SONA muntik nang HINDI MATULOY. Pangulong Duterte nagbalak mag walkout sa House of Representatives - The Daily Sentry

Wednesday, July 25, 2018



SONA muntik nang HINDI MATULOY. Pangulong Duterte nagbalak mag walkout sa House of Representatives




President Rodrigo Duterte, photo from cnnphilippine.com
Ibinunyag ni Senate President Tito Sotto III na muntik nang hindi matuloy ang pagdaraos ng State of the Nation Address noong Lunes dahil sa pagbabalak mag – walkout umano ng Pangulong Rodrigo Duterte dahilan ng biglaang pagkaroon ng kudeta sa Kamara kung saang napatalsik bilang House Speaker si Congressman Pantaleon Alvarez.

Nainis umano ang Pangulo sa nangyari, ayon kay Sotto, na isa sa mga sumalubong nang dumating si Presidente Duterte sa Kamara. Aniya, “nainis (si Duterte). Gusto nang mag-walk out. Sabi ko, Mayor, sa Senate ka na lang mag-Sona! Natawa.”


Giit pa ni Sotto, hindi ikinatuwa ng Pangulo ang pwersahang pagpapalit ng liderato na halos kasabay pa ng pagdaraos sa SONA at pinuna din nito ang ‘absence’ ng mace at ang pagpatay ng mikropono sa isang ‘romp session’ kung saang nailuklok na bilang bagong House Speaker si Pampanga Representative at dating Pangulong Gloria Macapagal – Arroyo (PGMA).

Ayon kay Sotto, “It appeared to be a romp session. Even the mace was not in place. They could have done it in a better way. Even the President was unhappy with the event”.
Photo from philstar.com
Pina – alala naman ni House Majority Leader Rodolfo FariƱas sa Pangulo ang katungkulan nitong idaos ang SONA o ang pag – ulat sa bayan sa tuwing ika – apat na Lunes ng Hulyo kada taon kung saang nakatakda ito sa mismong 1987 Constitution.

Inabangan naman ng marami kabilang ni Pangulong Duterte ang pag – ratipika sa Bangsamoro Organic Law na magmumula sana sa Bicameral Conference Committee report subalit bigla namang nag – adjourn ng session si House Deputy Speaker Gwen Garcia kung kaya’t hindi rin ito napirmahan ng Pangulo sa pagdaraos ng SONA.

Matagumpay namang naratipikahan ng KAMARA ang Bangsamoro Organic Law o ang BOL nito lamang Martes, Hulyo 24, 2018.

Samantala, tiniyak naman ng bagong Speaker ng House of Representative na si PGMA na aayusin nito ang transisyon mula kay Congressman Pantaleon Alvarez tungo sa kanyang liderato. Kasunod nito ang maayos na pag-pasa sa BOL.
President Rodrigo Duterte, photo from philstar.com
Nilinaw naman ng opisyal sa naging pahayag nito sa isang panayam kung ano ang sinabi nito sa mga tiga – suporta noong pinatayan ito ng mikropono sa naganap na ‘romp session’. Ayon kay PGMA, "I'm very grateful to my colleagues. For their trust and confidence in electing me speaker and I view my role as speaker with having a primary, specific objective.. that is, to carry out the legislative agenda of President Rodrigo Roa Duterte and that means for today, we must get the Bangsamoro Organic Law ratified."

****

Dear avid readers, what do you think of this article? Please share your thoughts in the comment section below.

Source:  philstar.com