at Kaibigan natin ang China katulad ng Taiwan, kamag anak natin ang buong maritime south east asia, sri lanka, andaman islands hanggang madagascar. Malapit ang relasyon natin pero HINDI tayo probinsya ng Ninunong China! Tayo ay isang malayang Bansa at malayang mamamayan. Ang singalot sa South China Sea/West Philippine Sea ay dulot yan ng mga maling desisyon ng mga nagdaang gobyerno! Una sa paghandle ng North Borneo Pangalawa sa Spratlys Pangatlo itong Scarborough Shoal na ayon sa A-1 information ay binili mismo ng ninunong china sa mga local governments ng Pilipinas ang mga lupang ginamit nila sa pagtatayo ng air strip at military base sa mga Isla na pinag aagawan. Panahon po ito noong nakaraang administrasyon.




Source: Robin Padilla